I opened my eyes at ang puting ceiling ng ospital ang sumalubong sa akin. Masakit ang tagiliran ko ngunit pilit akong bumangon.
Ginala ko ang aking mata, mag isa ako sa kwarto. Tanging ang tunog ng mga machine ang naririnig ko, nang magbababa ako ng tingin sa aking braso ay nakita kong may swerong nakakabit doon.
Binalikan ko ang mga nangyari, may gulong naganap sa factory. I was stabbed.
Ang huli kong naaalala ay ang pagtawag at ang pagbalita sa akin na my Mom and my brother was shot, and Freyr is Missing.
Nanlamig ang katawan ko, kahit nanghihina ay pilit akong tumayo at inalis ang swero na nakakabit sa braso ko. I was in the middle of removing it nang biglang bumukas ang pinto. Si Gideon ang iniluwa non, nanlaki ang kanyang mata ng makita akong nakatayo at pilit na inaalis ang swero.
"Kayla!" Horror was evident in his voice, dali-dali niyang tinakbo ang pagitan namin at muli akong inalalayan mahiga.
"Please take a rest..." Aniya habang yakap ako.
Nanghihina akong napakapit sa kanya, ang mga luha ay unti-unti nang nagbabagsakan sa aking mga mata.
"No... Si Mommy and si kuya... F-Frey is missing too," wala sa sariling saad ko.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahing isipin. Kung ang kalagayan ba nila mommy, o kung sino ang gumawa ng mga bagay na ito.
"Calm down... Your brother is fine..." Pagpapakalma ni Gideon.
"Si Mommy?" Nanghihinang saad ko, nanginginig kong hinawakan ang dalawa niyang kamay. Nag mamakaawang balitaan niya ako sa kalagayan ng akin ina.
"S-She's still in the operating room, but don't worry her wounds is not that fatal, according to the doctor..."
Tila nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa din maalis sa aking puso ang pangamba, hindi ito maalis hangga't hindi ko nakikitang maayos ang kalagayan nila.
"I wanna see them," nanghihinang saad ko.
"Rest first, I'll call Keegan." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.
Nilabas niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Wala na akong naging lakas, nanghihinang napahiga na lamang ako sa hospital bed.
Nanginginig pa din ang aking mga kamay at nanlalamig sa mga nangyari. Hindi ko lubos maisip na may magtatangka sa buhay namin... At sabay-sabay pa itong nangyari.
Ilang saglit ay agad ding may dumating na mga nurse at doctor. Sinuri nila any kalagayan ko, at muling pinalitan ang benda ng aking sugat dahil muli na naman itong dumugo.
"Don't move too much Miss Cuevas, maaring bumukas ang sugat mo," paalala sa akin ng doctor, nanghihinang tumango na lamang ako.
Nang makalabas sila ay agad akong bumaling kay Gideon.
"Si Freyr?" Nanghihinang tanong ko.
Nakita kong napalunok siya at nag iwas ng tingin, parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa naging reaksyon niya.
What happened to Freyr? He was missing! Isa lang ang naiisip kong salarin!
"Please answer me..." Nanggigilid ang luha ko habang nagsusumamong nagtatanong sa kanya.
Bumuntong hininga si Gideon, "We still don't know, pupunta dapat siya sa hearing pero according to his bodyguards hindi na nila nakitang umuwi ng bahay niya si Freyr," saad ni Gideon na para bang ayaw niya pang sabihin ito sa akin.
Hindi siya umuwi ng bahay niya kagabi dahil sa amin siya natulog! Hindi ko alam kung anong oras siya umalis. Wala siyang iniwang text or tawag, tanging ang note lang ang iniwan niya.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
Storie d'amoreKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...