Escape
This week is indeed a one hell week. Tuesday pa lang ngayon pero pakiramdam ko isang linggong pagod na ang nararamdan ko.
Kaliwa't kanan ang mga program at kailangan asikasuhin. At kung pagod ang mga kaklase ko sa booth ay mas pagod kaming mg student council officer dahil halos maghapon kaming nagpapa ikot-ikot sa buong school para masiguro na maayos ang lahat.
Bukod pa doon ay may pinapapasa pa sa aming mga school papers, kailangan pa naming mag document para may mailagay doon.
Jusko parang gusto ko na lang maglaho at bumalik kapag tapos na ang festival. Kung pwede lang talaga mag time skip para matapos na ang hirap na ito.
"Kevs takte ka umayos ka, ayusin mo performance mo." Natatarantang saad ko sa pinsan ko.
Eto ang isa sa pinaka malaking event ngayong linggo, ang thanksgiving sa mga malalaking sponsor ng school. Nagka aberya dahil nagkasakit ang vocalist ng banda ng school.
Noong una ay halos magwala si president dahil sa walang magpe-perform pag nagkataon at masisira ang plano. Pero biglang nag presinta si Kevin na siya na lang daw ang kakanta.
Imbis na sumagot ng maayos ay kumibot kibot ang labi ni kevin habang ginagaya gaya ang sinasabi ko.
"Taena neto! Umayos ka nga! Para namang gago!" Inis na saad ko sa kanya habang hinahampas siya.
Natatawang sinalag niya ang kamay kong humahampas sa kanya.
"Parang tanga naman 'to, alam mo namang kumakanta talaga ako sa mga bar." Mayabang na saad niya.
Hindi naman talaga pangit ang boses ni kevin, sa totoo nga ay magaling siyang kumanta. Ewan ko ba kung bakit imbis na sa banda ng school sumali ay naisipan niyang tumakbong officer ng student council.
"Umayos ka pag nasira takbo ng program dahil sayo, sibak ka na sa pwesto." Pananakot ko sa kanya.
Pero imbis na matakot ay mayabang na ngumisi pang siya.
Minsan talaga ang sarap na niyang batukan.
"Huh! Ako pa ba? Baka mamaya pati si president mainlove na sa akin." Pagmamayabang niya, saktong pag sabi niya ng president ay saka dumating si Jaimie.
Wala na ang kaba sa kanyang mukha, napalitan na ito ng walang emosyon niyang mukha. Kanina kasi medyo halatang kinakabahan siya.
"Di'ba president?" Saad ni Kevin habang pataas baba taas baba ang kilay.
Kumunot ang noo ni Jaimie at inayos ang kanyang salamin. Grabe ang ganda niya kahit mukhang suplada. Imbis na sumagot kay Kevin ay hindi niya ito pinansin at nilagpasan ito.
Sumama naman ang mukha ni Kevin at ngumuso.
"Napakasungit psh." He said while pouting.
Ngumiwi ako sa kanya, pacute ang pota.
"Ayos mukha kasi, para ka kasing tae eh." Saad ko na mas ikinalukot ng mukha niya.
"Tignan natin, mamaya maiinlove yan sa boses ko." Bulong niya na parang hindi bulong dahil napalingon si Jaimie sa amin at sinamaan siya ng tingin.
"Pasok na sa stage." Mariing saad nito kay kevin na agad namang sumaludo.
"Aye aye! Baby!" Masiglang saad nito. Hindi na siya pinansin ni Jaimie kahit na alam kong gustong gusto na niya itong itapon.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomantikKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...