Married
"Kaylan ba ang uwi mo anak?" Ang malungkot na boses ni Mommy ang sumalubong sa akin. Pagkasagot ko ng kanyang tawag ay iyon agad ang kanyang tinanong.
I sighed umayos ako ng higa at pagod na tumingin sa ina. I wanna go home too ngunit tambak pa din ang trabaho ko dito.
Noong una ay nasasabayan ko pa ang dagsa ng trabaho ngunit ngayon ay halos hindi ko na alam ang uunahin ko.
"I don't know Mom... But I'll make sure to go home before the date..." I said.
Naging maayos ang annulment ni Mommy kay daddy. Nagtagal ang proseso pero sa huli ay na-annul din ang kasal nila.
Nakuha din niya ang ibang ari-ariang ipinangalan niya kay daddy, and now Mom's been managing her own business. And I could say that she's doing well with the help of Tita Kriselle, Kevin's Mom.
Masasabi kong mas naging masaya si Mommy mula nang maghiwalay sila ni Daddy... Mas naging confident siya at nagagawa na niya ang mga gusto niya.
She became free.
Masaya ako para sa ina dahil sa wakas ay nakalaya na siya at hindi na nagbulag-bulagan pa sa mga ginagawa ng aking ama.
She finally realized her worth, and moved on.
On the other hand my father's business has been bankrupt, maraming investors ang nag pull out at dahil doon patuloy na bumaba ang stocks ni Papa.
Wala na siyang ibang asset dahil nabawi ni Mommy ang mga ari-arian niya.
Naibenta na din daw ang bahay namin sa Manila at natanggal na ang mga katulong doon dahil wala nang ipambabayad si Daddy sa kanila.
Iyon ang huling balita ko sa kanya, hindi na din ako nakibalita pa dahil wala naman nang dahilan.
Oo galit ako sa mga ginawa ni Daddy... Pero hindi ko alam ang mararamdaman sa kalagayan niya ngayon. Gusto kong maawa ngunit sa tuwing naiisip ang kanyang ginawa sa aming pamilya at nawawala ito at napapalitan ng pagkamuhi.
"Are you happy Mom?" Tanong ko sa kanya.
Mommy found a new love.. Nakikita ko kung paano kumikislap ang kanyang mga mata kapag nagkukwento siya tungkol sa lalaki.
Tinrato niya si Mommy ng mabuti... He respected my Mom and he made her feel like she's a diamond. Ginawa niya ang mga bagay na hindi nagawa ni Daddy noon.
Napunan niya ang mga pagkukulang ni Daddy noon bilang asawa.
Siya ang nakapag paramdam may Mommy ng totoo at genuine na pag ibig.
That's why I liked him for my Mom.
"I am," mababakas ang kasiyahan sa kanyang mga labi. This is the first time na nakita ko si Mommy na ganito kasaya.
Dati kasi ay ngumingiti siya pero nababakas ang lungkot doon at parang may kulang. Samantalang ngayon ay magaan na ang mga ngiti niya. She looks satisfied with her life right now.
"I'm glad Mom, I'm glad that tito Gabriel is treating you right."
Tito Gabriel is one of my Mom's investor. He came from an Old rich Family, heredero at nag iisang anak ng pamilya. Nagka asawa ngunit maagang namatay ang asawa nito dahil sa panganganak at simula noon ay hindi na naghanap pang muli.
Not until he met my Mom. Nagkasundo sila at madalas nagkikita dahil pareho din ang mga hilig nila. Sabi pa noon ni Mommy ay para lamang sa negosyo ang pinag uusapan nila, ngunit naging madalas iyon at eventually nagkagustuhan sila.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomanceKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...