Thread XIII: Who Needs a Name...?

56 1 0
                                    

MADARA’S POV

“Asan na ba kasi yun?”

I lifted my bed, put away all of my things on my side table and study table, searched beneath my room’s dividers, and even looked inside my closet BUT I STILL CAN’T FIND IT!!!

I almost cleaned my room and even asked for our maids if they saw it but I got nothing. What the hell!!! I wonder where is that now.

“If it’s not here in my room…”

*Lightbulb*

“I know, right!”

I quickly went out of my room and went downstairs.

“Nicoooooooooooole!!!!” I shouted habang nababa ng hagdan. Sa sobrang pagmamadali eh daladalawang hakbang na ang binababa ko.

I saw my sister eating her breakfast in the dining room. She’s already in her uniform and I think she’s ready to go to school just after eating.

“What’s it, kuya?”

“Kinuha mo ba yung panyo sa may tabi ng lampshade ko kagabi???”

“Huh? Nope?” she said as bite her sausage.

“Are you sure?” I confirmed. Para kasing hindi ganun kaganda ang tono nitong pagkakasabi ni Nicole at parang may tinatago sya.

“Yes, I am. Seriously.”

Pagkasabi niya nun umakyat uli ako papuntang kwarto ko. Baka kasi nandun lang yun at na misplaced ko lang talaga.

Kung tungkol sa panyo ang tinatanong niyo, ganto kasi yun…

>>>Flash Back>>>

“Kuya, san ka galing? Bakit gabi ka na umuuwi lagi?”

Eto na naman ang kapatid kong astang nanay. (-_-) Kapapasok ko pa lang ng bahay naming ini-interrogate agad ako na parang witness sa isang malaking kaso.

“Wala. Dyan lang sa tabi tabi,” I told her with a sarcastic tone.

She pouted and crossed her arms infront of her. “Tinatanong nang maayos weh. Saan ba talaga?”

Sinalampak ko ang sarili ko sa may sofa and closed eyes to relax myself.

“Dyan nga lang sabi.”

Aba’y kakulet talaga nito at ayaw pang maniwala.

“Lagi ka na lang umuuwi nang gabi lately, may problema ka ba?”

“Wala, nagliliwaliw lang ako after school.”

“After school?” I opened an eye to glance at her and I saw her brow rising. “Sira ka pala eh. Imposible, tumawag sakin ang secretary ng student council and sinabi natumakas ka na naman daw sa mga gawain mo dun!”

Bakit ba napakarami nitong alam, ha? Nakakainis eh. Kung di ko lang to kapatid baka ilang beses ko na tong nasuntok. Nagpatuloy sya sa paglelecture at pag tatanong sa akin but I didn’t even bother to listen and to answer. Maya-maya, nagulat na alng ako nung bigla syang napatigil sa pagsasalita.

“Huh? Ano yang hawak mo?” sabay turo sa may left hand ko na may hawak na panyo.

“Eto?” I raised my hand while holding the handkerchief. “Hindi ba halata? Panyo to.” I said to her sarcastically again.

She pouted. “Alam ko, handky yan. Di naman ako t*nga. Ang ibig sabihin ko eh bakita may ganyan kang panyo at saan galing yan?” dama ko inis sa boses nya.

“Wala…Pulot ko lang to.”

Actually, naiwan to ni pare dun sa may cliff kahapon. Nakita ko na lang nung nakaalis na sya. Kinuha ko at balak kong isauli sa kanya kapag nagkita na lang kami (irregular kasi sya pumunta dun, kapag hindi lang busy). But one thing that tickled my curiousity is the symbol of an flipped “P” in that handky. I don’t know pero parang tinatawag ako ng nakaburdang symbol na iyon for something. That seems familiar.

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon