Thread XXIV: Operation ChocoMan 1...?

55 0 0
                                    

Napaisip ulit ako. Tungkol sa taong nagbibigay ng chocolates sa akin AKA ChocoMan. Ano kayang motibo niya? Hm???

I’m starting to have a change of heart. Maybe knowing that ChocoMan won’t hurt, right?

Habang ineenjoy ko ang chocolate, biglang umupo sa table ko si…

 

Si Elliot. Ano kayang problema nito???

Nagpatong siya ng isang malaking pakete ng M&M sa table kasama ng isang lata ng Nescafe Mocha. Tumaas ang kilay ko sa mga nakitang kong temptations sa harapan ko. In contradiction, naglalaway ako dahil ang sarap nilang tignan lahat.

“Azha, bati na tayo…” medyo parang nahihiya ang tono nya + hindi sya nakatingin sa mata ko. Para namang maawa ako noh! ASA!

Errr…uhm…

Actually, effective. I think he don’t deserve this. Di na naman ako galit sakanya. Sige na nga…

Babatiin ko na sya.

“Anong problema mo?” taray ko ano?

“Bati na tayo…” he said it with puppy dog eyes and pleading voice.

“Sige…”

“TALAGA!?” para syang batang nabigyan ng bagong laruan.

“Sa isang kondisyon…” biglang napawi ang mga ngiti niya at ang joyous aura niya, parang tinangay ng bagyo.

“A-ano?”

I smiled to him deviously. “Help me find out who’s the mysterious guy giving me these chocolates.”

ChocoMan, here I go. I’m coming for ya~

*Evil Laugh*

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

ELLIOT’S POV

“Basta, kailangan mong umuwi at ako nang huhuli sa ChocoMan na yun.” Paliwanag ko

“Pero…Hindi nga pwede. Gusto ko din sumama…” Ang kulit talaga ni Azha kahit kelan. Lahat ng gusto ipipilit.

Naalala nyo? Papatawarin lang niya ako kung mahuhuli ko ang taong nagbibigay ng chocolates sakanya. Nice guy style ako at ayaw ko ng kaaway kaya pumayag ako. Isa pa, gusto ko ding malaman kung sino ba ang taong yon at ano ang motibo niya. Sumunod, hindi ko---

“Kaya sasama ako!!!” nakapamewang pa sya. Sigh. Ang tigas talaga ng ulo nito.

Pinisil ko ang cheeks niya at hinatak ang mga ito nang parang rubber band.

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon