Azhamria’s POV
“Oy? Saan ba?”
“Basta.”
Hindi na siya nagsalita mula noon habang kami ni Elliot naiwang nagiisip sa ere kung saan niya kami dadalhin. Sumakay kami ng bus. masikip na ang bus at dalawa na lang ang available seat.
“Az--Yukina, upo ka na,” pagaalok sa akin ng upuan ng classmate kong panget. Dun niya ako pinapaupo sa tabi ng bintana.
Uupo na sana ako nang biglang umupo si Raziel sa inaalok sa aking upuan.
“Comrade, dito ka na lang oh” inaalok naman niya sa akin yung upuan sa may tabi niya.
“Pre, tumayo ka dyan at dyan uupo si Yukina.” Sabay sinenyas niya ang kamay niya nang pataas, meaning tumayo daw si Raziel.
“Hindi pare. Pwede naman siya dito eh.” Sabay turo ni Raziel dun sa katabi niyang upuan.
Nagpatuloy sila sa pagtatalo kung saan ako uupo. Hindi ba ako dapat ang magsasabi kung saan?! Gulo ng buhay ng mga to eh. Antagal ng diskusyon nila na para bang nakalimutan nila na kasama nila ako. Upuan lang naman yun diba? Bakit nila pinagaawayan?!
“eh pare, tumayo ka na lang kasi.”
“Ano bang pagkakaiba? Pwede naman siyang umupo dito eh.”
“Eh bakit ba kasi ang kulit mo. Kung tumatayo ka na lang kaya.”
“Eh kung kas---”
“HOLD IT!” pareho silang napatigil sa pagsigaw ko. Tinulak ko si Elliot sabay pinaupo siya sa may tabi ni Raziel.
“Oy, ano ba!”
“Comrade, ikaw na lang--”
“Hinde! Magtigil kayo! Inyo na yang upuan, tatayo na lang ako!”
Nakita ko na bubuka pa ang bibig nila para magprotesta pero nilakihan ko sila ng mata kaya naisipan nilang tumigil sa pagsasalita.
Nagsimula ang biyahe na tahimik sila. Hindi rin sila nagkikibuan at nakaharap sila sa magkabilang direksyon. Ako din hindi na nangulit. Hindi naman ako nahirapan kahit nakatayo ako since sanay din naman akong magbyahe. Medyo naiilang lang ako kasi parang ng freaky ng katabi ko. Tinitigan ko siya from top to bottom. Pink kasi ang buhok niya at nakashades siya. In addition, nakacoat pa siya na halatang hindi naman bagay dito sa kinalalagyan niya. Tapatin niyo nga ako, may concert ba si Lady Gaga ngayon dito? Naliligaw ata siya. Ningiti-ngitian pa niya ako. Eeeeeeeek. Weirdo~
Well…I could careless, as long as hindi siya magnanakaw!!! Then just paid my attention to other things around, baka may freaky disease pa yan na nakakahawa.
Again…tahimik ule kaming tatlo when suddenly…
“Ano ba?!!” biglang sumigaw si Raziel habang hawak ang gilid ng noo niya.
“Oh?” I simply said; meaning, I’m asking what’s the matter.
“Kanina ka pa namamato ah!” biglang sabi niya keh Elliot na kumakain ng kanyang mani.
“Ha?” tanong ni Elliot with full of confusion.
“Ano ba problema mo? Bakit ka namamato ng mani!?”
“Ako!? Namamato ng mani!? Huwag ka ngang mamintang! Nakain lang ako dito.”
“Hoy! Huwag kayong mag away!”
“Eh kasi to nananahimik ako namamato ng mani.”
“Anong?! Nakain lang ako dito ah. At isa pa bakit ko ibabato sayo yung pagkain ko?! Sayang kaya noh!!!”
“teka nga! Manahimik kayo! Para kayong bata! Nakakahiya!!!”
I scolded them anxiously. Buti naman at naintimidate sila sa approach ko at natahimik na lang uli sila. Patuloy si Elliot panget sa pagngata ng mani habang si Raziel naman nakatingin sa may labas ng bintana. Sigh. Parang mga bata.
“Dito na tayo.”
Pagsabi ni Raziel nun, tumayo na silang dalawa at pinangunahan ko ang pagbaba ng bus.
Naglakad kami nang sinusundan si Raziel. Ayaw niya kasing sabihin kung saan kami pupunta
“San ba tayo, Raziel?” di ko na natiis at nagtanong na ako.
“Dito” he answered me plainly at pagtingin ko, nasa may entrance na kami ng mall.
“Dito!?” sabay sigaw naman ni Elliot.
“Oo, dito.”
“Eh kung sinabi mo lang na dito LANG pala mo kami dadalhin sana din a kami nagpasama. Kaya naming pumunta dito kahit wala ka.”
“Oh, tama na. Ikaw Raziel ah! Di mo kagad sinabi na dito ang pala!” medyo nairita nga ako sa ginawa niya. Nakakadisappoint kasi eh.
“Sorry.” Sabay yuko naman siya. Bigla naman akong naawa sa ginawa niya.
“Oh sya. Wala na tayong magagawa. Let’s just enjoy the place.”
========================
yo~ another thread for this week..=w=)y
wala akong magawa, kakabasa ko lang ng articles tungkol sa batchmate kong nagsuicide..:'(..it's so scary..may she rest in peace...
sana nakokonsensya na yung gumawa ng policy na yun n nging dahilan ng death niya..
de wa, enjoy reading *for ze few of ye..*
~Ryaka
ps: 'has been a year since i wrote this..pero ilang beses akong tumigil..:P kaya di pa siya tapos
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Ficção AdolescenteTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...