AZHMARIA’S POV
Napasarap ata ako makipagkulitan dun sa outsider na yun at ayan, di ko na napansin ang oras. Huwag naman sana magalit sakin si Boss Iel. Late na ako woh. Sumakay agad ako ng bus na diretso na ng Iel’s. ilang minutes lang naman ang byahe.
After a while.
Salamat naman at nandito na ako. Dali-dali ako pumasok at nakita ko si Senpai Kim sa counter. Oh my, tapos na shift niya eh. Kaso nagextend siya dahil wala pa ako. Pumasok agad ako sa loob, syempre sa may back door kasi dun ang daanan ng mga employees. Dali-dali ako nag palit ng uniform at nagsuklay kahit papaano. Ang gulo kasi ng buhok ko dahil mahangin sa byahe. Lastly, I put on my sunvisor. Wala nang araw, alam ko, kaso yun ang uniform namin eh.
I quickly went to my boss to say sorry. Ayan kinakabahan ako. Wag sana siya magalit.
“Ahm… Sir Iel, pasensya na po at late ako,” then I bowed.
“Oo nga, san ka ba galing?” nakangiti namang sagot niya.
Ano sasabihin ko? Alangan namang sabihin kong napasarap akong makipagkulitan dun sa co founder ng org namin. “May mahalaga lang po kasi akong inasikaso sa school, di ko naman po alam na matatagalan. Sorry po.”
“Ano ka ba. Okay lang yun. Lagi namang maganda serbisyo mo dito eh,” sabay ngiti sakin. Haaaaaaay. Buti na lang mabait si sir kunde…tsk tsk.
“Oh, dalian mo na at palitan mo na si Kim dun, mejo pagod na din yon.”
“Opo sir.”
Pumunta na ako sa may counter and ginreet ko si Kim senpai[senior].
“Senpai, sige na pede na tayo magpalit.”
“Salamat naman at dumating ka na Azha. Late ka ah.”
“Oo nga po, pasensya na ah…”
“Wala yun,” she tapped my shoulders. “Sige, kaw na bahala jan ah…” sabay alis na siya.
Anyways, dito nga pala ang part time job ko, sa Iel’s Pizza House. Masarap pizza namin dito. Hahaha. Mababait naman ang tao dito kaya malaki ang respeto ko sakanila. Maswerte talaga at dito ako nakapagtrabaho. Suki din kasi kami dati dito kaya kilala na nila ako.
Di naman sa sobrang need ko ng pera kaya nagttrabaho ako dito. If I actually want to, makakapagaral naman ako ng di nagwowork. But don’t want to ask my parents some money for my extra school needs (like projects and such) and of course, ako din sumusuporta sa luho ko (like collecting stuffs and yo-yoing). That’s my real reason for working. And I think it’s okay since I can manage it with out having a hard time. My brother’s the same. He’s also a working student to support his extra fees and leisure like his badminton and yo-yoing (pareho kami hehehe.)
Well, it’s work time! I already served a couple of customers and everything went smoothly. Syempre expert ata to. Sandaling nabakante ang cashier, puno na kasi ang mga tables namin.
‘So… sya pala si Madara. Di pala totoo yung balita na babae sya. Hmm..’
“Miss, isa ngang…”
‘Wala pa talaga kasing nakakakita sakanya maliban kay Anise sama na founder at kay Mikoto na ex nia at founder din ng KRG kaso nagquit na.’
“Miss?”
‘Talaga palang may ugali yung unggoy na yun. Yun talaga ang napatunayan ko sa mga bagay na nababalitaan ko tungkol sakanya. Grabe he’s so arrogant.’
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Teen FictionTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...