Thread XX: Just Simply Enumerating...?

51 0 0
                                    

AZHMARIA’S POV

Humigit kumulang isang buwan na din ang nakalipas simula nung assembly. Buti na lang at nagtigil na sa pang-aasar ang mga tao ng KRG tungkol sa pagdidisguise ko bilang Yuki. Sinabihan ko na din si Lyra na huwag nyang banggitin kahit kanino sa school ang tungkol sa bagay na yun. Mapapahiya talaga ako. >_< Going smooth din ang pagdudual personality ni pare as both Madara and Shigure. Ang ibang members, ganun pa rin. Ang buhay ko, the usual pa rin. Sa apat na lugar lang umiikot ang buhay ko. Sa bahay, sa school, sa Iel’s at syempre, sa haven. Same routine din. Lagi pa rin kaming nagkikita ni pare sa may haven. Nagkkwentuhan  lang kami buong oras namin dun. Buti nga at hindi kami nagsasawa sa isa’t isa at hindi nauubusan ng kwento.

Kakatapos lang ng test namin. Matagal akong hindi pumasok sa trabaho para sa exams (pero joke lang yun kasi hindi pa rin ako nagaaral) kaya naman kailangan kong humataw ng pagttrabaho ngayon.

“Wait pare, magbibhis lang ako. Kung gusto mo, um-order ka na lang dun kay Ate Kim,” tinuro ko sya sa may counter. Nagpumilit kasi syang sumama dito sa Iel’s sabay sabi na gusto na din naman niyang bumili ng pizza kaya sabay na kami.

“Hindi. Sige pare, hintay na lang kita.”

“Bahala ka…” pumasok na ako sa may pinaka staff room ng Iel’s para magpalit ng damit ko. Saglit lang ako dun. Nagsukaly ng unti at sinuot ang sunvisor ko na usong uso sa akin kahit kanina pa namaalam ang araw. Madali na akong pumunta sa counter area at nakita ko si Sir Iel at Ate Kim doon.

“Sir, on na po ako” medyo inaayos ko pa ang uniform ko. “Ate Kim, ako na pong bahala. Magpahinga ka na po muna”

“Sakto dating mo. May customer ka agad oh. Sige na, take charge” nakangiti pa si Sir Iel. Nako sir, ang bait nyo talaga~

“Okay~” and humarap na ako sa counter. And guess what?

Ang unang customer ko…

si pare…

“Good evening sir. Welcome to Iel’s pizza,” I smiled at him. “Can I take your order?”

He smirked at me. “Pwede bang ikaw na lang ang i-order ko? (XD)” tarantado talaga tong gurang na to. Hahaha! Adik.

“Sira ulo! Umayos ka nga!” I said it rudely pero nakangiti ako slightly.

“Hey, easy ka lang,” pagpipigil pa sakin ni Sir. Tumingin naman sya kay pare and nag-bow “Sir, pasensya na po kayo. Nabigla lang po siya. Hindi niya sinasadya.” Sobrang sincere ng pagkakasabi ni Sir Iel. Nako sir, kung alam niyo lang~

Madara then chuckled heartily “hahaha! Ayos lang, ayos lang! hahahaha”

“Naku sir, di ginagalang mga ganyang tao!” then I joined his chuckle.

“Oy, ikaw” nagpout sya. “Customer mo ako dito ah!” parang warning pa niya sa akin. As if naman na matatakot ako! Hahaha!

“Ma-magkakilala kayo?” Sir’s really puzzled. I can see it through his eyes

“Huh? Di po noh! Di ko yan kilala!” natatawang sabi ko. “Ngayon ko nga lang po yan nakita eh!”

“Manager, isisante nyo na nga to,” tuloy pa rin sya sa paghagikhik. Kaligayahan nito eh, wagas. Nakakahawa tuloy >_<.

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon