Thread XXXIV: Unwinding, Tekken, and Unexpected Ones...?

57 1 0
                                    

AZHMARIA’S POV

 

 

Umalis na kami at sumakay ng motor.

Again, namumutla na naman ako during byahe. Nakakaloka. Minsan, naiisip ko tuloy na sana nagpalibing na lang ako kasama ni kuya Sander kesa sumakay sa motor ni Kuya Shin na harurot magpatakbo. Syempre, joke lang yun. XD

“Kuya Shin, mapapatay kita pag nadisgrasya tayo!!!!”

Anlakas ng sigaw ko pero mukhang hindi niya naintindihan kasi nagshrug lang sya.

Kahit gusto ko syang iritahin, hindi pede kasi dapat magconcentrate sya sa pagddrive. Ayoko pa mamatay ano! Tahimik lang ako na pinagmamasdan ang mga dinadaanan naming. Kahit papaano hindi ganun kabilis magpatakbo ng motor si kuya kaya medyo at ease lang ako.

Akala ko diretso uwi kami pero nagulat ako nang biglang ipasok ni Kuya Shin ang motor niya sa isang mall.

“Kuya? Anong gagawin natin dito.”

“Mag unwind.”

Woah!? Unwind unwind pa syang nalalaman ngayon. Hmh.. well, gusto ko ang idea niya kaya wala akong angal.

Una nagikot ikot lang kami sa mall, window shopping dito at window shopping doon.

“Gusto ko nito kuya~” tinutukoy ko yung replica ng tonfa ni Hibari Kyoya na nakadisplay sa isang specialty store.

Gyaa~ iniisip ko na ang sarili ko in uniform, naglalakad sa school, pinagtitinginan ng iba, may makakabangga, magsososrry sya sa akin, at sasabihin ko: “Kamikorosu”. Gyaaa~ Cool~

[I’ll bite you to death. AN: Hibari’s catch phrase]

“Kakabili mo lang ng swiss army knife.” He said flatly.

“Alam ko, pero gusto ko nun.”

“Wala tayong pera.”

“Alam ko.”

“Yun pala. Wag ka nang umasa.”

Grabe, ang kuya ko na ata ang most encouraging na tao sa buong mundo. Grabe.

“Tara na.” biglang nagdirediretso sa paglalakad si Kuya. Sinundan ko na lang siya at luhaang iniwan yung tonfa.

Maya-maya, si Kuya naman ang napatigil sa isang jewelry store. Nakitingin tingin na din ako kasama niya. Ang weird ni Kuya Shin, nakatitig siya sa isang kwintas na may cross na pendant. Yung lang ang tinitignan niya.

“Trip mo yan???” sabi ko sakanya sabay patong ng braso ko sa balikat niya.

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon