RAZIEL’S POV
Pinakilala ni Anise ang bagong member at ayoko sakanya. Bakit? Basta ayoko sakanya. Mukhang maangas eh at hindi ko talaga trip ang mga taong ganon. Nakita ko pa kung paano sya ngumiti kay Yukina kanina at ayoko din ng ginawa niya. Nakipagkamay pa sya at hinding hindi ko talaga gusto yun.
Nagpatuloy ang celebration ng KRG habang ako nageentertain pa ng ibang female members dahil nasa host club ako. Dikit sila nang dikit sa akin na hindi ko mapagkakailang gusto ko talaga. Yun naman ang dahilan ko sa pagsali dito sa host club. Siguro halos lahat ng babae dito (Maliban lang talaga sa iilan) ay nahawakan ko na. Hindi sila nababastos kasi gentle naman ako at pasimple. Syempre, andun na din na gusto talaga nila. Mga plastic sila, kunyari naeembarass sila sa ginagawa ko pero sa totoo lang halos gusto na nilang ibigay ang sarili nila sa akin.
Gusto ko ang pakiramdam na ganon. Pero hindi ako makuntento dahil may isang babae dito na hindi man lang tinatablan ng karisma ko. Si Yukina.
Simpleng babae lang siya na may magulong pag-iisip. Sya lang sa buong KRG ang babaeng astang lalake na pinagpipilitang hindi sya tomboy. Yun ang nagustuhan ko sakanya. Masaya siyang kasama at adventurous. Handa din syang gumawa ng mga bagay na hindi karaniwang ginagawa ng mga babae. Mahilig sya sa video games (na naging daan ko para mapalapit sakanya) at kung hindi ako nagkakamali ay mahilig din sya magyoyo.
Inosente sya pagdating sa tunay na romance and lust. Kahit lagi ako nagsasabi ng mga bagay na nagpapakita ng intension ko sakanya ay naiinterpret niya ito sa maling paraan. Sa ginagawa niyang iyon, lalo ko syang nagugustuhan. Lalong nagliliyab ang loob ko na basagin ang kainosentehan niyang iyon.
Maya-maya nakita ko sya sa isang sulok na nakaupong mag-isa habang nasabay sa tugtugin ng KRG band. Nilubos ko na iyon para masolo ko sya. Lumapit ako sakanya at umupo sa may lamesa na kinauupuan niya din.
“Comrade,” pagentle ko pang sinabi.
“Oh, Raziel. Kaw pala?” busy sya uminom ng kape.
“I’m sorry for what happened. Dapat talaga hindi ka na naming pinilit.” Sinadya kong gwing parang nagguilty ang tono ko para lalo pang gumanda ang reputasyon ko sakanya. Isa pa, hindi ko talaga gusto ang nangyari na iyon. Hinaras ni Éclair si Yukina. Ako lang ang may karapatan na gumawa nun. ( =A= )
“No. it’s fine. Pati tapos na yun so it’s nothing for me already.” She gave me a slight smile. Masyado talagang mababaw ang babaeng ito. Lalo ko tuloy syang nagugustuhan. Parang gusto ko syang hawakan pero hindi ko yun pwede pang gawin. Gagawa ako ng paraan para sya mismo ang magsasabi na hawakan ko sya.
“Buti naman.” Tinitigan ko ang mukha niya habang nakatuon ang mga mata’t isip niya sa iniinom nyang hazelnut. Maganda talaga si Yukina lalo na kung matututo syang mag ayos ng kanyang sarili tulad ng iba. Kaya naman desidido ako na gisingin ang pagkababae niya.
“Yung twin mo, nasaan?” bigla syang nagtanong tungkol kay Ranuel, yung kakambal ko. Anyway, ako naman si Ram o Ramuel.
“Si Ran? Ay si Elric pala? Andun, kasama ang girlfriend nya,” walang hiya yung kapatid ko na yun eh. Nang iwan palibhasa nakaiskor na dun kay Aya. Hindi na ako magtataka kung hindi sya sasabay saakin pag-uwi dahil baka mag quality time muna silang dalawa.
“Oooh… I see…” uminom ulit sya ng kape. A quick silence between us followed that. Nagulat ako when suddenly, “Hahahaha!!!” tumawa sya na para bang iniinsulto ako. “Kawawa ka naman, wala kang kasama. Dapat kasi mag girl friend ka na din para naman meron ka ding kasama aah…” may pagka saltik talaga to. Bigla na lang ako inasar dahil wala akong girlfriend. Nako, di bale nang walang girlfriend, nakakascore naman ako sa madaming babae. Isa pa, kung maggirlfriend ako, ang balak ko sya. Sa tingin ko kasi magiging exciting syang girlfriend.
“Hindi, ayos lang... Masaya naman ako kasi kasama kita…” pahina nang pahina ang voice ko “…ikaw na future girlfriend ko.”
“Ha? Ano kamo???”bigla syang nagtanong “Paki laksan mo voice mo kasi maingay dito! Hindi kita gaanong marinig!” nilagay pa niya yung kamay niya sa may tenga niya as a gesture na hindi niya narinig yung sinabi ko. Badtrip naman, lagi na lang kapag bumabanat ako sakanya eh sablay.
“Ha? Eh. Wala lang yon!!!” yun na lang ang sinabi ko dahil alam ko naman na kahit ulitin ko pa at marinig niya, magiging iba pa rin ang pagkakaintindi niya sa sasabihin ko.
“Ha? Bahala ka nga dyan.” Tiningnan ko lang sya habang nahigop ng iced coffee niya. Bigla syang napatingin sa akin and inalok ako ng hazelnut.
“Gusto mo?”
“Ha? Hindi na,” umiling pa ako.
“Ay?” she pouted. Ang cute niya talaga. Ipagpatuloy lang niya yan at nang lalo pa akong magkainteres sakanya. “Masarap naman to aah…”
“Oh, sige na nga,” sabay kinuha ko yung inumin niya. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto niya ang kape pero aminado ako na masarap. Masarap ang indirect kiss niya. Sa susunod hindi lang indirect kiss ang kukunin ko. Ang mga labi niya, ako mismo ang titikim nun sa sarili ko.
“Thanks,” binalik ko yung baso niya tapos kinuha niya iyon sabay inom. Grabe talaga to, ilang tao na kaya ang nakaindirect kiss niya. Halatang hindi sya conscious sa ganun.
Nagkwentuhan kami ng tungkol sa iba’t ibang bagay pero mostly about sa games. Ganito naman lagi ang kwentuhan namin eh. Kahit dina-divert ko sa intension ko sakanya, nagiging iba ang pagkakaintindi niya at nairerelate niya pa rin yun sa mga games at anime. Ganoon sya kadense kaya talagang challenge sya para sakin. Patuloy lang ang usapan namin nang biglang lumapit sa amin si Shigure, yung bagong member.
“Excuse me, pedeng mahiram muna si Yukina?” maangas ang pagkakasabi niya. Gusto ko na syang sapukin pero ayaw ko ng gulo. Hindi ko talaga gusto ang Shigure na to at lalong lalo nang ayaw kong ipaubaya sakanya si Yukina.
“Ah, sige lang.” tumungo ako sabay tumingin naman kay Yukina. “Comrade, may paguusapan ata kayo.”
“Ah, maya na lang muna.” Sabay tumayo sya at sumama kay Shigure.
Hindi ko talaga gusto ang nangyayari. Sa susunod, hindi na ako papayag na sasali yung asungot na yun.
=============================================
errr...here goes raziel...pero actually, may dahilan kung bakit siya ganyan..LOL..dont think bad of him too much...XD
update update pa ako ...MORE
~ShiroKage
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Novela JuvenilTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...