AZHMARIA’S POV
“Irrashaimasse” I, together with the host club, said in unison. [Welcome]
I can hear “kya~” “Moe~” “Kyun~” and sorts everywhere. Grabe tong mga babae na to makatili. Pinagkakaguluhan nila ang mga members ng host club. Lahat punta sa kanya-kanyang favorites. Hindi nagtagal, pati ako eh dinumog na din nila.
“Kya~ anong pangalan mo dear?”
“Ikaw ba yung sinasabi ni Anise sama na bagong member huh?”
“Ang cute mo naman~ hingi ako ng digits and e-add mo ha?”
“Pwede na ba kitang iuwi?”
“Oy, magtigil ka nga dahil hindi yan sasama sayo. Saakin yan sasama!”
“Kapal mo aah!”
“Epal!”
Hindi ko sila kinikibo. Una kasi, sunod-sunod sila magsalita kaya hindi ako makasabat. Pangalawa, sa inis ko, baka hindi ko sila matantsa. Pangatlo, hindi ko sila pwedeng awayin dahil mawawala ang pangarap ko.
‘Tiis tiis lang’ yun lang ang hinuhugutan ko ng lakas sa ngayon. Kundi lang talaga ito para sa Striker Replica ng RE4, hindi ko talaga ibebenta ang kaluluwa ko sa mga babaeng ito.
Blah blah blah. Grabe. Hindi ko na sila matake. Ang ingay nila sobra. Grabe namang torture ito…kung bakit ako nandito…ganto yun…
>>>Flash Back>>>
“Ano namang tulong ang kailangan niyo sa akin ha?” nakapamewang pa ako habang tinatanong ko si Pam. Nandito kami ngayon sa isang play ground malapit sa HQ ng KRG. Nakaupo lang siya sa swing habang nanguya ng kanyang bubblegum. Libangan niya yun eh.
“Ikaw ang magiging alas namin, Yukina!” singit nitong si Kuya Goro. Hindi naman tinatanong eh.
“Ano nga?”
“Sasama ka sa host club sa assembly,” sagot sa akin ni Pam
“Ha? Lagi niyo naman ako kasama pag may assembly ha?”
“Sabi ko sayo Enma, huwag na lang eh. Baka hindi okay kay comrade” sabi ni Raziel kay pam. Teka? Ano ba talaga balak ng mga ito?
“Hoy, ako nga ay diretsuhin niyo. Ano bang ipapagawa niyo sa akin?”
“Hahaha! Kasi Yu nee chan, gusto ni En-nii na magcross dress ka para samin at sumama sa host club” singit naman ni Momiji. Para talaga syang si Hani senpai ng Ouran High School Host Club, maliit kasi sya at parang loli shouta din ang effect since sya ang pinakabatang male member ng KRG. In addition, isip baby talaga sya naturally.
“Ako? Magcross dress???”
“Yeah. So payag ka?” tanong sakin ni Enma. Grabe, I don’t like this. Nakikita ko sa mga mata niya na he’s begging to me.
“Di ba normal lang naman sayo na bihis lalake ka? Okay na yun diba???” paliwanag ni Kuya Goro.
“But I hate crowds.” Okay nga lang naman sa akin na magdamit lalake. Actually, medyo boyish nga ako pumorma eh. Pero hindi talaga tipong pang tibo aah.
“Sige na Pam..please?”
“Huwag na natin syang pilitin kung ayaw niya.” Tumingin sa akin si Raziel. “Di ba comrade?”
“Ha?”
“Etong si Raziel, masasapok na kita mamaya. Hindi pa naman sya umaayaw ee…”
“Ayaw ko,” diretsahan kong sinabi. Halos hindi pa nga nakakahinga si Kuya Goro mula sa pagsasalita niya.
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Teen FictionTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...