Thread XXXIII: Sander...

57 0 4
                                    

***************************************

October 08 (Three years ago)

“Psh…” ( +_+ ).

Ano ba namang mga kuya yan oh? San na naman kaya sila nagpunta? ( =A= )

Andito ako sa city proper at parang batang naliligaw kakahanap ng kapwa batang naliligaw. Kanina pa oras ng hapunan. Nagluto ako ng masarap sabay hindi sila uuwi. Baka gusto nila ng bugbog paguwi nila!!!

Parang ang hirap naman magkaroon ng dalawang kuya na laging naalis, kung saan-saan pumupunta gamit ang motor nila. >_<

Kanina pa ako naghahanap kung nasaan ang dalawa kong kuya. Lagi na lang silang wala eh, sabay minsan uuwi na may mga sugat at pasa. Ayaw naman nila aminin kung saan sila pumupunta at kung saan sila napapaaway or err…nadidisgrasya daw, tulad ng sabi nila.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Kuya Shin??? Kuya Sander???

Yoohooo???

Asan na kayo???

Mula talaga nung nagkamotor sila lagi na sila naglalakwatsa!

“Sana masira ang motor nilaaaaaaaaaaaaaaaa!” nangangamot pa ako ng ulo sa inis nung sumigaw ako. Bigla ko na lang narealize na nasa bayan ako at nakatingin na sa akin yung mga tao. Iniisip na siguro nila na baliw ako. Pambihira, napahiya pa ako nang wala sa oras! Magbabayad talaga sa akin yung dalawang yun pag nakita ko sila. Hmp.

Dinial ko ulit yung number ng dalawang magagaling kong mga kuya. Walang nasagot sa phone ni Kuya Sander. Yung cp naman ni Kuya Shin nakapatay.

Parang kanina pa mabigat ang dibdib ko na para bang may kailangan akong ipagalala pero hindi ko maisip kung bakit. Hindi ko talaga gusto ang ganitong pakiramdam.

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap.

“ Unti na lang. pag di ko sila nakita, uuwi na ako.” Tumingin ako sa cellphone ko para i-check ang oras. “Nakoooo, malapit nang mag-Hail Teacher Nube”

 Lumiko ako sa may corner nang bigla akong may nakabungguan.

“Aray!” buti na lang malakas ang mga binti ko at hindi ako natumba. “Ano ba!?” sabay napatingin ako sa mukha ng nakabangga sa akin.

“Kuya Sander?” nakita ko na si Kuya Sander. One down! Pero bakit parang hingal na hingal at pawis na pawis sya?

“Azha!”

“Kuya anong---”

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon