MADARA’S POV
“So, yung classmate mong sangganong sigang gangster na maangas na mukhang goon na thug lord na hoodlum si ChocoMan?!”
Natatawa ako sa pagkakasabi ni pare. Nakakaloko talaga kasi parang ang kulang na lang eh tumalon siya ng bangin sa paghhysterical niya.
“Sheez pare, alam mo yun, gusto ko isuka lahat ng chocolates na binigay niya sa akin! Kamote!”
Halatang nagsisinungaling sya dun. Pag magkausap kami sa mail lagi na lang syang nagmamayabang tungkol sa mga chocolates at sarap na sarap daw sya. Ang pride talaga nito oh.
“hay nako! Kung mababalik lang talaga ang oras!”
Humugot siya ng goya almonds sa bag niya at naghagis ng isang piraso sa bibig niya.
“Eh yan pare, chocolate na naman? Kanino galing yan?”
Nanguya pa sya habang nagsasalita.“ Echo? Ko Shantoshhhh”
Grabe talaga tong amasonang Yukina Boy na to oh. Ang cute eh. “Kay ChocoMan? Kala ko ba ayaw mo sakanya.”
“Eh ka----” bigla syang napatigil dahil nabulunan sya. “Pa.. *coughs*…yung *Coughs* aulait *coughs*”
Medyo nataranta ako dahil sakanya pero naabot ko naman ang bote ng aulait at sa kabutihang palad eh buhay pa naman sya.
“Phew. That was hard!” tinakpan na niya yung bote and nagpatuloy na naman sa pagkain ng chocolate.
Ayan kasi, grabe siya kumain, dirediretso.
“Oh, tuloy mo. Eh kasi???”
“Eh kasi binigyan niya ako. Sayang naman noh!”
Naku naku, kanina kakasabi lang niya na parang gusto niyang iluwa tapos ngayon malalaman ko na tumatanggap pa rin sya ng chocolate mula dun. Talaga naman.
“Chocolate ka ng chocolate. Tumataba ka na oh”
“Oy! Hindi naman! Pareho kayo ng kuya ko eh! Laging sinasabi sa akin na tumataba ako”
“eh totoo naman.”
Biglang kumunot ang noo niya at tumulis ang nguso sa inis. “Eh di magsama kayo! Badtrip!!!”
Tumalikod siya sa akin habang patuloy na inaatake ang mga kawawang tsokolate. “Damn sheez, wag kang maarte. Wag mo ko talikuran.”
“Ewan!”
“Oy, Yukina!”
Hindi sya naimik. “Hoy!”
Para talaga syang bata minsan. Minsan naman parang ang mature niya magsalita. Di ko talaga to maintindihan.
“Yukina!”
“Hindi ako si Yukina!” nag cross arms siya.
Sinusubukan talaga ako nito ni pare eh.
“Talagang ayaw mo ako harapin aah?”
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Teen FictionTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...