Thread XXV: Operation ChocoMan 2...?! ( O_O ,,)

51 0 0
                                    

*CREEEEEEEEEEEEEK*

 Biglang may nagbukas ng locker room.

“Sino yun???” sumilip ako ng unti, inaasahan ko na yung nagbibigay ng chocolates kay Azha ang lilitaw pero nagkakamali ako…

Yung guard lang pala.

“Sigh.” Nagtago muna ako sa loob ng store room. Kapag nakita kasi niya ako dito sa loob nang ganitong oras, sigurado akong papauwiin niya ako. Maya-maya lumabas na din ang guard ng stockroom.

“Sigh.”

Buti naman di niya ako napansin. Asan na ba kasi yung ChocoMan na yun? Antagal tagal.

Mga thirty minutes na din ang lumipas. Wala pa rin akong nahuhuli. Medyo dumidilim na sa labas. Buti na lang hindi sila nagpapatay ng ilaw sa ibang kwarto.

Naiinip na ako. Sobra.

TEKA?

Hindi naman kaya tuwing early morning niya nilalagay sa locker ni Azha ang chocolates?

“Bakit di ko naisip yun!” mahina kong sigaw sabay nahilamos ko ang palad ko. Bakit nga ba hindi ko naisip yun??? Ibig sabihin, ang matagal kong paghihintay, bale wala lang.

“At patay pa ako kay Azha”

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto. “Kapag 15 mins, wala pa sya, uuwi na ako.” Para akong tanga dito, kinakausap ko na ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na sinakripisyo ko ang oras ko sa pagyoyoyo at tinakasan ko ang baseball practice namin para maghintay sa isang taong hindi ko kakilala nang walang kasiguraduhan kung dadating ba talaga sya.

Nauubos na ang pasensya ko. Tumingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras.

“6:36” lumagpas na pala ako sa palugit. 16 mins na ang nakakalipas. Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko. Wala nang dahilan para magstay pa ako, sasabihin ko na lang kay Azha na wala talagang dumating.

Gagalaw na sana ako mula sa kinatatayuan ko pero biglang…

*CREEEEEEEEEEEEEEEEk*

Bumukas ulit ang pintuan. Akala ko nung una baka yung guard na naman oh di kaya yung janitor  pero hindi.

Isang lalaking nakaschool uniform ang nakita ko. Hindi ko sya makilala dahil nakatalikod sya. Lumapit sya sa may locker ni Azha at binuksan niya ito.

PAGKAKATAON KO NA!

Mabilis akong lumapit sakanya at hinawakan sa balikat si ChocoMan.

“PARE…” madiin pero kalamado ang tono ko nung tinawag ko sya. Bigla syang lumingon sa akin. Sa di inaasahan…

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon