AZHMARIA’S POV
“Baboy, gising na.”
“Ughh..”
“Bumangon ka na dyan. Dali.”
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko pero nakapikit pa rin ako. “Kuya naman eh…” sabay humiga pa rin ako at nagtakip ng kumot.
“Bangon na.” hinampas hampas niya yung hita ko para magising ako.
“Bakit ba?” kinamot ko ang ulo ko sa inis. Sarap sarap pang matulog eh. Naramdaman ko na umalis sya mula sa pagkakaupo niya sa may kama ko. Biglang lumiwanag. Binuksan niya kasi yung venetian blinds ng bintana ko.
“Aalis tayo. Tara.” Inalis niya yung kumot mula sa pagkakataklob sa mukha ko. “Dali.”
Kahit nakapikit ako, bumangon pa rin ako. Kuya naman eh…
“Bumaba ka na. May almusal nang nakahanda.”
Lumabas na sya sa kwarto ko
Tumayo na ako at tinignan ang sarili ko sa salamin nang nakapikit (ano daw?). Dinilat ko na ang mata ko sabay lumingon ako sa kalendaryo ko.
“October 08.” Medyo nagising na ako. Kaya pala.
Lumabas na ako sa kwarto ko.
Yawn. Antok pa talaga ako.
Kunukusot ko yung mata ko habang nababa ng hagdan tapos…
*Booogsh!*
“Aaaaw!!!!”napahawak ako sa balakang ko.
Ansakit, nadulas ako sa may hagdanan. Napamali kasi ang tapak ko. >_<.
“Azha!” hawak hawak pa ni kuya yung tinidor niyang may sausage.
“Ansakit!” I said forcefully.
“Ayos ka lang? Sa susunod kasi magiingat ka na.” sabi ni kuya sa panaginip ko. As if naman anoh? Back to reality.
“Ayan. Patanga-tanga ka kasi. Tumayo ka na, kawawa yung lapag sayo.” Sabay bumalik na sya sa dining room.
See? Sabi ko sainyo. Asa pa ako.
Tapos na kaming magayos ng sarili namin.
“Tara na.”
May dala syang packed lunch.
“Libre mo ko transpo aah.” Sabi ko habang palabas kami ng bahay; nasa unahan ko sya.
“Sige.”
“Sagot mo?” syempre, I need to confirm, baka mali lang ako ng rinig.
“Oo.”
Huwat? Pumayag sya na ilibre ako ng pamasahe?! Hindi kaya knidnap ng mga masasamang tao ang kuya ko at pinalitan nila ng kamukha niya???
“Tara na,” bigla niyang sinuot ang helmet niya at nistart ang motor.
“Teka!” sheesh. Alam nyang hindi ako mahilig sumakay ng motor. Takot ako eh. Kaya pala pumayag na ilibre ako ng transpo. “Alam mo naman na ayaw ko sa motor!”
“Eh di magcommute ka mag-isa”
Pumadyak na sya at papaandarin na ang motor. Talagang ayos lang sakanya na iwan ako. Hmp!
“T-teka! Di na kuya! Sama ako!” white flag. Sa huli, wala din akong nagawa kung di pumayag sa gusto niya. Sinuot ko yung helmet na inaabot niya sa akin at sumakay na ako ng motor at mahigpit na humawak sa may waist niya. Syempre pag nalaglag ako, dapat kasama rin sya.
Nagsimula na ang byahe namin. Sa una, masyado akong occupied ng takot ko sa motor trip at halos nakakalimutan kong huminga pero habang tumatagal ang byahe, nalilimutan ko ang takot ko at nadidivert ang isipan ko sa ibang bagay. Seryoso si kuya habang nagddrive, ako naman nagsisight seeing lang ng mga bus, usok, tindahan, etc. ngayon ko lang napagtanto, matagal nang hindi ginagamit ni kuya ang motor niya.
Mahal na mahal ni kuya ang motor nya. Halos kulang na lang ata eh umiyak siya sa saya nung binilhan sya nila papa ng motor. Mga 15 ata siya nun. Pair sila ng pinsan ko. Binilhan sila ni papa ng motor nung naggraduate sila ng Junior High.
Pero simula nung nangyari yun 3 years ago, naging madalang ang pagmomotor ni kuya hanggang tumigil na sya. Biglang nagbago si kuya. Hindi na din siya nauwi na may sugat mula nun. At bigla syang nainduldge sa pagbabadminton.
Masaya ako at tumino si Kuya. Pero namimiss ko yung medyo jolly (kahit stoic) na Kuya Shin dati kesa ang laging seryoso na Kuya Shin ngayon.
Gayunpaman, isa lang ang alam ko. Kahit parang ang cold ng Kuya ko sa akin, mahal ko sya at alam kong mahal niya din ako. Lagi niya ako inaalagaan at pinagpapasensyahan. Sya na ang tumayong magulang ko since laging busy sa pagkakayod sila papa.
“Dito na tayo.”
Di ko namalayan na nakarating nap ala kami. Agad akong bumaba ng motor. Nanginginig ang tuhod ko. Siguro kahit mentally hindi ako gaanung takot, kusa pa ring nagrereact ang katawan ko.
“Dito na tayo agad…” then I sighed. We’re here. Heavenly Garden Memorial Park.
Tahimik lang kami ni kuya. Ang awkward nga para sa akin. Ewan ko sakanya? Di kasi ako sanay na hindi nagsasalita. Ayoko nang masyadong tahimik.>_<. Pero hindi ko din alam kung paano ako magsisimula ng usapan kaya naman napili ko na lang tumahimik.
Kainis pa, ako ang pinagdala ng mga lunch box. Ehem? Sino ba ang lalaki dito? O_o?
Medyo mahaba din ang nilakad namin. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang marating namin ang pakay naming grave.
“Sander” I heard him say beneath his breath. Lumuhod sya din pinagpag yung mga dumi at dahon na nakaharang sa grave stone. Napatingin ako. May flowers na naman sa grave.
“Kuya, nagbigay na naman ng flower si FlowerMan.” Hinipo ko pa yung petals nung ibang bulaklak. Every year, lagi na lang may flower na dito bago pa man kami dumating.
“Kuya, sino kaya sya?” pero hindi sya sa akin umimik.
Kung sino man sya. Maraming salamat kasi naalala niya ang kuya ko.
Nilapag ko yung mga lunch box tapos umupo ako sa may damuhan, katabi ni Kuya shin, at tinitigan ang grave stone.
Kuya Sander…
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Teen FictionTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...