Thread XXVIII: Little Bro Talk...?

48 0 0
                                    

ELLIOT’S POV

Sa wakas nakarating na din kami sa tapat ng bahay nila Azha.

“Ingat.” Sinikmuraan niya ako nang mahina tapos nakangiti sya.

“Aray >_<”

“Wag ka nga maarte.” She chuckled lightly. “At ikaw…” binigyan na naman niya ng kakilakilabot niyang tingin si Kris.

“Ayoko malungkot si Mhist! Pasalamat ka!” humakbang sya paharap with closed fist na parang susugurin si Kristoffer. “Ayan!” nilagay niya sa palad ni Kris yung mga foil ng pinagkainan nyang toblerone. Hahaha. Tinamad lang pala magtapon ng sariling basura.“Bukas ulit.”

“Bye” nagwave ako sakanya

“Bye”-Kris

“Sige.” Pumasok na sya sa loob at sinara yung gate.

Ngayon, kaming dalawang lalaki na lang ang naglalakad. Nakita kong hinihimashimas ni Kris yung likod niya habang naglalakad.

“Problema?” nakapamulsa pa ako.

“Medyo masakit eh.”

“Nako, medyo napasama ata ang pagkakasupplex ni Azhmaria sayo.”

“Oo nga eh. Masyado kasing amasona eh,” pareklamo ang tono niya pero masyadong ironic sa mukha at aura niya. Halata sakanya na masaya sya.

“Oy ah…” syempre, ayoko na naririnig yun sa iba. Kahit totoo.

Tumawa lang sya nang mahina. “Bakit di mo sinasabi?”

“Huh?” natigilan ako saglit sa tanong niya. Si kris, tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad

“Bakit di mo sinasabi samin na may gusto ka pala kay Azhmaria,” tumigil na din sya sa paglalakad tapos lumingon sya sa akin.

“Psh.” Sinipa ko yung maliit na bato sa may harapan ko. “Bakit pa?”

Naglakad na ulit kaming dalawa. “Wala lang. alam ko kasi hindi uso sayo torpe. Open ka naman sa mga nararamdaman mo sa mga naging past girlfriends mo.”

Tama sya. Pag gusto ko yung babae, inaamin ko kagad at nagpapaalam kagad akong manligaw.

Hindi ako kumikibo.

“Kelan pa?”

Ano ba namang usapang lalaki to oh.

“Mga, last year pa.”

“Sya ba ang dahilan ng break up nyo ni Amber?”

Natigilan na naman ako. Napakagaling pumunto nitong si Kris eh.

“Hindi ah.” Nagpatuloy ako sa pagsipa nga mga maliliit na bato na nakikita ko sa daan.

Medyo kalahating kasinungalingan yun. Si Amber naman ang nakipagbreak sa akin. Hindi naman talaga si Azha ang dahilan.

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon