AZHMARIA’S POV
“7:27” tumingin ako sa oh so awesome wirst watch ko. Ganda talaga. Deathnote weh.
7:27 am na….27 minutes late na ako. Siguro, enough na yun para manalo ako sa laro namin ni Elliot-panget ngayon. Gusto ko kasi ng libreng latte mamayang break time. *Evil Laugh*
Naglakad ako sa may hallway papuntang room. Ilang hakbang na lang bigla akong may naalala. “Shimatta! Yung journal notebook ko na ipapasa ngayon, naiwan ko!” bumalik ako agad para pumunta ng locker room at kunin ang lecheng notebook na yun na pinapapasa ng teacher namin sa English. Hindi naman ako natagalan na pumunta sa may locker room pero…
“Yung susi???” hinalungkat ko na ang kilailaliman ng bag ko pero hindi ko Makita yung susi ng locker ko.
“Asan na yun???” tinaktak ko ang buong bag ko! As in tinaktak talaga! At natagpuan ko!!!!....
Ang mga balat ng chocolate at scratch papers ko na nasiksik sa loob nito. Mga basura na nakakapang-init lang ng ulo dahil istorbo sila sa paghahanap ko ng susi.
“Sigh” ano nang gagawin ko? Strict si Ma’am English kaya naman pag hindi ako nakapagpasa sa time niya, which is 8:20, malalagot talaga ako.
“Hmmm…”
Isip Azhmaria, isip….isa kang dakilang hUMAn…isa kang dakilang nilalang kaya alam kong may maiisip ka. Tinapik tapik ko yung lapag gamit ang paa ko habang nagiisip.
*TING TING TING*
“Light bulb!” pinulot ko yung mga gamit ko na nakakalat sa lapag at sinalaksak ulit yun sa loob ng bag ko. Yung mga basura, iniwan ko na. nakokonsensya man ako, kapag hindi ako nagkalat, baka mawalan ng trabaho si Kuya Jan, ang JANitor naming XD. Tumakbo ako papuntang guard house.
“Kuya Guard, may martilyo kayo dyan?” medyo hinahabol ko pa ang paghinga ko.
“Oh, Sir Serolf!” pabiro syang sumaludo sa akin.
“Sapak, Kuya. Gusto mo?” baka i-sir ko mukha niya? hinagod ko ang buhok ko na nakaharang sa mukha kong pogi. “Seryoso, may martilyo kayo?”
“Martilyo?” nakasalubong ang kilay niya sa pagtataka. “Para saan naman yun? May iaambush ka ba?”
“Oo, ikaw” I said in a sarcastic tone.
“Sabi na eh.”
“Adik ka talaga kuya. Ikaw lang nagawa nun!” namewang ako. “Pupukpukin ko kasi yung lock ng locker ko. Nawawala susi eh, kailangan ko kunin yung notebook ko na ipapasa mamaya.”
“Nako, napaka burara mo naman kasi…” he clicked his tongue.
“Wag ka na nga maginarte Kuya Guard, may martilyo ba kayo?”
“Alam mo, dati nag-ayos ako ng desk dito sa guard house eh… at may ginamit akong martilyo na sa pagkakaalam ko di ko na inuwi para may magamit ako dito sa school…”
“YUN!” I yelled in joy. Meron si Kuya, *changes voice. Yung tulad ng sa Final Fantasy 7: Crisis Core XD* CONFLICT RESOLVED!
“Teka ha… may iisipin ako… para kasing…”
“Kasing???”
“Ngayon ko lang naalala, nasira na nga pala ang handle nun kaya binenta ko na lang sa junk shop. J”
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Teen FictionTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...