Dito ako sa may flagpole ngayon, kasama ang mga katropa ko sa pagyoyoyo. Tahimik lang ako kasi may malalim talaga akong iniisip habang nagyoyoyo. Hm… ilang araw na lang ang bibilangin ko. Naririnig ko sila na naguusap tungkol sa yoyo world and sorts habang nagt-throw at nagppractice ng combos and routines.
“Okay din play ni Hiroyuki eh, kaso di niya nadaigan ngayong year ang play ni Marcus”
“Pero Hiroyuki Suzuki pa din ako. Imba magspeed eh.”
“Natatawa ako dun eh, kapag nag e-eli hops parang nagpupukpok lang ng martilyo.”
“Oo nga! Ambilis eh noh?”
“Magaling dun iba’t ibang directions pa. Mahirap kaya yun.”
“Yun na nga.”
And their story about Hiroyuki Suzuki goes on. Hindi ko na gaanong inintindi eh. “Blah blah blah” na lang ang napasok sa utak ko. Hindi rin nila ako gaanong naiintindi kasi nasa may likod ako banda. Malalim talaga ang iniisip ko. Paano…paano nga kaya? Nageli hops ako na wala ang full attention sa pagyoyoyo. Maya-maya…
*PAK*
ARAY! Tinamaan ako ng yoyo sa may noo ko. Ang sakit! Buti na lang walang nakakita saakin at busy sila magkwentuhan kundi pahiya talaga ako nun. Gusto ko sana sumigaw nang malakas kaso malalaman pa nila na nadisgrasya ako.
“Badtrip naman!” pabulong kong sinabi. Hinimas-himas ko yung noo ko habang naglakad ako palapit sakanila para makuha ang kanilang atensyon.
“Ui, paano ba magpacute sa mga babae?” himas himas ko pa rin yung noo ko.
“HA!?” sabay sabay nilang sabi habang naiwan sa ere ang mga bibig nila.
“Oh?” makareact tong mga to aah…wagas? “Ano problema?” lahat sila parang napatigil ang mundo nakatitig sa akin
“Ano ulet??” nakataas pa ang kilay ni Denz.
“Sabi ko eh kung paano magpacute sa mga babae???”
“HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!!!!” mahabang tawanan ang narinig ko matapos ang pagtatanong ko.
“Waw. Nice talking na lang senyo mga dre. Tinatanong nang maayos eh.” Aalis na sana ako pero biglang may nagsalita.
“Seryoso ka dun aah?” tanong ni Adam. Autistic talaga tong unggoy na to. Inaantok pa ang pagkakasabi niy. Mukha ba akong nagbibiro?
“Ay hindi, hindi. Baka seryoso.”
“Yooon!” sabay akbay sa akin ni Earl. “Sabi ko sainyo eh, lalake to.”
“Buti naman at natanggap mo nang isa kang tough guy.” Panggagatong ni Ken.
“Baka tong kamao ko matanggap mo mamaya, Kenneth Austria.” Pinakita ko sakanya yung fist ko. “Pwede ba sagutin niyo na lang?”
“Para san ba? Sabi ko na may nililigawan ka na eh” hinatak hatak na naman ni Elliot-panget ang cheeks ko na parang rubber band.
“Sira ulo!!!”
“Eh bakit?”
“Eh basta.” Oo tama. Hindi pede sabihin. Pero bakit nga ba hindi? Wala lang. ayoko lang. “Di na mahalaga kung para saan at bakit.”
“Eh diba ikaw ang magaling dyan? Ikaw nga adviser namin eh” sagot ni Elliot.
Oo, ako ang nilalapitan ng mga kumag na ito kapag may mga problema sila sa girls. Bakit nga ba namomoroblema ako? Well, this only proves that decision making is really hard when you’re the one who’s in the position. Nangangamote talaga ako sa dapat kong gawin.
“Eh, nahihirapan ako. Mahirap mag-isip kapag ikaw na yung nasa sitwasyon.”
“Basta ako dapat aggressive, sabihin mo mahal mo agad!” sabi ni Denz. Mukhang proud na proud sya sa istilo niya at kulang na lang eh gayahin niya ang posing ni Oble (Oblation) sa kayabangan. Hindi ba niya magets na kaya natturn off mga nililigawan niya eh dahil masyado syang nagmamadali?
“Magbigay ka na lang ng isang cartolina ng pointillism na may message” kay dot CL. Dumali na naman sa kawirduhan ang nilalang na ito. Lagi kasi sya nagbibigay ng pointillism na message dun sa nililigawan niya. Dati sa isang buong bond paper lang, nitong huli eh sa cartolina na. Grabe anoh?
“No comment” expect ko na yan kay Adam. Wala naman talaga kasing ka amor amor yan sa ganyan.
“Of course dapat pa suplado effect para mainlove lalo sila.” Singit ni Earl sabay nakipag apir sya kay Ken.
“Dinadaan lang yan sa killer smile at simpleng ‘Hi’ para mainlove silang lahat!!!” kayabang nito. Killer smile pala? Basagin ko kaya nguso nito?
“Sus. Mga nalalaman niyo eh,” sabat naman ni Elliot-panget. “No need for such! Kahit wala akong gawin, kusa na silang nahuhulog para sa akin!!!”
“Mukha mo!!!” we shouted in unison.
“Pambihira!” nahampas ko ang noo ko sa inis. “Sabi ko magpacute lang, hindi magpainlove!”
“Eh dun din yun babagsak eh” sagot ni Denz.
“AAAH!!! Ang labo niyo kausap!”
“Ikaw nga magulo dyan eh. Tanong-tanong ka tapos nung sinagot namin ikaw pa ang galit” nakangusong comment ni Ken.
“Hinde ako galit!” sabay talikod ako sakanila at naglakad palayo
“Hindi daw!” sigaw ni Earl
“Oy, san ka punta?” nadama ko na tumakbo si Elliot para sumunod sa akin.
“Magkacanteen ako! Nakakagutom kayong kausap!”
“Teka, sama kami!”
Hinawakan ako ni Elliot-panget sa may ulo ko sabay ginulo na naman niya ang buhok ko. Favorite niya yung gawin eh. Nagsisunudan na din saamin yung iba. Haay. Jusko. Hindi ko talaga mapagtanto bakit ako napabilang sa mga sira ulong to. Sakit sa utak eh. XD
================================================
Kapag talaga may net sa bahay hindi ako makapapigil na magupdate...so..ayan ang Thread V for you peers...:D
maikli lang tong chap na to..kasi ano eh..alanganin ang putol..AGAIN?
salamat sa mga..ilan ilang nagbabasa..guhahaha...sana effective ang IDU.
sana...sana...may pumansin na ng story na to..guhahaha i mean MORE XD
---anyways, masakit talaga tamaan ng yoyo pag nageelihops..lalo na kapag nakametal ka! ( >_< ) kung tama ang pagkakaalala ko, nabukulan ako nun dati nnung tinamaan ako..XD..wala lang, share lang...
jaaa...enjoy reading..comment comment din...CX
~Shirokage
BINABASA MO ANG
It Dragged Us
Teen FictionTwo people walking their own different paths... What will happen when their fates come across each other as they were connected by a single thread of fate; by a certain place? and along the way...they will discover that their thread are not only con...