Thread XVII: Simply "Yes"...?

68 1 0
                                    

ELLIOT’S POV

 

Napakadrama naman ng mga tao dito. Desperado na sila Mhistyneisher at Kristoffer na mapasangayon si Azha sa relasyon nila.

At ngayon ko lang narealize na dense talaga si Azha. Mantakin nyong hindi niya naramdaman na mag-on na yung dalawa?

Pero I’m happy to know that hindi naman pala suitor ni Azha si ChocoMan. Nakahinga ako nang maluwag nang sobrang konti dahil…

“Seryoso naman ako kay Tyn eh. Di ko alam kung bakit ayaw mo sakin!” for the first time nakapagsalita din nang may tapang si Kristoffer sa harap ni Azha. Msyado kasi syang nagkaroon ng Azhaphobia noong niregaluhan niya si Mhistyneisher at nagalit si Azha.

Elem palang ako, kilala ko na si Kristoffer kasama ang ilan pa sa Baka Force (kung bansagin kami ni Azha), at masasabi kong salungat ang ugali niya sa itsura niya. Azha just exaggerated her judgement to him. Ang totoong Kristoffer ay mahiyain, gentle, at torpe.

“Azha, I love Stoff but I love you too. I just don’t want to see two of my important people not going along.” Iba na din ang itsura ni Mhistyneisher para syang naguumapaw sa emosyon.

Grabe, naasiwa na ako sa mga pangyayari.

Si Azha naman, tahimik lang at nakikinig kina Kristoffer habang tinitignan sila.

Biglang anghirap basahin ng mukha ni Azha. Sanay ako na binabasa ang emosyon niya since masyado syang bold pagdating sa nararamdaman niya. Pero ngayon, parang biglang hindi ko mapredict kung anong reaksyon niya.

“Santos…”

Humarap si Azha kay Kristoffer, sabay ngumiti ng nakakaloko. Yung ganto à (^_^). Medyo nakatilt pa ang ulo niya.

Inabot niya yung fist nya na parang nakikipag fist bump.

Biglang nagliwanag ang mukha ng couple. Kahit na parang alanganin pa si Kristoffer, nakipagfist bump pa rin sya at mababakas na ang smile sa kanya. Masaya ang loko.

Nakangiti din si Azha nung nakipagfist bump si Kristoffer sakanya.

Nakita ko na unti-unting nagslide ang mga braso ni Azha sa may bewang ni Kristoffer na parang yayakapin niya ito.

YAYAKAPIN!?! O_O. parang slowmo sa paningin ko, pero ang se--- inis mabilis na umakyat sa ulo ko.

*Boogsh!!!*

Nagulat ako kasi di ko namalayan, sinupplex ni Azha si Kristoffer at ang kawawa naming classmate ay kasalukuyan nang nakahandusay sa lapag.

It Dragged UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon