Bonus.4 - Seven / Nine

22.2K 330 72
                                    

- KIM's POV - 

.

"We love you, KIMMYYY~!"

.

Anak ng! May training ang UST highschool team ngayon at nagpapa-drill ako sa mga players nang biglang may sumigaw galing bleachers. Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino. Mga walangya, anong ginagawa ng mga baliw na 'to dito? Tinawanan tuloy ako ng mga players ko.

.

"Wow, coach. Daming fans," panunukso ng isa.

"Daming fans? Sige para magka-fans ka din, 5 rounds. The rest, 10-minute water break," utos ko. Nakikipagbiruan ako sa kanila outside the court pero 'pag training, hindi pwede 'yan.

"Coach naman, joke lang po eh.." angal niya. Tumalikod na ako para dagdag drama at dumiretso sa bullies na nag-family day dito at ginawa din picnic area itong gym.

.

Habang papunta akong bleachers ay napalingon ako sa court, napangiti ako nang makita ko na dinamayan ng buong team si Lea na pinarusahan ko ng 5 rounds. Buti naman alam nila at pinapanindigan nila ang salitang 'teamwork.'

.

"Ang hard ni coach!" salubong ng mga lukaret sa'kin.

"Tigilan niyo 'ko!" Kumuha ako ng sandwich na nasa isang plastic container, nainggit ako eh. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Wala lang, nami-miss ka lang namin," natatawang sagot ni Cams na kandong at pinapakain ang 7-month old baby girl niya na si Anthea Millicent. [A/N: pic of AMILLE in the multimedia section.]

"Na-miss buwisitin ako?" kunwaring inis kong sabi. Natawa naman sila. "Ginawa niyo pang day care 'tong gym namin."

"Sungit nito. Meron ka?" pang-aasar ni Cienne na tinutulungan ang kasamang yaya na pakainin ang twin boys na busy naman makipaglaro sa prinsesa ni Ye na pinapakain din ng sariling yaya. Mga barbie dolls ang hawak. Patay tayo d'yan. "Pinapasyal lang namin ang mga bagets."

"So ano tingin niyo dito, mall?" Napatingin uli ako sa mga bata. Nagkamali ako. Pinupugutan pala nila ang mga hawak nila. Alam na! May mga pinagmanahan talaga.

"Ay nako, menopausal na talaga," pang-aasar ni buntis. Si Mika ah, ha, na 7 months na. Galing talaga ni Teng, may kasunod na agad! "Wag mong ma-recruit dito itong mga anak namin paglaki --"

"Joke lang, 'di mabiro," pagbawi ko agad. Mga higante mga anak nito paglaki eh, sayang. Bumaling ako sa katabi niyang isa pang buntis. "O ikaw, 9 months na yang tiyan mo tapos pagala-gala ka pa. Gusto mong manganak sa kalye?"

"Nagmana lang sa'yo, coach Dora," sabay belat pa ni Ara.

"Ewan ko sa'yo." Hahanapin ko sana si Carol nang bigla kong maalala na nasa honeymoon pala ito. Kinasal na sila ni Gab last week, April 7, na tinugma nila sa anniversary nila. "Gusto niyo ata ng replay ng nangyari dati eh. At ang lalakas ng loob niyo, wala man lang kayong mga kasamang asawa? Sino magbubuhat sa inyo 'pag may nangyari, aber?"

"Sa laki ng muscles mo mabubuhat mo yang dalawa," natatawang pagsingit ni Cams. Sumang-ayon ang iba at tumawa din. Mga loko, muscles ko nanaman ang napansin.

"Lul," pikon kong sambit.

"Relax lang kasi." Tumayo si Ara at umakbay sa'kin. Hinimas niya ang kanyang malaking tiyan at maingat na tinapik-tapik pa ito. "Don't worry, chillax lang ang mga baby namin sa loob."

"Tsss.. Oo na. Sige, d'yan muna kayo, may training pa kami." Inubos ko na ang sandwich at naki-inom na din pagkatapos ay naglakad na ako palayo sa kanila. "Bawal mag-ingay ah!"

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon