25 - Overnight

20.3K 302 99
                                    

Dedicated to: @leirahlovesyou -- hello! super duper belated happy birthday! may you have more bdays to come. haha, gasgas na wish. i'm sorry ngayon lang nakapag-update. sorry talaga. huhu. anyway, thanks for reading. goodluck sa studies. God bless po. :)

----------------------------------------

- MIKA's POV -

.  

"Ano, ipaharang ko na sa Araneta at ipakidnap ko na yung tatlo?" suggestion ni Kimmydora. Sabay-sabay naman namin siyang nabatukan.

.

Nandito kami sa sala ng dorm at nanunuod sa TV ng game ng Archers laban sa FEU. Tapos na yung game at alam namin na didiretso na sila Thomas sa bahay nila para sa overnight ng group nila.

.

"At sino naman ang gagawa ng project nila 'pag ginawa mo 'yun?" tanong ni Cienne. "Negrang 'to, puro kasi lakwatsa ang alam eh."

"Lul!" bato ng unan ni Kim kay Cienne.

"Alam ko na. Gusto mo pasamahin ko si Je?" suggestion ko naman.

"Pwedeee.." sabay-sabay na sabi ng ibang bullies except kay Ara na natatawa lang.

"Ano naman gagawin ni Jeron dun?" tanong ni best.

"Para meron pwedeng mag-kadena -- este, pumagitna 'pag nag-wild yung tatlong bruha," sagot ko.

"Hindi na. Tsaka wala bang gagawin si Teng?" taas-kilay na tanong ni best habang nakangiti.

.

Ay oo nga pala, may hinahabol nga palang deadline 'yun para sa isang paper na hindi pa niya nasimulan. Tsk, sayang naman. 

.

"Kita mo na.. Mang-aabala ka pa eh," natatawang sabi ni Ara.

"Sorry mga baks, wala akong maitutulong. Ayaw sumunod nung alaga kong alien eh," sabi naman ni Carol.

.

Sinabihan daw kasi niya si Gab na dumamoves na ito kay Arra ngayong overnight pero matigas daw si Mojacko at ayaw daw talaga. Choosy pa ang orange fur ball.

.

"Okay lang," chill na sagot ni Ara habang kumakain ng chips. "Relax nga lang kayo. May tiwala ako sa bansot na 'yun, okay?"

"Ay kami din may tiwala sa kanya, baks," biglang sabi ni Carol. "Pero dun sa tatlo.."

"WALA!" sabay-sabay naman namin nasabing tatlo nila Cienne at Dora.

"Hindi mo alam, baks, binabalak na pala nilang gapangin 'yun sa pagtulog," dagdag pa ni baklita.

"Sira!" Natatawang tumayo si Ara. "Tigilan niyo na nga, hayaan niyo na sila. Sige, akyat na 'ko."

.

Nagkatinginan na lang kaming ibang bullies. Anong nangyari sa babaeng 'yun at biglang naging cool sa salitang Tres Marias + bans. Eh dati nasasabunutan pa niya si Kim sa sobrang inis 'pag nakikitang magkakasama yung grupo na 'yun eh.

.

"Teka!" biglang sigaw ni Cienne. Napahinto naman si Ara sa may hagdan at napalingon sa amin. "Pahiram ng phone."

"Bakit?" tanong ni best.

"Makikitext lang, wala akong load eh. Hehe," sagot ni Cienne.

"Tss. Kuripot!" sabay hagis naman ni Ara ng phone niya. "Globe lang ah! Unli lang 'yan!" Saka siya tuluyang umakyat.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon