29 - Confusions

21.5K 281 62
                                    

- MIKA's POV -

.

"Nasaan na daw sila Teng, baks?" tanong ni Carol habang naglalakad kami ng bullies dito sa hallway, palabas ng building.

.

Wala si Ara, may sakit. Naulanan kasi nung pumunta kila Torres nung Monday. Buti na lang at first day pa lang ng second term kaya okay lang na um-absent siya since nag-a-adjust pa naman ng schedules ang karamihan ng mga estudyante. Imi-meet namin si Je at si Torres sa may Agno dahil pupunta kami sa dorm para dalhan ng pagkain si Ara at doon na din kami magla-lunch.

.

"Nandun na daw. Tayo na lang hinihintay," sagot ko.

"Ayos, free foods nanama - aray!" Natigil si Kimmy nang biglang may nakabanggaan siya. Malakas kasi kahit bato-bato itong negrang 'to ay napaatras siya. "Hindi bawal tumingin sa dinadaanan, ha? Libre lang, walang bayad!"

.

Sinundan namin ng tingin yung mga bumangga na mga huminto naman nang sumigaw si Dora. Ang Tres Marias pala. Aba, aba. Ang mga bruha matatalim ang tingin sa ka-bully namin. Anong nangyari sa mga lokaret na 'to? Dati naman ay nakangiti kaming binabati ng mga 'to ah. 

.

"Tss. Seriously, what did he see in her?" pabulong na sabi ni Max sabay irap kay Kim.

"True. She's like mas macho pa sa kanya," dagdag na bulong pa ni Rox sabay irap din. Mga bruha, kunwari pang bumulong, dinig na dinig naman.

"Anong sabi mo?" naghahamon na tanong ni Kim at akmang susugod pa buti na lang at napigilan ni Cienne.

"Relax, Dora," pagpapakalma nito.

"Let's go, girls," naka-irap na sabi ni Arra sabay talikod with matching flip ng hair. 

.

Gumaya na yung dalawa at tuluyan na silang umalis. Tarush nila ah, mga na-possess siguro kaya hindi mapigilan ang pagtirik ng mga mata. Mapa-exorcise nga sa Quiapo.

.

"Problema ng mga 'yun?" pagtataka ni Cienne.

"Hala ka, baks. Baka nalaman yung nilagay mong pampa-poopoo dun sa pagkain nila dati," parang pananakot ni Carol sa isang bata.

"Hindi eh," I countered. "Hindi niyo ba narinig? 'What did he see in her?' daw."

.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Cienne at Carol. Naglakihan ang mga mata naman saka kami sabay-sabay na napatili.

.

"Waah, si Dora namin nagdadalaga na!" excited na sigaw ni Carol at akmang yayakapin pa si Kim pero tinulak lang siya patagilid nito. Muntik na tuloy sumubsob ang bakla. "Aray naman!"

"Yiee," panunukso ni Cienne habang sinusundot-sundot pa si Kim sa tagiliran. "Ah - aray - aray!" Pinalipit tuloy ang kamay niya. Hindi ko na itutuloy yung panunukso ko, masira pa beauty ko.

"Lul. Tigilan niyo 'ko," pande-deadma ni Kim. Nauna na din siya maglakad. "Nagkamali lang kayo ng rinig! Bilisan niyo na, gutom na 'ko!"

.

Nagkangitian na lang kaming tatlong naiwan dahil alam namin na tama ang narinig namin. Naks naman, ang negrang gala luma-lovelife na! Kailangan malaman kung sino. Haha!

.

.

.

"Tagal niyo naman?" salubong sa amin ni Je nang makarating kami sa Agno. Lumapit siya sa'kin saka yumakap at simpleng humalik sa cheek ko. Hihi. "Hi."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon