46 - Ring

14K 298 112
                                    

The next day.. 

.

- ARA's POV -

"Beeest~!"

.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto habang busy akong nagta-type dito sa laptop ko.

.

"Ikaw nanaman?" pagbibiro ko.

"Ouch." Nagmamadali siyang lumapit sa'kin at hinatak ako. "Pero mamaya na ako magda-drama. Let's go, may kailangan kang makita."

"Huh? Ano?" pagtataka ko. Pero hindi niya ako sinagot. Nagpahatak na lang din ako dahil mukhang importante naman.

.

Nakarating kami sa labas ng resto. Hinatak pa ako ni Mika papunta sa isang open lot. Anong meron? Tanghaling-tapat, anong balak nito? Maghahabulan kami sa ilalim ng tirik na araw? Hala. Ganito ba talaga ka-weird ang mga nagbubuntis?

.

"Hoy, kung --" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinarap sa direction kung saan makikita ang halos kabuo-an ng BGC.

.

Eh? Tapos? Anong meron sa mga puno at matataas na buildi......

.

My eyes widened and my jaw dropped.

.

ANAK KA NG BANSOT!

.

THOMAS TORRES, ANO NANAMAN 'TONG TRIP MO!

.

May nakakalat kasi sa buong BGC na black billboards, tarps, and posters. Kung ano nakalagay? Wala naman. Picture lang naman nung diamond ring niya nung isang araw na may kasamang mga katagang: 'ARA, will you marry me?'

.

Halos lahat ng building dito ay mayroon. Pati mga puno at streetlights ay hindi pinatawad! So ito pala yung tinutukoy ni Thomas sa text niya kaninang umaga na: 'Hope you'll like my surprise. And I hope you'll finally say YES. :)' 

.

ARGH!

.

"Haba ng hair!" panunukso sa'kin ni Mika habang hinahaplos-haplos pa ang buhok ko. Ako naman ay napa-sapo na lang sa noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa bansot na 'yun!

"There you are.."

.

Napaangat ang tingin ko at napalingon kami ni Mika sa direksyon ng nagsalita. Shemay. Not now.

.

"Rex, ikaw pala!" bati ni Mika dito. Yung ngiti ng reyna hindi maalis-alis. Hindi ko alam kung masaya siyang nakita si Rex o nang-aasar lang.

"Yeah, I've been looking all over for the two of you." Lumapit siya at bumeso sa aming dalawa ni best. "Galing ako sa restaurant pero lumabas daw kayo."

"Ah oo, pinakita ko kasi kay Ara 'to," sabay turo ni Mika sa mga nagkalat na posters ng proposal ni Thomas. Argh, gusto ko siyang sabunutan. As in now na.

"Aaah.. 'Yan pala 'yun." Napatingin kaming dalawa kay Rex. "Kanina pagpasok ko kinakabit pa lang yang mga 'yan eh -- wait." Bigla siyang napatingin sa akin. "Don't tell me ikaw 'yan?"

"H-ha? Hindi, ano ka ba!" Saka ako pilit na tumawa at natapik ko din siya sa braso. "Ang dami kayang 'Ara' sa mundo. Hindi ako 'yan!"

"Hmm.. You're right," sabi na lang ni Rex at tiningnan na uli ang mga nagkalat na posters sa BGC.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon