41 - Away

16.8K 330 264
                                    

- ARA's POV -

 .

After dinner ay nagpa-setup kami ng bonfire sa management ng resort. May area talaga sila para dun kaya sobrang excited kami ngayon. Wala lang, mas mafi-feel kasi namin ang beach vibes 'pag may bonfire tapos kantahan at kainan pa. And speaking of, nagpe-prepare kami ng bullies ng mga pwedeng ituhog - hotdogs, marshmallows, pati bacon ay hindi pinatawad ni Dora. Tinuhog ba naman na parang isaw.

 .

"Baks, nagsasayang ka lang ng stick," komento ni Carol sa ginagawa ni Kimmy.

"Akin na bituka mo para may ituhog ako," sagot ni Dora na nag-angat pa ng kutsilyo. Umiral nanaman ang karahasan ng negra.

"Ikaw naman.." sabay tapik ni Carol kay Kim sa braso at pilit din tumawa. "Sabi ko nga ihuhuli pa kita ng mga bulate para mas marami kang tuhugin eh."

"Eeew.." sabay na pagre-react namin nina Cienne at Mika. Kadiri 'tong baklang 'to.

"Lul. Anong tingin mo sa'kin, isda?" pagtataray ni Dora.

"Hindi -- zxfae" Hindi na natuloy ang punchline ni baklita nang subuan siya ni Mika ng napakaraming marshmallows.

"Alam na namin susunod," natatawang sabi ng reyna. "Hihirit ka nanaman tapos magkakagulo nanaman kayo ni Dora. Tigilan niyo ah."

"Maiba tayo," natatawa namang singit ni Cienne pagkatapos ay tumingin sa'kin na parang nang-aasar. "Ars, ano yung eksena niyo kanina ni Torres sa dagat, ha?"

 .

Hala! Sa dami ng pag-uusapan 'yun pa! Pati si Carol at Kim ay naki-join na sa pang-aasar sa'kin, nakita din pala nila 'yun. Huhu. Bigla tuloy nag-init ang buong mukha ko. NAKAKAHIYA. Huhu. Sabagay, nasa open water nga pala kami. Huhu. Kainis naman oh. Minsan na nga lang hindi pa nila ako pinalagpas.

 .

"Eh ikaw muna." Sasabihin ko na sana ang tungkol sa pag-alis ni Thomas nang biglang nagsalita si Mika. Tumaas pa ang kilay nito kay Cienne at ngumiti din ng pang-asar. "Ano muna din yung eksena niyo ni AVO kanina habang naglalakad sa tabing-dagat?"

"Oo nga! Nakita ko din 'yun!" panggagatong ko agad. Phew, buti na lang bestfriend ko ang reyna.

"W-wala.." Namula na ang lola niyo. Nataranta din si Cienne sa pagtusok sa mga marshmallows. Haha.

"Magsabi ka na." Umakbay si Kim sa kanya. "O baka gusto mo pang makarating kila Ate 'to?"

"H-ha? W-wala 'yu-- okay, okay!" Ayaw pa kasing magsabi, napagbantaan pa tuloy ni Carol ang buhok niya. Mukhang gustong gawing mohawk ni bakla ang hairstyle ni Cienne. Wala na siyang nagawa kundi huminga muna ng malalim bago sumagot. "WalayunniyayalangniyaakonglumabaspagbaliknatinsaTaft."

"Anudaw?" sabay-sabay namin sabing apat nang magkatinginan kami dahil sa mabilis at walang prenong sagot ni Cienne.

"Sorry, hindi ko na uulitin," sabay belat sa'min ng loka saka siya bumaling ng tingin kay Carol. "Eh ikaw, bakla ka, ano yung eksena niyo ni Gab dun sa may payong kanina, ha?"

"Sus, hindi eksena 'yun noh!" naka-irap na sagot ni Carol. "Ang poorita lang ng lolo niyo, walang pambili ng sunblock kaya nanghingi sa'kin!"

"WEEH??" sabay-sabay nanaman namin na pagre-react.

"Truelaloo!" Tinapos na niya ang pagtuhog ng huling hotdog saka naghugas ng kamay. "Ayaw niyong maniwala? Taralets, may I ask natin dun sa alien na 'yun!"

 .

Hindi na niya kami hinintay na sumagot. Kinuha na niya yung tray ng mga hotdog saka naunang naglakad palabas ng cottage. Natawa na lang kaming mga naiwan pagkatapos ay kanya-kanyang na din bitbit ng ibang pagkain. Pagkalabas namin ay naabutan namin ang boys na nakapalibot na sa bonfire at nagkakantahan kung saan courtesy ni Kib ang accompaniment gamit ang kanyang gitara.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon