48 - Church

12.5K 315 115
                                    

- MIKA's POV -

.

"Oy, pano 'yan? Wa-epek yung plano ni Torres. Bakit dito pumunta si Ara sa condo ni Rex?" dismayadong sabi ni Kim at napakamot pa sa ulo.

"Relax ka lang, baka kakausapin lang niya si Rex." Laki ng tiwala nitong si Cienne ah.

"At talagang ngayon pa niya napiling kausapin ah! Parang hindi ikakasal si Torres in one and a half hour!" Kabaligtaran naman si Carol na parang maha-highblood na. "Nakakaloka!"

"Kung makapagsalita 'to akala mo naman may kasal --"

"Teka, pano nga pala 'yun?" Hindi na natuloy si Cams sa pagsingit ni Dora. "Hindi nakapunta si Ara kaninang umaga so saan niya pupuntahan si Torres 'pag nagkataon?"

"Eh di sa simbahan! Common sense naman, baks!"

"Nagtatanong lang!"

.

Nag-away na po sila. Anyway, naka-park kami ngayon dito sa labas ng condo building kung saan nakatira si Rex, kami ng bullies at ni Je. Sinundan kasi namin si Ara dahil akala namin nagbibiro lang siya sa sinabi niyang si Rex ang pupuntahan niya pero seryoso pala talaga ang bruha! Akala ko pa naman tinamaan na ang bestfriend ko na 'yun sa speech namin kanina. Nakita ko kasi sa mata niya na bumigay na siya kaso mali pala ako. O pwede din na tama nga ako at may ibang plano lang ang gaga.

.

Speaking of plano. Yes, plano lahat ito ni Torres. Hindi ko alam kung bakit at pano kami napapayag ng bullies dito pero ito na nga, ginawa na namin. Businessman na nga si Bimbs, magaling na mag-salestalk.

.

Ayoko sana nung una pero na-realize ko, para din naman kay Ara 'to. Alam kong mahal pa din niya si Torres. Pero sana lang hindi niya malaman na kasabwat kami ng bullies dito dahil I'm sure friendship over 'pag nagkataon. Medyo extreme kasi itong plano pero according sa aming mastermind, 'desperate time call for desperate measures' daw.

.

"Ugh!" Napatigil ang negra at ang bakla sa pagtatalo nang biglang sumigaw si Je na siyang nakaupo sa driver seat. Napatingin kami sa kanya. "Guys, can you take it outside? I'm sorry but your voices are seriously irritating the hell out of me!"

"*sniiiiiiff*" Napatingin ako sa backseat nang may narinig ako na malakas at mahabang pagsinghot. 

.

-____-

.

"Nosebleed." Mga walangya, binu-bully pa ang asawa ko. Mga nakatingala pa sila habang nakatakip ang isa nilang daliri sa ilong.

"Tigilan niyo nga!" Saka ko sila inabot at pinagpapalo sa mga hita nila. Umayos naman sila ng upo.

"Sorry, Teng. Ito kasi si coach --"

"Hey!" Nagulat si Carol nang agawin ni Je sakanya ang manika na ipapalo sana niya kay Kim. Teka. Manika?

"Ah eh, hon, saan galing 'yan?" Wala naman kasi akong natatandaan na bumili kami ng manika. At wala pa 'yan kahapon before the game nila.

"Nakita ko sa mall kagabi nung pauwi tayo. I bought it kasi ang cute." Ipinakita pa niya sa akin yung doll. "Di ba?"

"He-he." Pilit na lang akong ngumiti at tumango. Anong cute? Baka nakakata-cute! Kinilabutan nga ako nung nakita ko, kamukha kasi ni Annabelle dun sa movie. Nakakaloka, pang-worldwide na ang beauty ng isinumpang manika.

.

Dahan-dahan akong napalingon sa bullies sa likod. Lahat sila ay mga nagtataka at weirded out din ang itsura. Nanlaki pa ang mga mata namin nang simulang paglaruan ni Je ang buhok nung manika. Hindi ko kinaya kaya lumabas ako bigla ng kotse at sumunod naman sa akin ang bullies. Jusko, nakulam ba ang asawa ko?

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon