15 - Animo

30.5K 308 146
                                    

Dedicated to: @kain_kain, @kathrynbieber (ibalik mo na dito yung username mo please. XD), @ChristineSumangil

Thank you for the messages, guys. I really appreciate it! :D

-----------------------------------------------------------

 .

Naglalakad ang bullies sa loob ng campus papunta sa kanilang building. Nauuna ang tatlo na sina Kim, Cienne at Carol habang nahuhuli naman ang dalawang mag-bestfriend -

Ara: Best, tahimik mo diyan. May problema ba?

Mika: Eh kasi best, mamaya na yung Animo Rally, 'di ba?

Ara: Oo, so?

Mika: Yung text ni Jeron, hindi mo na naalala?

Ara: Aaaaahhh.. O, bakit?

Mika: Kinakabahan ako eh.

Ara: Ano ba sa tingin mo ang gagawin niya?

Mika: Hindi ko din alam. Natatakot ako na natataranta na nae-excite na ewan.

Ara: Multi-tasker naman ng feelings mo, kayang magsabay-sabay.

Mika: Best naman eh! Seryoso kasi.

Ara: Relax ka lang diyan. Tulungan kita 'pag kailangan mo, magsabi ka lang, okay?

Mika: Sabi mo 'yan ah. Salamat, be--

Ara & Mika: Ay. Ano ba 'yan!

Napatigil ang dalawa nang mabangga nila ang tatlo pang kaibigan na nasa harap nila. Bigla na lang kasing huminto ang mga ito.

Ara: Bakit ba bigla kayong huminto? May traffic light na ba dito sa campus?

Cienne: Loka, tumahimik ka. Tingnan mo 'yun. (nguso somewhere)

Ara: Huh? (nagtataka lang na nakatingin sa tatlo)

Kim: (hinawakan ang baba ni Ara at pinaharap sa direksyon na tinutukoy ni Cienne) Ayun oh. Yung bans mo tinubuan ata ng buntot.

Tiningnan ng mabuti ni Ara ang tinutukoy ng bullies. Nakita niya si Thomas na naglalakad medyo malayo sa harap nila. At kumunot naman ang noo niya nang makita niya ang tinutukoy na buntot ni Kim... ang Tres Marias.

Cienne: Taralets. (nagsimula nang maglakad uli)

Ara: Uy, teka, anong gagawin niyo?

Carol: Wala, baks, makiki-tsismis lang.

Medyo binilisan na ng bullies ang paglalakad para habulin ang Tres Marias. At nang maabutan na nga nila ang mga ito ay nagbagal na sila. Kaya ang setup nila habang naglalakad ay nasa harap si Thomas at Jeron, sa gitna ang Tres Marias na medyo malayo ang distansya sa dalawang boys, at sa likod ang bullies.

Rox: Girl, ano, may progress na ba sa inyo ni Papa Thomas?

Arra: Huh? Wala.

Max: What? Bakit wala pa? Akala ko ba you're texting him na?

Arra: Yes. But he only replies to my messages if it's about our project. When I text him about something personal na, he won't reply anymore.

Rox: Really? What a jerk.

Max: Nega mo. Maybe he's the mysterious type. You know, yung mga nagpapahabol talaga sa mga babae.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon