4 - Day 2 - Jelly Ace Morning

32.8K 302 90
                                    

@GIRLS' ROOM 1

 .

Mika: Best, gising! Beeest! (yugyog kay Ara)

Ara: Mmm..

Mika: Best, ano ba, emergency!

Ara: (naalimpungatan) Mmm.. Anoo.. Bakiit..

Mika: Gumising ka na, dali..

Ara: Ang aga-aga pa, maya na. (sabay takip ng unan sa ulo)

Mika: Ano ba, alas-siyete na ng umaga. Bakit ba puyat na puyat ka diyan, ano bang ginawa mo kagabi? (tinanggal ang unan sa ulo ni Ara at niyugyog na uli ito) Dali na kasi, emergency nga!

Ara: (biglang upo) Argh, Reyes! Ano ba 'yun?! 'Pag 'yan hindi emergency, ihahagis kita sa dagat!

Mika: Whoa. Grumpy much, best? Emergency 'to. (lumapit at bumulong) 'Yung archers, pinapalibutan ng mga babaeng haliparot dun sa labas.

Ara: Ugh! Eh ano naman?! Pakialam ko sa kanila! (humiga uli at tumalikod kay Mika)

Mika: Duuh! Archers, meaning kasama si Torres at si Teng! Ang hot pa naman ng boyfriend mo - naka-sando, board shorts at shades.

Ara: (sleepy voice) Sarili mong boyfriend ang pagpantasyahan mo..

Mika: Naman! Pero nga kasi maraming umaaligid!

Ara: Hayaan mo sila. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo..

Mika: Meron akong tiwala dun sa hilaw na 'yun. Pero dun sa mga nakapalibot sa kanila, wala. Kaya halika na, kailangan natin mag-appear dun.

Ara: Ano naman gagawin natin kapag lumabas tayo.. (takip uli ng unan)

Mika: Eh di bibigyan natin sila ng 'makuha ka sa tingin' - look para lumayo sila dun sa mga linta na 'yun.

Ara: Zzzz..

Mika: Best nama--

Cienne: (biglang pasok) Uy, Ye, akala ko ba gigisingin mo lang si Ara? Bakit hindi ka na lumabas?

Mika: Ayaw gumising eh.

Cienne: Ano ba nangyari diyan? Maaga naman tayo natulog ah?

Mika: Malay ko ba dito.

Cienne: May sakit ba?

Mika: (hinipo si Ara) Wala naman. Tamad lang ata talaga.

Cienne: Aaah.. Alam mo na kung anong ginagawa sa mga ganyan..

Mika: Ano?

Cienne: Eh di binubuhusan ng tubig. (evil smirk)

Mika: Oooh, nice ide--

Carol: (biglang pasok) Ano na mga baks? Tagal niyo ah.

Mika: Eto eh. (turo kay Ara na nakahiga pa din)

Carol: Ay wait, may chika ako. Grabe, alam niyo bang biglang dami ng girlaloo dun sa may beach. Mabentang-mabenta ang Archers. Nakakaloka! At alam niyo ba kung sino ang pinaka box-office sa kanila?

Mika: Sino --

Kim: (kakapasok lang) Uy, tara na, swimming na tayo!

Carol: Teka lang naman, nagkukwento pa ko!

Kim: E di magkwento ka, wala naman pumipigil sa'yo.

Carol: (irap kay Kim) Anyhoo, nasaan na nga ulit tayo?

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon