50 - Forever

28.3K 420 237
                                    

                        ***HAPPY BIRTHDAY to our idol, ARA GALANG! :D***

A/N: Last chap guys, 'wag mag-expect para hindi ma-disappoint. Haha. Anyway, thank you ulit sa inyo! Lablab! Medyo mahaba 'to kaya i-kondisyon niyo ang sarili niyo at humanap kayo ng magandang pwesto para hindi kayo tamarin basahin. Haha. Peace. Happy reading! :D

--------------------------------------------------------------------------------------------

.

                                        ***

                TORRES - GALANG Nuptial

           Wednesday, Eighteenth of August
                   Two thousand twenty one
               at six o'clock in the afternoon

            NOTRE DAME DE VIE CHAPEL
  Fernbrooks Garden, Las Pinas, Metro Manila

      Reception to follow at Victorian Garden 2
  Fernbrooks Garden, Las Pinas, Metro Manila

                                        ***

.

- MIKA's POV -

.

"Baby bullyyyyy~!" sigaw namin ng bullies pagpasok ng kwarto ni Ara kung saan siya inaayusan. Naabutan namin siyang lalagyan na ng veil. Nakabihis at nakaayos na siya. Ang ganda ng bestfriend ko!

"Ang ingay niyo!" natatawang bati niya sa amin. Lumapit kami sa kanya at tumayo naman siya.

"Excited lang naman kami dahil ikakasal na ang baby namin," sabay beso ko sa kanya. "Gusto sana kitang i-hug kaso may sagabal." Tinuro ko ang tiyan ko na 9 months na. Natawa naman siya. "Congrats, best."

"Thank you, best." Saka siya nag-side hug sa'kin at hinimas ang tummy ko. "Relax ka lang mamaya, baby, ha? 'Wag kang lalabas habang kinakasal si ninang mo."

.

Natawa naman kami dahil anytime nga ay puputok na itong tiyan ko. In two weeks ay due ko na pero nandito pa ako at uma-attend ng kasal. Si Ara naman kasi, ngayon pa ang napiling date. Well, hindi naman kasi nila nasimulan agad ang preparations dahil kinailangan pang bumalik ni Torres sa States. Two months siya dun dahil inayos na daw niya lahat para wala na siyang maiiwan na work.

.

"Bakla, you're so beautiful I'm gonna die!" Nag-drama pang umiiyak si Carol sabay yakap kay Ara. "Congrats, baks."

"Salamat, minsan lang 'to kaya pinatodo ko na," Ara chuckled.

"O sige na, shut up na ako dahil sine-save ko na itong voice ko para sa pag-emcee later." Saka siya nag-zip kuno ng bibig.

.

Nagtawanan nanaman kami. As if makakatiis 'to na hindi magsalita. Anyway, siya emcee sa reception later bilang siya ang maid of honor ni Ara. Ako dapat 'yun pero hindi ako pwede sa kalagayan ko kaya si Carol na lang. Siya din ang naging katuwang ni Ara sa pagpaplano ng wedding niya. 

.

Dapat nga din ay beach wedding ang gusto nila dahil naging memorable na sa kanila ang dagat pero nag-compromise sila dahil sa amin ni Cienne na 7 months preggy naman ngayon. Mas okay na daw na palitan ang venue kesa hindi kumpleto ang bullies sa wedding niya. Love talaga kami ng bruhang 'to eh.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon