30 - Confrontations

19.4K 320 116
                                    

- ARA's POV -

.

"Yiiieee.." panunukso ng teammates ko sa'kin.

"Your manliligaw's here!" in-announce pa talaga ni Ate Liss.

.

Anak ng tinapa talaga. Hindi ko alam kung paano nakarating sa ganito. Nandito kami sa gym at kakatapos lang ng training. Parating si Tigs na may dalang bulaklak at tatlong box ata ng pizza. One week na since yung pangyayari sa dorm. At hindi ko man gusto ay 'nanliligaw' na si Tigs sa akin. Pambihira naman kasi sila Ate, sumuko na ata sa lovelife ni Yeye kaya yung akin naman ang pinagdiskitahan.

.

"For you," abot ng bulaklak sa'kin ni Tigs at bumeso pa.

"Damoves oh!" sigaw ng teammates ko. Pinatay ko na lang sila sa tingin kaso ang kakapal ng balat, hindi tinablan!

"Ah eh, para sa inyo," bigay naman ni Tigs ng pizza sa kanila.

"Buti pa 'to, GALANTE!" sigaw ni Ate Liss na mukhang pinaparinggan si Teng sa bleachers. Imposibleng si Thomas dahil wala pa silang alam.

.

Napatingin ako sa MBT na mga naghihintay para sa training nila. Si Teng umiiling lang habang natatawa. Si Thomas hindi nakatingin, seryoso lang na gamit ang phone niya. One week na din nagtatampo 'yan, kinakausap naman ako pero hindi siya nagpapaka-sweet sa'kin.

.

"Here," abot sa akin ni Tigs ng isang slice ng pizza.

"Ah eh, salamat."

"Yieeee.." walang pagod na panunukso ng teammates ko na mga nakaupo na ngayon sa gilid ng court at kumakain na ng pizza.

"Sana dalawa ang puso ko.." biglang kanta ni Kim. "Aray!" Nabato ko nga ng Gatorade.

"Ayoko! Isa lang 'to, baliw!" Literally and figuratively.

.

Naupo na ako sa tabi ni Yeye at sumunod naman sa akin si Tigs. Kaya hindi na talaga natigil ang pang-aasar ng buong team sa'min. Napansin ko naman na biglang tumayo si Thomas at umalis. Gusto ko siyang sundan at kausapin kaso hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito.

.

"Nagtext si Je," bulong sa'kin ni best. "May kukunin daw sa kotse, 5th floor daw naka-park."

"Pano?" bulong ko pabalik.

"Akong bahala." Bigla siyang tumayo. "Guys, bibili lang kami ng panulak ni Ara."

"May tubig naman ah? May gatorade din," sabi ni Ate Moky.

"Mas masarap coke, ate. Hehe."

"Ako na lang bibili, Mika." Tumayo na din si Tigs.

"H-hindi na." Tumayo na ako at pinaupo ko uli si Tigs. "Nakakahiya na. Kami naman."

"Ayiiiieee.." Nagsimula nanaman po sila. -__-

"Tara na nga!" Hinatak ko na paalis si Yeye.

.

Nag-elevator kami at bumaba ako sa 5th floor. Pupuntahan na lang daw ako ni Mika 'pag nakabili na siya. Nilibot ko na 'yung buong parking. Walang ibang tao kaya madali kong nakita si Thomas na nakatalikod at may kinukuha ata sa trunk ng kotse niya.

.

Yumakap ako mula sa likod, "Thom.."

Napatigil siya pero binalik din agad sa ginagawa niya, "Anong ginagawa mo dito?"

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon