43 - Vows

14.2K 305 75
                                    

- ARA's POV -

.

"Good morning, ma'am Ara! Happy birthday!" bati sa'kin ng mga employees namin pagkapasok ko ng resto. Nagulat ako. Alam nila ang birthday ko? Sinabi siguro ni baklita. Pero natawa na din ako. Mukhang nag-rehearse pa sila eh. Napatingin at natawa din ang ilang customers na nandito for breakfast.

"Thank you. Andyan na ba si Carol?"

"Wala pa," sagot ni Chef Ed, our head chef.

"Aaah.." Success! Naunahan ko ang bruha. Haha.

.

Nagpasalamat uli ako sa pagbati nila pagkatapos ay dumiretso na ako sa may kitchen kung nasaan ang stairs paakyat sa office namin ni Carol. Nakasunod naman sa akin si Chef Ed dahil may pag-uusapan pa kami.

.

"Is everything set?" I asked chef nang makaupo ako sa table ko. 

"Yes, ma'am. Nakasakay na po lahat sa L300 lahat ng dadalhin natin," sagot nito.

"Chef naman, Ara na lang po, diba?" natatawa kong pagtama dito. Mas matanda naman kasi siya sa'kin, he's in his mid-50's, at parang siya na din kasi ang tatay ko dito kaya naiilang ako 'pag tinatawag niya akong 'ma'am.'

"Binibiro lang kita," natatawa naman niyang sabi. I knew it. "Anyway, what time are we going to leave? Baka magahol tayo sa oras ah."

"Hinihintay lang po natin --"

.

As if on cue, biglang bumukas ang pinto.

.

"Happy birthday to you.. Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday to you.." pagkanta ng bullies.

.

I sat back at in-enjoy ko muna ang performance nila. Singer ang reyna na may dala pang mga lobo. Hawak ni Cams ang cake habang sumasayaw naman ang forever eskandalosang duo na si Carol at Kim.

.

Si Mrs. Mika Reyes-Teng, ang maybahay ng former King Archer at ngayon ay PBA superstar na si Jeron Teng. Madalas 'yan dito dahil walang magawa sa bahay nila 'pag may training ang asawa niya. Pero future business partner na din namin ni Carol 'yan. Pinakiusapan kasi siya ni Jeron na mag-business na lang after manganak. Ayaw na kasi siyang pabalikin sa paglalaro dahil gusto ni Teng na mas mapagtuunan niya ng pansin ang baby nila. Kaya 'yun, sinabi na niya na sasali siya sa balak naming i-open na sports bar dito sa area na din na 'to. Sports bar dahil dun namin itatapon ang mga athletes na madalas tumambay dito. Hindi naman sa nagrereklamo, pasalamat pa nga kami dahil mabilis na nakilala itong resto dahil sa kanila. Pero kasi feeling ko malulugi kami sa sobrang tatakaw nila. Lalo na yung mga basketball players na madalas ay dito nagti-team dinner. Grabe kumain!

.

Anyway, si Cams ay engaged na sa kanyang long-time boyfriend. I think they're getting married by the end of the year, December ata but wala pang exact date. Inunahan kasi siya ng kambal niya na wala dito dahil nasa Germany at nagho-honeymoon. Cienne is now Mrs. Van Opstal. They tied the knot last July 15 pa in an intimate beach wedding in Batangas. Ngayon lang nakapag-honeymoon dahil pareho silang sobrang busy, si Cienne sa work at sa basketball naman si AVO.

.

Si Carol naman ay, guess what, may long-time boyfriend din. And guess who? Si Mr. Gab Reyes na isang pro basketball player na din! Yes, sa love din pala matutuloy ang pag-aasaran ng dalawa. I guess 'the more you hate, the more you love' talaga. Hindi ko lang sure kung pano naging sila, nalaman na lang kasi namin after graduation na sila na pala. Ayaw naman nilang sabihin kung pano pero oh well, I knew na sila din ang magkakatuluyan sa dulo.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon