44 - Knot

12.1K 289 208
                                    

- MIKA's POV -

.

"O, ayan na po ang patis niyo, mahal na reyna." sabay baba niya ng isang platitong patis sa coffee table dito sa office nila Ara.

"Thank you, coach Dora."

"Tss. Akala ko sasamahan mo akong magbantay dito? Eh parang ikaw pa ngayon ang binabantayan ko eh." Saka siya pahigang umupo sa single couch. "FYI, hindi ako buntis-sitter."

"Eto naman, ngayon lang eh."

.

Okay, makakain ko na ng masaya itong hinog na mangga at chocolates ko. Hindi kasi ako na-solve kanina eh. Masyado silang matamis, naghanap yung dila ko ng something na maalat. Ewan ko ba, gustong-gusto kong kumakain ngayon ng mga pagkain na maalat at matamis.

.

"Oo nga ngayon lang pero sinulit mo naman," sabi niya habang may ginagawa sa phone niya. "Buong araw mo na akong hinihingan ng kung anu-ano, buong araw na din ngumunguya yang bibig mo. Magdi-dinner pa tayo, ha?"

"Pagbigyan mo na ako." Grabe, ang sarap ng manggang sinawsaw sa patis! Heaven! "Minsan na nga lang may tanggapin itong tiyan ko."

"Minsan lang may tanggapin? Sa dami ng kinain mo, minsan lang may tanggapin talaga?" sarkastiko niyang pang-aasar sa'kin.

"Tss, wala 'to. Isusuka ko din naman 'to bukas ng umaga."

"Hirap ka pa din sa umaga?" nag-aalala niyang tanong at biglang napa-diretso ng upo na parang may biglang bright na dumating sa kanya. "Alam mo, may kwento sa probinsya namin dati. Sabi ng lola ko na pwede mo daw ilipat ang paglilihi sa asawa mo para hindi ikaw ang mahirapan."

"Talaga?" interesado kong tanong. 

"Oo. Ang asawa mo daw ang maglilihi para sa'yo. Siya daw magke-crave ng mga pagkain at siya ang makakaranas ng morning sickness - aray!" Magnanakaw pa sa chocolates ko eh, natampal ko nga ang kamay. "Damot!"

"Pano naman malilipat?" May ganun pala? Mukhang imposible pero parang ayos 'yun ah. Hehe.

"Hakbangan mo daw sa gabi habang natutulog," sagot nito habang hinihimas ang kamay.

"Weeeh? Ganun lang? Totoo ba 'yan?" hindi ko makapaniwalang tanong. Parang walang konek o kahit sense man lang eh.

"Ewan," kibit-balikat niyang sagot. "Try mo na lang kung gusto mo."

"Hmm.." 

"I'm heeere!"

.

Napalingon kami sa may pinto nang bumukas ito at may sumigaw. Si Cams pala.

.

"Wala pa sila?" tanong nito nang makaupo sa tabi ko dito sa long couch.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kim. I looked at my wristwatch, almost 9 p.m. na pala.

"Eh yung boss ko, nagpahabol pa ng paperwork tapos ang traffic pa," sagot ni Cams na pahigang sumandal sa sofa at pumikit. Pagod ang lola mo. "Oo nga pala, tumawag si kambal sa'kin kanina, uuwi na daw sila this weekend."

"Oh? Bakit napaaga?" pagtataka ko. Next week pa kasi naka-schedule umuwi yung mag-asawa na 'yun para daw saktong isang buwan sila dun. Sinulit na habang free pa sila. Na-out na kasi ang team ni AVO sa current conference ng PBA kaya nagka-time.

"Hindi ko alam, secret daw. Pero tingin ko nag-LQ kaya pinutol ang honeymoon," natatawang pagbibiro ni Cams. Natawa naman kami ni Kim dahil hindi imposible 'yun. Knowing Cienne, kayang-kaya niyang iwan si AVO dun 'pag galit siya.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon