34 - Shots

16K 295 146
                                    

- THOMAS' POV -

.

(phone convo)

Ara: Hi, Thom! (laughs)

Me: (chuckles) Gabi na, hyper ka pa. Don't tell me nasa labas pa kayo?

Ara: Ah, haha. Uhmm hindi, nasa hotel na kami. Lumamon lang ng sandamakmak na cakes kanina kaya eto, sugar rush. Hindi pa ako makatulog. (laughs)

Me: Nakawala ka nanaman sa hawla mo ah. Sumbong kita kay Tita.

Ara: Che! Slight lang naman eh.

Me: (chuckles) Anyway, how did your game go earlier? Last day na ngayon, 'di ba?

Ara: Oo. Ayos naman, naisalba ang 3rd place. Lakas mo kasi kay Lord eh, hindi tuloy kami umabot sa championship.

Me: Sorry naman, malay ko ba na sa dinami-dami ng wish ko ay 'yun pa ang tutuparin Niya. (chuckles) Ano, makakauwi ka ba bukas?

Ara: Hindi talaga eh. Fully booked na lahat ng flights bukas pabalik ng Manila. Kaya pala Sunday ang kinuha nila coach na flight namin pabalik kasi bukas mag-uuwian halos lahat ng sumali. So 'yun, mag-gagala muna kami bukas.

Me: Aaah, I see..

Ara: Sorry.

Me: Okay lang.

Ara: Ano na nga pala ang plano niyo nila Teng?

Me: Ewan ko ba dun. Hindi ko pa alam.

Ara: Aah.. Uhmm sige, Thom, nag-aayang mag-foodtrip ang bullies eh. Kilala mo naman mga 'to. Sorry talaga ah.

Me: Okay nga lang, I understand. Teka, lalabas pa kayo? I'ts late na.

Ara: Kasama naman namin si Coach Noel. Oo nga pala, kung aalis kayo ngayong gabi, don't forget your phone. Tatawag ako mamaya.

Me: Hindi na, bukas na lang.

Ara: Ah basta, 'pag hindi mo sinagot lagot ka sa'kin pagbalik ko. Sige na, bye.

Me: (chuckles) Fine. Bye.

(end of call)

.

Haaay.. Looks like magla-last man standing nga kami ni lola bukas. Yes, I said na okay lang pero nakakalungkot pa din na wala sila sa birthday ko. Nothing special tomorrow after all.

.

"O, bakit hindi ka pa nakabihis?" gulat na tanong ni Jeron nang makita akong nakahiga sa kama paglabas niya ng shower. 

"Naka-damit ako. Ikaw ang hindi nakabihis," pamimilosopo ko.

"Gago!" He grabbed a pillow and threw it at me. "Mag-shower ka na nga kung magsho-shower ka. Dalian mo na!"

"Bakit?" 

"Boys night out, dude! To celebrate your birthday!"

"Bukas na lang. Tinatamad na 'ko eh." I covered my face with the pillow he threw at me.

"Bro, do you want a hangover on Sunday?" Kinuha niya yung unan. "Sunday kung kelan babalik ang Spikers?"

"I'll manage," sabay talikod ko sa kanya. Wala talaga ako sa mood eh.

"Come on, nakabihis na silang lahat. Hindi papayag ang mga 'yun na hindi ka kasama." But I still didn't move an inch. "Or gusto mong ganyan ka na lang?" he asked, referring to the shirt and basketball shorts that I'm wearing.

.

"I'm ready! I'm ready!" biglang pasok ni Kib na tumatalon-talon pa. Hindi naman siya halatang excited.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon