Bonus.2 - Fifteen

24.1K 308 88
                                    

- ARA's POV - 

.

"You sure you're good to go?" worried na tanong ni Thomas habang nagda-drive. "I can just call AVO --"

"I'm fine, okay?" Natatawa kong inabot ang pisngi niya at  hinaplos ito. Kanina pa 'to eh. Ang kulit pero naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya sa'kin. "Stop worrying na."

"Fine." he sighed in defeat. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Pero sabihin mo 'pag masama na ang pakiramdam mo, I'll take you home right away."

"Yes, boss." Sumaludo pa ako. Napatangin siya sa'kin so I gave him a peace sign. Napailing siya pero natawa na din.

.

Papunta kasi kami ngayon sa birthday party ng kambal nila Cienne at AVO. At ito nga, sobrang nag-aalala si Thomas, pinipilit pa nga ako kanina na 'wag nang pumunta, dahil 15 days after namin malaman na buntis na ako ay lumala na ang morning sickness ko. Lagi akong nahihilo kaya parang gusto ko na lang mahiga sa kama at matulog. Hindi na din ako makapunta sa resto dahil hindi ko matagalan ang amoy ng sabay-sabay na nilulutong pagkain, nasusuka ako. Mahirap kung mahirap pero wala akong karapatan mag-reklamo, anak ko 'to eh.

.

Kaya work from home ako ngayon. Si Carol na ang full-time sa resto since nag-quit na siya sa work niya. Para daw makapag-focus na siya sa business namin dahil in 2 months ay bubuksan na din ang sports bar namin.

.

"Why?" natatawang tanong ni Thomas nang makapasok kami sa Jollibee kung saan gaganapin ang 1st birthday ng kambal. Napansin siguro niya ang pag-iba ng expression sa mukha ko. Medyo napasimangot kasi ako pagpasok.

"Wala." Pilit na lang akong ngumiti.

"Hindi mo nagustuhan ang amoy ng chicken at burger?" Pinagsama niya sa isang kamay ang dalawang regalong hawak niya sa magkabilang kamay kanina para mahawakan ang kamay ko.

"Parang ganun." I shrugged.

"Eh favorite mo 'to dati ah?" parang amused niyang tanong.

"Yun nga eh." Medyo natawa ako. Totoo pala kasi talaga na medyo bumabaliktad ang dila 'pag nagbubuntis. Naiiba ang panlasa mo at ang mga dating gusto mo ay ayaw mo na ngayon. Tulad na lang sa favorite kong sweets, ngayon ayoko na nun dahil puro maaasim na ang hinahanap ko. "Hindi ko na feel ngayon."

"You want me to buy you other food? May ibang resto naman sa paligid so --"

"Hindi na." Kumapit ako sa braso niya para hindi makawala. Kilala ko 'to, baka tumakbo na lang bigla papunta sa kabilang resto eh. "Hindi naman ako nasusuka, hindi lang ako na-excite na ito ang kakainin ko."

"Sure?" paninigurado niya. I just smiled at him and nodded. He smiled back. "If you say so. But tell me --"

"Kulit." Natatawa ko na siyang hinatak, magsisimula nanaman eh.

.

Pag-akyat namin sa 2nd floor kung saan ang party ay madami nang tao, mostly kids na naglalaro sa gitna. Pero hindi pa nagsisimula, hindi ko nga makita ang pamilya ng mga kapre -- este, sila AVO eh. Kidding aside, feeling ko magiging kapre-level din ang tangkad nung kambal ni Cienne dahil ngayon pa lang na 1-year old ay ang laki na nila for their age. As in, parang 2 years old! Natatawa tuloy ako 'pag ini-imagine ko ang family pic nila paglaki nila Ace and Calix. Kawawang nanay, magmumukhang nuno sa punso 'pag katabi ang asawa't mga anak. Tsk tsk.

.

"Torres!" Napatingin kami ni Thomas sa isang corner nang may sumigaw. As expected.. Bullies.

"Present!" sabay taas pa namin ng kamay ni Thomas nang makalapit kami sa kanila which made them laugh.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon