27 - Woo

21.9K 334 98
                                    

After two weeks.. 

.

- ARA's POV -

.

"Anak, dahan-dahan ang halo baka madurog yung mga gulay," paalala ni Mama sa gilid ko habang nagluluto naman siya ng sinigang. "May ngipin pa naman yung tatay mo kaya makakain pa niya 'yan ng buo. Pa-baby lang 'yun pero hindi mo kailangang gawing baby food ang pagkain niya," pagbibiro pa niya.

"Ma talaga, sumbong ko kayo," natatawa kong pagbabanta.

"Subukan mo, hindi na kita tutulungan sa Papa mo." Well played, mother. Well played.

.

Tumawa na lang kami at nagpatuloy na ako sa pagluluto, kuno. Taga-halo lang naman kasi talaga ako dito sa isa pa niyang nilulutong ulam na pinakbet. Siyempre veggies for the elders. Nakikigulo lang ako kay Mama sa kusina para kunwari ako nag-prepare. Hihi. Style ko bulok. Pero kailangan eh, nililigawan ko yung tatay ko eh.

.

Tatlong araw na ako dito sa Pampanga, Sunday ngayon at last day ko na din dito dahil bukas ay babalik na ako sa Manila. Three days lang kasi ang binigay na bakasyon sa amin ni Coach Ramil kahit na hanggang Wednesday pa naman talaga ang term break ng La Salle. Malapit na kasi ang volleyball season kaya puspusan na ang training namin. Kaya eto rin, puspusan na din ang panunuyo ko sa tatay ko, one last push kumbaga.

.

Nakakatawa na din ako kahit papano kumpara nung unang araw ko dito nung Friday.

.

Nung first day kasi ay hangin ang peg ko kay Papa. Buti sana kung sariwang hangin pero hindi, para akong utot. Lalapit at tatabi pa lang ako ay tatayo na siya at aalis. Saklap lang, naligo naman ako.

.

Pero kahapon naman ay may development. Buong araw kasi akong naglinis ng bahay, nagpapapansin lang kay Papa. Sobrang saya ko nung nag-iwan siya ng isang basong tubig sa center table sa sala. Tapos nung nag-pasalamat ako ay tumango na siya. Oha, oha. Multo na ang peg ko dahil inalayan na ako ng tubig at naramdaman na niya ako.

.

Pero pinaka masaya kanina, muntik na nga akong mag-tumbling sa simbahan eh. Pagkatapos kasi namin magsimba ay tinanggap na niya yung pagmamano ko at nagpahalik na siya sa pisngi. Mukhang si Papa naman ang tinamaan dun sa homily ni Father. Tungkol kasi sa pagpapatawad ang naging sermon. Pati si Papa God nag-a-agree na dapat na akong batiin ni Papa. Hihi.

.

Kaya feel na feel ko na talaga na magkakaayos na kami ng aking itay ngayong araw. Wala nang makakahadlang. Kung meron man, malamang sa malamang ay hindi na niya makikita ang bukas.

.

"Sige na, maghain ka na dun. Luto na 'yan. Takpan mo na at patayin mo na yung kalan," utos ni Mama at pinatay na din ang pinaglulutuan niya. Tapos na din siya.

.

Sumunod na ako at inayos na ang lamesa. Maya-maya pa ay nagbababaan na sila.

.

"Sipag natin ngayon ah," pang-aasar na bulong sa'kin ni Kuya. "Palinis din ng kwarto ko mamaya ah. 'Wag ka mag-alala, sasabihin ko kay Papa. Hehe."

"Sure!" mabilis kong sagot.

"Pumayag ka agad? Himala!" gulat niyang sabi.

"Oo, madali lang naman 'yun. 'Wag ka mag-alala, mamaya sobrang linis na ng kwarto mo."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon