38 - Visit

13.8K 274 117
                                    

- ARA's POV -

.

"Kamusta naman ang unang araw ng panunuyo sa bestfriend ko?" may pang-aasar kong tanong sa kasama kong intsik habang naglalakad kami dito sa hallway ng hospital.

"Wala pa. Hindi pa nga kami nagkikita," he sighed. "Hindi pa ako nagpapakita dahil baka lalong mainis."

"Alam mo, minsan kahit na sinasabi namin na ayaw namin kayo makita, gusto pa rin namin na nandiyan kayo. Yung tipong nakikita namin yung effort niyo. Mas lalo nga kaming naiinis minsan 'pag hindi kayo nagpapakita eh," natatawa kong pagbabahagi sa kanya. Mahina pa eh, hindi pa alam ang language ng mga babae.

"Talaga?" Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "So pwede ko pa din siyang lapitan?"

"Ewan. Try mo na lang para malaman mo." Pero siyempre iba-iba pa din 'yan. Hardest language to understand nga daw, 'di ba? Kahit babae ako, aminado ako dun.

"Aah.." Biglang lumungkot nanaman ang mukha ng intsik.

"Okay lang 'yan." Natawa na lang ako at tinapik ko na lang din siya sa likod, paraan ko ng pakiki-simpatya sa kanya. Haha.

.

Nandito kami ngayon ni Teng sa hospital para dalawin ang daddy ni Thomas. Hindi talaga sinasadya na magkasama kami, nagkataon lang na nakita niya ako kanina sa Taft na nag-aabang ng taxi. Naka-kotse siya nun at hinintuan niya ako. Nalaman ko na dito din pala ang punta niya kaya nagsabay na kami. Tinext din siguro ni Thomas.

.

Pagdating sa pinto ng room ni Tito ay kumatok ako ng mahina bago buksan ito. Bumungad sa akin ang pamilya Torres, kumpleto sila. Si Lola at Kat ay nakaupo sa, tingin ko, sofa bed habang si Thomas ay nasa single couch. Si Tita naman ay naka-upo sa hospital bed at pinupunasan si Tito. Grabe, nakakaawang tingnan ang daddy ni Thomas. Parang ang hina niyang tingnan dahil sa dami ng nakakabit sa kanyang kung anu-ano tapos may oxygen mask pa.

.

"Good evening po, tita." Bumeso ako sa mommy ni Thomas at nag-mano naman ako kay lola. "Good evening po, 'la."

"Good evening po." Ganun din ang ginawa ni Teng. "Kain muna po kayo, we brought some foods."

.

Ibinaba ni Teng ang mga binili naming pagkain sa table habang ako naman ay ibinaba ang dala kong maliit na fruit basket sa ibabaw ng mini ref saka ako lumapit kay Thomas at umupo sa arm rest ng couch na inuupuan niya.

.

"Salamat, mga apo," pagpapasalamat ni Lola. Lumapit naman si Kat sa table at sinilip ang dala naming mga pagkain.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Thomas. Tumango lang ito at tatayo sana para maka-upo ako pero pinigilan ko siya. "Hindi na. Kain ka muna. Teka.."

.

Tumayo ulit ako at inilabas ko na ang mga pagkain sa table. May nadaanan kaming Chinese restaurant papunta dito kaya congee, noodles at kung anu-anong dumplings na lang ang binili namin para mainit sa tiyan at para na din madaling kainin. Tsaka recommended kasi ng kasama kong intsik.

.

Habang kumakain ay si Teng na ang nangamusta sa kalagayan ni Tito. Si Lola naman ang nagkwento ng nangyari.

.

Dumaan pala ang parents ni Thomas kanina sa office nila bago pumunta ng airport para sa ilang documents na kailangang pirmahan. And according daw kay Tita, nagkasagutan daw si Tito at isang director dahil sa hindi pagkakasundo sa binuong budget report nito for next year. Doon na daw biglang sumikip ang dibdib ni Tito. Bumagsak na lang daw ito at nawalan na ng malay. It was a heart attack.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon