10 - Home

32.2K 279 89
                                    

- ARA's POV -

.

"Mmm.."

Teka, bakit parang hindi ako makagalaw? May mabigat din akong nararamdaman sa may tiyan ko. Tapos ang init pa. Bakit ang init ng hangin na tumatama sa may leeg ko?

Pagdilat ko ay kaagad kong tiningnan kung saan nanggagaling yung mainit na hangin. Aaahh.. Si Thomas lang pala, humihinga sa may leeg ko. Pagtingin ko naman sa mabigat sa may tiyan ko.. Aaahh.. Nakayakap yung braso niya sa'kin.

Humihinga.. Nakayakap.. Loading..

O___O

"THOMAS CHRISTOPHER TORREEES~!"

Bigla siyang napaupo at tumingin-tingin sa paligid. "Ha? Bakit? Anong nangyari?"

At nung maialis niya ang braso niya sa'kin ay saka ko lang na-realize kung bakit hindi ako makagalaw.

"Ano 'to?? Bakit mukha akong lumpia dito?!" Balot na balot lang naman ako ng kumot. Hindi yung simpleng balot ah, as in naka-rolyo sa'kin yung buong kumot. Para din tuloy akong baliw na naka-straitjacket dito!

Napatingin na siya sa'kin at mukhang na-gets na niya ang nangyayari dahil lumabas na ang nakakaloko niyang ngiti. At hindi lang 'yun, humiga uli siya sa tabi ko -- mali, nakatagilid siyang humiga na nakaharap sa'kin at itinukod niya ang siko niya habang naka-salo ang ulo sa kamay. At yung isa niyang kamay? Ayun, bumalik sa original place sa tiyan ko.

"Ano 'to! Bakit tayo magkatabi! Bakit ako nakabalot dito! Simulan mo na magpaliwanag kung gus-- sasdxq" Aba'y loko, tinakpan yung bibig ko.

"Shh.. Gusto mo bang magising sila at maabutan ang pwesto natin ngayon?" Yung tono ng boses niya, nakakainis. Pang-asar eh. Umiling ako sa tanong niya. Siyempre, sino ba may gusto nun? "Okay. Tatanggalin ko na yung kamay ko, quiet lang tayo ah?" Tumango na ako. Humanda 'to sa'kin 'pag nakawala ako.

"Dun sa tanong mo, I tried to carry you to your room pero ayaw mo. And the rest, mas magandang 'wag mo na alamin," sabay ngiti niya.

"At bakit? Karapatan kong malaman 'yun dahil ako ang biktima dito!" Ay buset, tinawanan lang ako. "Sagutin mo 'ko, 'wag kang tumawa diyan!"

"Ikaw talaga ang biktima ah? Pasalamat ka hindi ko hawak ang phone ko kagabi kaya wala akong evidence." Natatawa pa din siya.

"Bakit nga kasi?" Ano ba talagang nangyari? Huhu.

"'Wag mo na ngang alamin, baka maglayas ka at tumira na lang sa bundok 'pag nalaman mo." Hala. May ginawa ba akong kasumpa-sumpa? Hindi naman siguro. OA lang 'tong bansot na 'to.

"Fine. Tulungan mo na akong tanggalin 'tong wrapper ko, dali." Wala akong makukuha 'pag ganitong hindi ako makagalaw pero oras na makawala ako.. Hehe. Tingnan na lang natin.

"Promise me first that you won't hit me or do anything to me."

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon