17 - Galangs

25.6K 338 167
                                    

- ARA's POV -

 .

"Saan mo itinago yung itak? Dalhin mo dito, may nakapasok na masamang loob! Tumawag ka na din ng pulis pagkatapos!"

O__O

Aish! Ito na nga ba sinasabi ko eh. Nabuhay si Andres Bonifacio! 

Agad kong ibinaba si baby Josh mula sa pagkakabuhat ko at mabilis kong sinalubong si Papa dahil palapit na siya sa amin ni Thomas. Kaya nandito kami ni Papa sa may gitna ng sala habang naiwan sa may pinto si Thomas na mukhang nanigas na sa takot.

"Teka lang po, Pa," pagpigil ko kay Papa.

"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" Matigas na tanong ni Papa. "Juuun! Yung pinapakuha ko!" Sigaw uli ni Papa nang hindi inaalis ang tingin kay Thomas.

Tiningnan ko si Kuya na nakatayo sa may dining at halatang nag-eenjoy sa nangyayari. Pinandilatan ko na lang siya, paraan ko ng pagbabanta na 'wag gawin yung utos ni Papa.

"Ateee, buaat.." Si baby Josh na kinakalibit ako sa binti.

"Teka lang, baby, ha?" Binuhat ko si Josh at mabilis na dinala at pinaupo sa sofa. Baka kasi madamay pa siya sa kaguluhan.

"Anong gina--"

Tumakbo uli ako kay Papa dahil sumugod na siya kay Thomas. Nakalapit na nga siya actually at ako na lang ang naghihiwalay sa kanila. Naka-spread na yung arms ko para naman may harang pa din kahit papano.

"Relax lang, Pa," pagpapakalma ko kay Papa.

"Umalis ka diyan, Victonara," utos ni Papa sa'kin pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yun kaya umiling-iling na lang ako. "Anong ginagawa niyan dito?"

"M-magso-s-sorry lang po, tito," kinakabahang sagot ni Thomas.

"Damuhong bata ito, hindi marunong gumalang!" galit na sabi ni Papa. Huh? Anong ikinagalit niya? Pero okay na din dahil umalis siya sa harap namin at pumunta sa may mga sofa saka nagsimulang silipin ang gilid-gilid na parang may hinahanap. "Nasaan na ba yung pinaglalaruan ni Josh kanina?" bulong ni Papa sa sarili niya.

"P-po? B-bakit po?" naguguluhan na tanong ni Thomas. Humarap ako sa kanya at kinuha ko yung mga dala niya. Inilapag ko muna ang mga ito sa isang table malapit sa amin dahil baka malaglag, sayang. Nyaha.

"Relax ka lang, akong bahala," bulong ko kay Thomas. Pero bago pa man siya makatingin sa akin ay nanlaki na ang mga mata niya. Tiningnan ko kung bakit. Ayun, si Papa, may hawak nang walis tambo. Amf, anyare kay Bonifacio? Naging kasambahay ni Bonifacio? Bumalik na uli ako sa pwesto kong parang ipapako sa krus. "Pa naman, ibaba niyo po 'yan," paki-usap ko kay Papa.

"Umalis ka diyan, tuturuan ko lang ng leksyon. Walang galang na bata!" Galit na sabi ni Papa habang tinatapik-tapik na ako ng walis sa may bewang. Hindi naman masakit, pinapaalis lang talaga ako.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon