21 - Rivalry

27.4K 365 164
                                    

- MIKA's POV -

.

"D-LS-U ANIMO LA SALLE!" sabay-sabay na cheer ng green crowd.

.

Halftime break na at nagpe-perform na ang Animo Squad namin sa gitna ng court. Lamang ang Ateneo sa score na 35 - 28. Intense ang game. Intense ang players. Intense ang crowd. Nakaka-tense!

.

Kumpleto nanaman kaming bullies dito sa MOA. Alam niyo na, nagpapakalat ng kagandahan. Tahimik lang kami, just our usual selves. Pero siyempre joke lang 'yun. Pinapahinga lang namin ang aming mga vocal chords.  Napagod kaka-cheer eh. Lalo na si best, kung maka-cheer ay kasing intense ng paglalaro ng jowa niya. Palibhasa wala yung mga buntot ni Torres kaya malaya siyang nakakapagwala ngayon.

.

"Wooh! Go La Salle!"

"One Big Fight!"

Dumagundong na ang arena dahil naglabasan na uli ang players.

.

"Ye, nag-away ba kayo ni Teng?" tanong ng katabi kong si Cienne.

"Oo nga, baks. Baka magka-developan na yung mga kilay niya dahil ayaw niyang paghiwalayin. Anyare?" dag-dag tanong ng baklitang katabi ni Cienne.

"Malay ko ba. Masaya naman siya kaninang umaga nung nag-usap kami sa phone," sagot ko.

.

Napansin ko nga din na bandang second quarter nung biglang nag-iba ang mood niya. Enjoy naman siya nung umpisa ng game pero biglang naging seryoso at madalas ay nanggigil pa nung nagtagal. Simula 'yun nung nagkatapat sila ng haring agila. Parang may pinag-usapan sila tapos ayun, nag-transform na si Je. Ano nanaman kaya 'to? Nag-usap na kami tungkol dito ah. Kaloka!

.

"Ouch!" sabay-sabay na sigaw namin ng bullies.

"Problema ni Teng? Feeling Karate kid lang at kuma-karate chop?" tanong ng katabi kong si Ara. "Hayaaa~ aray naman!" Nabatukan ko nga. Nag-demonstrate pa kasi ng karate chop eh.

.

Na-foul ni Je si Kiefer nung magle-layup at tama si best, karate chop-style. Kaya ayun, bali ang pakpak nung agila, bagsak! Medyo nagkakapisikalan na talaga yung dalawa, hindi na lang simpleng angasan. Hay Je.. 'Wag lang nilang masabi-sabi na ako ang dahilan ng mga nangyayari kung hindi pag-uuntugin ko talaga sila. Maganda ako pero ayoko ng gulo!

.

Napaupo tuloy si Je ni coach at halatang inis siya dahil dun. Gusto ko sana siyang pakalmahin pero ayaw naman niyang tumingin sa'kin.

.

Natapos ang third qurter at lamang pa din ang mga asul, 55 - 51. Si Torres ang gumagawa sa kanila kaya naman masayang-masaya itong katabi ko.

.

Malapit na mag-start ang fourth quarter. Yung boyfriend ko mukhang mainit pa din ang ulo.

.

"Je!" sigaw ko.

Tumingin siya. I mouthed 'I love you'. I pointed at him then I pointed my heart and raised an index finger. 

"Isigaw mo na, nahiya ka pa!" Umeeksena nanaman ang bruha kong bestfriend. Tumingin siya kay Je sabay sigaw, "Ikaw lang daw ang nag-iisa sa lungs niya, Teng! -- Aray!"

Nasabunutan ko nga, ang ingay eh. Pero dahil dun ay ngumiti at tumawa na ang intsik. Hay salamat.

.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon