42 - Something old, something new

16.3K 277 130
                                    

8 YEARS LATER..

.

- MIKA's POV -

.

"Good morning, baby.. This is your daddy.. I love you."

.

Nagising ako nang may humihimas at humahalik-halik sa tiyan ko. Natawa na lang ako pagkamulat ko. Ang asawa ko, mukhang batang nanggigigil sa bago niyang laruan.

.

Yes, I'm now happily married and 2 months pregnant with our first child. It may seem that we're still too young to start a family but we both know that we're ready. Tsaka lakas kasi ng tama nitong asawa ko sa'kin, pinakasalan na daw ako para hindi na ako makawala pa. Pero ako din 'tong malakas ang tama, um-oo naman.

.

"Good morning, hon!" masayang bati sa'kin ng aking mister nang makitang gising na ako. He also gave me a kiss on my lips.

"Yung totoo, naglilihi ka ba sa tiyan ko?" natatawa kong pang-aasar. Every morning na lang kasi simula nung nalaman namin na buntis ako ay ganito na ang eksena namin, yung magigising ako dahil pinaglalaruan at kinakausap niya ang tiyan ko. Then..

"Here." Inabutan niya ako ng towel nang makalabas ako ng CR. Morning sickness sucks. Pero hindi na siya ganun kalala compared sa dati. Sabi din naman ng doctor na unti-unti din mawawala 'to. "Okay na?"

"Yeah." Sanay na siya kaya hindi na din siya masyadong nag-aalala. "Good morning din pala." I kissed him on his cheek saka ko siya tinalikod at tinulak. "Luto ka na ng breakfast. Gutom na kami ni baby."

"Why does it feel that you're using our child para mapasunod at maalila mo ako?" natatawa niyang tanong at humarap uli sa'kin.

"Mr. TENG, paalala ko lang sa'yo that the moment na nilagyan mo ng singsing itong daliri ko.." Tinaas ko pa ang kamay ko para makita niya ang wedding ring ko. "..ay binigyan mo na ako ng karapatan para gawin 'yun, okay? Kaya go, magluto ka na."

"I knew you'd say that," umiiling habang natatawa niyang sabi. "Fine. What does the queen and the little one want to eat?"

"Hmm.." Hinimas-himas ko ang tiyan ko para pakiramdaman kung anong gustong kainin namin ni baby ngayon. Pero echos lang, yung gusto ko lang kainin talaga ang iniisip ko dahil wala pa naman tiyan itong baby ko. "Longganisa, bacon and ice cream."

"Miks, you have to eat healthy foods," parang nangangaral na sabi nito.

"Fine, samahan mo na lang ng fruits." Baka pag-awayan pa namin eh.

"Okay. I'll just call you 'pag ready na." Alam niya kasing takaw-tulog ako ngayon kaya alam niyang babalik pa ako sa pagtulog.

.

Lumabas na siya ng kwarto habang ako naman ay nahiga na ulit. Actually may kasama naman kami dito sa bahay pero hindi ko alam kung bakit gusto ko na si Je ang nagluluto para sa'kin. Hindi ko kinakain 'pag iba nagluto. Tapos kahit hindi masarap para sa iba ay sarap na sarap ako sa luto niya. Hay ewan ko ba, weird pala talaga 'pag buntis.

.

Marami sigurong nagtataka kung bakit kami pa din ni Je ang nagkatuluyan kahit na hindi naman talaga ako nakapunta sa usapan namin dati. Wala eh, mahal ko kaya ako na ang gumawa ng paraan. Oo, ako na ang kumilos dahil may isang salita talaga ang lolo niyo kaya pinanindigan niya dati ang paglayo sa'kin.

.

.

*FLASHBACK*

.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon