24 - Vader

20.6K 343 117
                                    

Dedicated to: Ddolphinedanzzz -- hello po! salamat po sa pagbabasa, sa comments at sa votes. eto na si thomas! hahaha. God bless. :)

---------------------------------

.

Earlier that day..

.

- THOMAS' POV -

.

It's 2 in the aftertnoon and I'm here inside my car, parked infront of Ara's family house here in Pampanga. I didn't initially planned this, biglaan lang.

.

I went home last night since Coach Juno gave us this weekend for us to catch up with our lessons because in 2 weeks ay final exams na sa La Salle and luckily, our next game will be on Wednesday pa so training could resume on Monday.

.

Anyway, earlier this morning I heard Dad talking to Mom about him going here because of some documents that Lola Nita needed to sign. And the rest is history...

.

Hey, I'm not neglecting my studies ah. I regularly read my lessons so I don't need to do major studying. I'll just review tomorrow.

.

Teka, nasaan na ba 'ko. Oh yeah, nandito ako sa tapat ng bahay nila Ara. I want to apologize to her parents since hindi lang naman si Ara ang nagsinungaling dito. I'll also try to talk to her *gulp* father. From what I heard from Mika kasi, hindi pa din sila nag-uusap. I know it's a long shot for me to be able to convince him to talk to her daughter already pero hindi naman masamang sumubok.

.

Okay, here goes..

.

Bumaba na ako at paglapit ko sa gate ay nakita ko agad si Tita sa may garden nila sa loob na nagdidilig ng mga halaman.

.

"Tao po.." I called out as I slightly knock on their gate.

.

Napatingin si Tita at halatang gulat na gulat na nakita ako. Lumapit naman siya agad at binuksan ang gate.

.

"Anong ginagawa mo dito, Thomas?" And with the tone of her voice, I can safely say na she's not too happy to see me. Great, galit din si Tita.

.

"Tita, gusto ko lang pong mag-apologize. I'm sorry po kung itinago namin ni Ara yung relationship namin sa inyo." Diniretso ko na, wala nang point na magpaliguy-ligoy pa.

.

"Pumasok ka muna." Pumasok na si Tita at sumunod naman agad ako. Tahimik yung bahay nila. Mukhang walang tao. "Wala ang Papa ni Ara, may pinuntahan lang saglit pero dadating na 'yun pamaya-maya."

.

May pagka-mind reader pala si Tita. Galing. Haha. Iniwan niya ako sa sala at mukhang dumiretso siya sa kitchen. Naupo na lang ako sa may long couch. Medyo nakalma ako ng konti dahil kahit na alam kong galit siya ay tinanggap pa din niya ako.

.

Bumalik si Tita na may dalang tray ng juice and sandwich. Sinalubong ko naman siya agad at kinuha ko yung tray.

.

"Thank you po, hindi na po sana kayo nag-abala."

.

I placed it on the table infront of us. Bumalik na ako sa pwesto ko sa long couch habang si Tita naman ay umupo sa katapat kong single couch.

.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon