Namulat ang mga mata ko dahil sa tumurok na manipis sa braso ko na karayom,tinurukan pala ako nurse,hindi ko na tinanong kung para saan,wala ako sa mood para makipag-usap.
Bakit nga pala ako nandito?
Anong nangyari sa'kin?
Ang natatandaan ko lang,nagmamaneho ako ng kotse habang lasing hanggang sa...............
Natigil lang ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok si Rita na may dalang prutas. Nananaginip ba ako na nandito s'ya? Guni guni ko ba ito? Kung nananaginip nga ako ayoko nang magising,ayoko nang imulat pa ang mga mata ko.Ipinatong ni Rita ang dalang Prutas tsaka naman lumabas ang nurse.Naupo ako ng bahagya sa kama na hinihigaan ko.“Kamusta ang pakiramdam mo?” Seryosong tanong sa'kin ni Rita.
“Im okay,anong ginagawa mo dito?”. Tanong ko. “Ibig kong sabihin,Hindi ko inaasahan na pupuntahan mo ako dito sa kabila nang nagawa ko sa'yo.” Dagdag ko naman.
“Hindi rin naman ako magtatagal eh,nakasalubong ko kung saan si Angello at pinadala n'ya sa'kin to,may emergency daw s'yang pupuntahan.”
“Rita I'm sorry?”.
“Nadinig ko na yan!”.
“Paulit ulit akong magso-sorry sa'yo hanggang sa mapatawad mo ako,until you give me another chance,a second chance.............” Sabi ko naman.
“Mauuna na ako!”. Patayo na sana si Rita nang hawakan ko ang braso n'ya.
“Wag mo naman akong baliwalain ng ganito.”
“Ano bang gusto mong madinig sa'kin,ha?”.
“Gusto ko lang mapatawad mo ako,Yung bumalik Yung tiwala mo sa'kin.” Straight forward ko nang sinabi sa kan'ya.
“Kapag ba pinatawad kita titigilan muna ako?”. Tanong n'ya sa'kin.Hindi naman ako nakasagot kasi hindi ko alam kung ano yung isasagot ko.mahal ko si Rita. “Hindi mo nga ako masagot eh.”
Tinanggal n'ya ang kamay ko na nakahawak sa braso n'ya,tyempo namang may pumasok sa loob,si Allesandra!! Anong ginagawa n'ya dito?
“Ayan na pala mapapangasawa mo eh!”. Sabi ni Rita at lumabas na.
“Rita!? Rita!? Sandali lang!”. Pagpigil ko naman,Kung nakakatayo lang ako nahabol ko na s'ya.
“Dont make her stop Ken,she don't love you!”. Sabi ni Allesandra.
“But I love her!”.
“I love you Ken!”.
“But I don't love you,don't push yourself to me,can you leave me alone?”. Sabi ko naman.
“Why Rita!? Why is not me!? Am I not enough to you!? I'm better than Rita,I had perfect look,I had money and I had all that I want!”.
“Alam mo kung bakit,ha?Hindi s'ya mayabang,hindi n'ya pinagmamalaki kung anong meron s'ya at higit sa lahat I chosed Rita although she push me away kasi mahal ko s'ya and no one can replace Rita in my heart and in my life!!”. Alam kong masakit na ang binitiwan kong mga salita kay Allesandra,hindi s'ya titigil hanggat hindi n'ya makukuha ang sagot na gusto n'ya.
Hindi s'ya sumagot sa'kin bagkus ay tiningnan n'ya lang ako,Kita ko sa mga mata n'ya na nasaktan ko s'ya sa mga sinabi ko.
RITA'S POV
Naglalakad ako hallway ng Ospital habang piniligil ko ang luha ko,naupo ako sa upuan at doon umiyak,gusto kong patawarin si Ken pero hindi ko kaya,mabuti na rin siguro Yun para pag umalis ako wala akong pagsisihan,Wala akong taong maiiwan na umaasa sa'kin.
Nag-ring ang phone ko,si Isha pala tumatawag sa'kin.Huminga muna ako nang malalim bago ko s'ya sagutin.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...