Chapter 4

167 10 1
                                    

Ken's Pov
 
         I found my self at the terrace of my room,I am sitting on the soft poeme inshort in a soft chair.Pinagmamasdan ko ang picture namin ni Allesadra,aaminin ko kahit 3 years na ang nakalipas ramdam ko pa rin ang sakit at kirot na naramdaman ko noon,hindi ako maka-move on sa kan'ya,kasi  s'ya lang 'yung tanging babae na minahal ako hindi dahil marami akong pera,minahal n'ya ako dahil sa pagkatao ko, mahal na mahal ko pa rin s'ya hanggang ngayon pero ngayon ipinapangako ko na hindi na ako magmamahal,natatakot na akong masaktan eh,ayoko na!.

"Hindi ka madaling kalimutan Allesadra at hindi rin madaling kalimutan ang sakit na pinaramdam mo sa'kin!". Sabi ko sa sarili ko at pinatay ang cellphone ko.Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko ngayon,paano ba mawawala ang sakit at kirot na ibinigay n'ya? Sino ang lulunas nito? Sino?! Sino?!

       Natigil lang ako sa pag-iisip ng maramdam kong may taong papalapit sa'kin.It was kuya Allan.

"Kuya?!". Bati ko pero hindi ko s'ya tinatapunan ng tingin.

"Are you remember her?". Tanong n'ya,kahit  si kuya ay alam ang pinagdaanan ko kay Allesandra kaya wala akong maitatago sa kan'ya.

"Kahit namang anong gawin kong limot,ako lang ang mapapagod,bakit pa ba kasi naligtas pa 'ko sa aksidenteng 'yan eh?!...........kung namatay na lang sana ako, edi sana hindi na ako naghihintay ng ganito!". Seryoso kong sinabi kay kuya.Bakit ba kasi binigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay eh?!

"Dapat nga magpasalamat ka kasi binigyan ka pa ng pagkakataong mabuhay,may misyon ka pa dito sa mundo kaya hindi ka n'ya hinayaang mamatay." Sabi ni kuya.

"Kung ano mang misyon 'yun,hindi ko na magagawa, what's for?! ni hindi nga ako makatayo at makapaglakad mag-isa tapos may misyon pa ako na dapat tapusin?!". Sabi ko.

"Balik ka na sa dati,miss ko na ang kapatid ko." Sabi ni kuya at umalis na,hindi ko alam kung makakabalik pa ang dating Ken,mahirap na s'yang ibalik.

————————————————

        Kinabukasan,inagahan ko ang pagpasok ko kasi sabi ni Sir Allan,mga 7:00 am or 8:00 am nagigising si Sir Ken, kailangan raw na ilagay ko na sa kama n'ya ang towel at damit na pampalit kasi pagkagising na pagkagising ni Sir Ken ay naliligo na ito kaya pala ang fresh n'ya umaga palang.

"Ah, Sir Allan sabi po kasi ni Sir Ken,wag raw po akong papasok sa kwarto n'ya nang walang pahintulot galing sa kan'ya,baka kasi po kapag pumasok ako dun eh magalit na naman s'ya sa'kin." Sabi ko.

"Bahala na 'ko dun,ako bahala sa'yo!". Nginitian n'ya ako,may care s'ya sa'kin, Sir wag kang gan'yan baka mafall ako.

"Ah sige po sir." Umakyat na ako sa taas.

        Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip si Sir Ken, ayos at tulog pa s'ya,hindi n'ya ako madadakdakan,dapat tahimik lang ako lumakad.Dahan dahan at tahimik kong hinahanda ang gagamitin ngayon ni Sir Ken,kailangan maingat baka ampalaya agad ang sumubo sa'kin eh.Natapos ko nang ihanda ang lahat paalus na sana ako nang mapansin ko na sa may kabilang ulo ni Sir Ken ay may litrato.

"Sino naman kaya 'yun?". Tanong ko sa sarili ko,wag Rita baka sabihan ka na naman n'ya ng pakialamera,ikaw rin ang mapapahamak at kakain ng masasakit na salita.Eh kung dahan dahan naman akong lalapit at titingnan 'yun ay hindi s'ya magigising.Titingnan ko lang naman eh.

       Dahan dahan akong naupo sa kama n'ya at inabot ang picture na nasa gilid n'ya,maganda 'yung babae ah pero sino naman kaya 'to? Ano ang koneksyon n'ya kay Sir Ken? Bahala na nga baka magising pa 'to,nagpasya na akong ibalik ang picture sa puwesto nito pero ng tatayo ako naramdaman kong may nakakapit sa bewang ko,nakapulupot,my God gising ba s'ya?! 
         Tiningnan ko ng dahan dahan ang mukha ni Sir Ken,nakapikit naman s'ya pero bakit nakahawak s'ya sa bewang ko? Grabi,ang lapit ng mukha ko sa mukha n'ya.Nagulat na lang ako ng bigla s'yang namulat.
         Infareness ha?mas gwapo pala s'ya kapag closer na,ang ganda ng mata n'ya,ang tangos ng ilong at 'yung labi n'ya,grabi!ang perfect,hindi s'ya pink lalong hindi s'ya red,as in perfect color.

Ken's Pov

       Naramdaman ko kasing medyo bumaba ang braso ko sa kama kaya naalipungatan ako,ang bigat kasi ni bouncer eh,mag-diet ka kasi sa susunod.Iminulat ko ang mata ko at nakita kong ibinabalik n'ya ang picture ko nang makita kong ibinalik n'ya na ay dahan dahan kong pinulupot ang braso ko sa bewang n'ya.Pumikit na ulit ako.

"Sir?". Kinakabahan n'yang bati.

"Ano? nag-e-enjoy ka ba na pagsamantalahan ako?". Seryoso kong tanong sa kan'ya.

"Sir hindi!". Pagtanggi n'ya.

"Ah talaga? Bakit ka nasa ibabaw ko ngayon? As usual gusto mo lang magnakaw ng halik at pagnasahan ang kahinaan ko." Sabi ko.Minabuti kong biruin si Rita,lumapit ako sa tainga n'ya at bumulong. "Gusto mo gawin ko sa'yo?". Tanong ko at inilapit ko ang labi ko sa kan'ya pero hindi ko ito inilalapat,talagang pumikit pa s'ya ah,gusto n'ya nga.Inilayo ko ang mukha ko sa kan'ya at pinagmasdan ko s'ya,maganda naman pala s'ya eh kaso mukhang bouncer sa taba n'ya.Hindi pa rin n'ya binuksan ang mga mata n'ya,do you think na hahalikan talaga kita? Inilapit ko ang bibig ko sa tainga n'ya. "May papikit-pikit ka pa ng mata,do you think na hahalikan kita? Well,bago mangyari 'yun,sisiguraduhin kong wala kang mouth disease!" Sabi ko at tinitigan ko lang s'ya. "Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan? Tumayo ka na!".Pagkaalis n'ya ay ngumiti ako.

————————————————

       Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"Out!". Sabi ni Sir Ken sa'kin. "Out sabi eh!!". Inis n'yang sinabi sa'kin.

"Sorry po Sir Ken!". Sabi ko at lumabas na ako.

Rita's Pov

        Lumabas na ako sa kwarto ni Sir Ken,grabi naman s'ya wala akong mouth disease,lalong hindi ako bad breath!buwisit na 'to,bakit n'ya ako hahalikan kanina,eh sabi n'ya kahinaan n'ya 'yun,balak ko pa raw pagsamantalahan ang kahinaan n'ya?............wait,sa sungit n'yang 'yun,isang halik ang kahinaan n'ya?! Napangiti naman ako,mukhang may alas na ako para hindi n'ya na ako sungitan ah!
           Naalala ko 'yung mga mata,ilong at lalong lalo na 'yung lips n'ya,kaya pala napakagwapo nito eh,sayang 'yung gwapo mo,ang sungit mo lang kasi eh.Ano ba talagang nangyari sa'yo?
          Pagkababa ko sa baba n'ya naabutan ko si Sir Allan na palabas ng bahay,may dala s'yang tuwalya siguro magsu-swimming s'ya.Napansin n'ya ako kaya napatigil s'ya.

"Rita what happened?". Npatigil siguro s'ya kasi ngiting ngiti ako.

"Ah,wala pi Sir Allan!". Sagot ko.

"Hindi ka ba n'ya inaway?". Tanong n'ya.

"Hindi Sir,sa katunayan nga po guntik n'ya na akong hali---------" Napatigil ako.

"Guntik na?". Paglilinaw na tanong n'ya.

"Ah.........guntik na ha............mpasin ng sandamutak na ngiti,nanibago nga ho ako kay Sir Ken eh,puro ngiti s'ya ngayon." Sabi ko naman sa kan'ya. "Ah, Sir Allan magsu-swimming po ba kayo?". Tanong ko.

"Ah,oo eh." Paalis na sana s'ya nang bumalik s'ya. "Ah Rita?".

"Sir?".

"Hatiran mo ako ng juice sa pool." Bilin n'ya at umalis na s'ya.

      Nagpunta na ako ng kusina para ikuha ko s'ya ng juice,nakita ko sa bandang glass wall ng bahay na naglalangoy s'ya,nagdiretso na ako sa pool,naabutan ko s'yang papaahon na,bigla na lang akong natulala nang makita ang mga pandesal n'ya,este 'yung mga abs n'ya,gwapo n'ya rin talaga,si Sir Ken kaya may abs din?! Hahahaha,hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Sir Allan.

"Rita,'yung juice ko?". Sabi n'ya.

"Ah, Sir ito PO." Inabot ko na. "Ah, Sir pasok na po ako sa loob ah?". Pag-papaalam ko.

"Sige,thank you!". Sabi n'ya.

          Tumango na lang ako at umalis na,kung kanina pinipigilan ko ang ngiti at kilig ko nung kaharap ko si Sir Allan ngayon na nasa loob na ako ng bahay ay para akong mahihimatay sa kilig at tuwa.

Once Cupido Hits Your Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon