Ilang buwan na din akong nagtatrabaho dito kay Sir Ken,ilang buwan ko na ding tinitiis ang pabago-bagong mood ni Sir Ken,minsan mabait, ngumingiti,masungit,hay nako!!! Ewan ko ba d'yan kay Sir Ken,mukhang bipolar,pabago bago na lang ng mood,kung kailan lang n'ya magustuhan na ngumiti at maging mabait.Kung iraranking lahat, 99% ang kasungutin at 1% ang kabaitan at pag-ngiti.
Linggo ngayon pero hindi muna ako pinapasok ni Sir Allan este Allan pala,pinapalamig n'ya kasi ang sitwasyon,bigla na lang kasing sumabog na naman si Sir Ken at kaming lahat ang pinag-bubuntunan sa bahay, specially me,lagi na lamang akong pinag-bubuntunan eh.Nakaupo ako sa upuan at nanonood ng TV pero hindi ako nakafocus sa panonood."Beshie? Beshie?". Tawag ni Isha sa'kin at naupo sa ibang upuan.
"Oh beshie?". Pansin ko naman sa kan'ya.
"Bakit ka nan'dito diba may trabaho ka pa?". Tanong n'ya,oo,yes may trabaho ako kahit linggo,isang linggo ang trabaho ko kaso nga lang kapag sabado at linggo ay half day ako.
"Oo may trabaho ako pero hindi muna ako pinapasok ni Allan eh." Sagot ko naman.
"Eh bakit naman?". Tanong n'ya.
"Eh si Sir Ken kasi sinumpong na naman ng kasungitan at kasamaan ng ugali." Sagot ko naman.
"Eh ano naman daw at bakit s'ya gano'n?". Takang takang n'ya.
"Alam mo kasi beshie,si Sir Ken mahilig magsarili......oo,mahilig magsarili ng problema,hindi s'ya mahilig mag-share,mag-open pero that is Sir Ken now,not before.Kuwento kasi ni Allan Sir Ken is the ideal brother and perfect brother." Share ko naman sa kan'ya ng bahagyang kuwento ni Allan sa'kin.
"Ows?". 'Di makapaniwalang tanong ni Isha sa'kin.
"Oo nga,dati raw mabait 'yang si Sir Ken,laging nakangiti,talagang sobrang bait,nabago lang daw 'yun nung naaksidente s'ya at iwan ng girlfriend na seneryoso n'ya,sabi pa nga dapat engaged na dapat sila pero nagback-out si ate girl,iniwan si Sir Ken pinagpalit sa career,ito namang si Sir Ken,'ayun gumuho ang life n'yang bitter na 'yun." Kuwento ko ulit.Chismisan lang ang ganap ngayon sa'min eh.
"Teka nga,pansin ko lang ah,bakit Allan lang ang tawag mo sa kapatid ni Ken?". Tanong naman n'ya,talagang napansin pa n'ya 'yun.
"Eh sabi n'ya eh wag ko na daw s'yang tawaging Sir,kasi hindi ko naman daw s'ya boss,si Sir Ken lang naman daw 'yung pinagsisilbihan ko eh,pero alam mo napakabait ni Allan sa'kin,hindi isang employee ang tingin n'ya sa'kin,parang kaibigan na hindi ako naiiba sa kan'ya,pantay lang s'ya lahat." Sabi ko at napapangiti pa ako.
"Wait lang beshie....................parang Ina na 'yan ah?". Sabi n'ya with matching beautiful eyes pa.
"Anong iba?". Taka kong tanong.
"Hindi kaya in love sa'yo si Allan?". Sabi n'ya.
"Hoy!Gaga ka,bakit naman s'ya maiinlove sa'kin eh,iba naman ang type nun!". Sabi ko naman.
"Pa'no mo nalaman,eh sinabi ba n'ya sa'yo na hindi ikaw ang type n'ya?". Tanong naman n'ya.
"Hindi.Pero alam ko na hindi n'ya ako type."
"Maiba naman tayo,how about the type of Sir Ken?". Change topic naman n'ya.
"Type n'ya? Ewan ko eh,diba nga hindi 'yun makuwento,pero alam mo beshie,minsan 'yung ampalaya na 'yun nakakaatract? Bakit? Siguro dinadaan n'ya sa pangiti-ngiti,ang ganda kasi n'yang ngumiti,isama mo pa 'yung ngipin n'ya,plus 'yung mga mata n'ya,beshie ang ganda ng mata n'ya.Kilala mo 'yung Destiny Rose?........... gano'n na gano'n ang mga mata n'ya pati na rin kapag ngumingiti si Sir Ken,parehas na parehas sila." Puri ko naman kay Sir Ken,sa katunayan nga eh medyo hawig si Sir Ken doon sa Destiny Rose parang kambal lang ang peg.hahaha
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...