Nakakailang halik na sa'kin si Sir Ken ah,nakakalibre na s'ya,hindi pa naman kami ah pero nakakarami na s'ya sa'kin.Nakita kong seryosong nag-uusap sina Sir Ken at Sir Angello.Ano kayang pinag-uusapan nila?
————————————————
Ken's Pov
Bumalik na pala s'ya dito,kamusta na kaya s'ya? Gano'n pa rin ba s'ya? Hindi ba s'ya nagbago?
"So, what's next?". Tanong sa'kin ni Angello.
"Next?". Taka ko namang tanong sa kan'ya.
"Your steps and your plan?". Tiningnan ko na lang s'ya pero bigla akong napaiwas ng maalala ko 'yung panaginip ko.
"Oh,bakit ka na naman napaiwas ng tingin sa'kin?". Tanong naman n'ya sa'kin. "Ano ba talagang problema n'yo ni Rita at parang ilang na ilang kayo sa'kin?". Dagdag na tanong pa n'ya.Hindi na lang ako sumagot sa kan'ya.
————————————————
Rita"s Pov
Kausap ko ngayon sa phone si Isha.
"Oo na,gagawaan ko na ng paraan 'yan,kakausapin ko Sir Allan para sa advanced." Sabi ko naman.
"Bakit kay Allan? Kay Ken ba,ayaw mo?". Tanong naman n'ya.
"Nakooooooo,wag na! Baka sandamutak na sermon at pagsusungit ang ibigay nun sa'kin tapos hindi naman ako bibigyan." Pag-aalinlangan ko naman sa suggestion n'ya sa'kin.
"Okay,sige na bye!". Pag-papaalam n'ya at ibinaba na ang cellphone.Lumapit naman sa'kin si Sir Angello.
"Hi Rita?". Bati n'ya sa'kin.
"Sir Angello?".
"Ang weird n'yong dalawa kanina ah,tinanong ko si Ken kung bakit pero ayaw n'yang sagutin,bakit ba?". Tanong naman n'ya sa'kin.
"He he he he he..............wala 'yun Sir..........." Sagot ko naman.
"Bakit ba ayaw n'yong sabihin sa'kin ha? Pero by the way,ano 'yung ipapakiusap kay Allan?". Tanong naman n'ya sa'kin.
"Ah 'yun ba? Ano kasi Sir............mag-aadvanced sana ako kasi may kailangan akong bayarang utang ng mga magulang ko,eh nangungulit 'yung balyenang babaeng 'yun,na kapag hindi ko raw mabayaran 'yung utang sa kan'ya ipapakasala daw ako sa anak n'yang kasing-laki n'ya." Kuwento ko naman sa kan'ya.
"Ah."
"Ah sige alis na 'ko baka bigyan pa ako ng bonus kapag inayus ko ang trabaho mo kay ampalaya." Pag-papaalam ko naman at umalis na ako.
Naabutan ko na kumakain si Sir Ken ng hotdog mag-isa sa kusina,nakakatuwa s'yang kumain ng hotdog ah,ang cute n'ya ah.Nagulat na lang ako ng bigla s'yang nagsalita.
"Baka naman matunaw ako sa katititig mo d'yan." Sabi naman n'ya,shufal ng fezlac ah.
"Sana nga..............." Bulong ko naman at lumapit sa kan'ya. "Tinatanong ako kanina ni Sir Angello,tinanong ka din naman n'ya ah,bakit hindi mo sinagot?". Tanong ko naman.
"For what part,para tumawa s'ya?". Pasa n'ya ng tanong sa'kin at sabay subo ng hotdog.
"Hindi naman Sir,ah Sir favorite n'yo 'yan?". Tanong ko naman.
"None of your business." Masungit n'yang sinabi sa'kin.
"Oh............................"
"Gusto mo?". Alok n'ya sa'kin at sabay tuhog ng isang hotdog.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...