Chapter 6

149 5 0
                                    

           Kinabukasan,maaga akong pumasok sa trabaho ko ngayon,mahirap na kasi baka sambulat na sermon ang maabutan ko pero hindi sambulat na sermon ang naabutan ko,isang lalaking bumababa sa hagdan,si Sir Allan,gwapo n'ya din talaga eh pero mas gwapo 'yung isa kaso sama ugali.

"Good morning Sir Allan?" Bati ko dito.

"Good morning,Rita one week akong mawawala dito sa bahay kasi sa mga business meeting ko." Sabi n'ya sa'kin.

"Ah,sige po Sir,pero paano po si Sir Ken kung aalis kayo?". Tanong ko naman.

"Yun na nga eh,pero Rita puwede bang humingi ng maliit na favor sa'yo?". Tanong n'ya naman sa'kin.

"Oo naman po Sir Allan!".

"Mag-stay ka dito sa bahay ng isang linggo!". Sabi n'ya medyo natahimik naman ako saglit pero nasira n'ya ang katahimikan ng magsalita s'ya. "Rita,okay lang ba sa'yo 'yun?".

"Ah,opo naman." Sagot ko.

"Rita please,wag mong iiwan si Ken,minsan n'ya nang naranasa 'yun,ayoko na ulit masaktan ang kapatid ko." Sabi n'ya,hindi ko naman s'ya maintindihan kasi medyo iba ang sinasabi n'ya.

"Okay po Sir!".

"Kailangan ko ng umalis! Sabihin mo na lang sa kan'ya mag-i-stay ako sa condo ko..........." Bilin n'ya. "Thank you Rita?". Sabi ni Sir Allan at niyakap ako, hindi lang pala gwapo,ang bango pa.

Ken's Pov

         Nandito ako sa taas at kitang kita ko ang yakapan nina kuya at ni bouncer.May yakapan palang nangyayaring dito 'di man lang ako na-inform? Gano'n ba sila ka-selfish,buwisit.Nakita kong nagpaalam na si kuya kay bouncer,gusto kong batuhin ng tsinelas si bouncer dahil sa ginagawa n'ya ngayon,pagkaalis na pagkaalis kasi ni kuya ay parang may sumapi sa kan'ya na kung ano,kinikilig s'ya siguro dahil sa nangyari kanina.

"Bouncer tapos ka na bang mag-day dream d'yan?!". Pangbabasag ko sa katangahan n'ya.

"Buwisit!". May sinabi s'ya pero hindi ko nadinig.

"May sinasabi ka?!". Taas kilay kong tanong.

"Wala po Sir Ken,ano po ba ang maipaglikingkod ko sa'yo?". Tanong n'ya sa'kin.

"Hatiran mo ako ng breakfast,ayoko nang hindi masarap.Bilisan mo bouncer ayoko nang pinaghihintay ako." Utos ko kay Rita at pinagulong ko na ang wheelchair ko papunta sa kwarto ko.

"Yes Sir!!!". Sagot n'ya.

————————————————

Rita's Pov

"Hatiran mo ako ng breakfast,ayoko nang hindi masarap.Bilisan mo bouncer ayoko nang pinaghihintay ako." Utos n'ya sa'kin.

"Yes Sir!". Sagot ko at nakita ko na s'yang pumasok sa kwarto n'ya,igagawa kita ng breakfast tapos lalagyan ko ng lason 'yun eh,nakakainis naman! Nagmomoment pa ako eh tapos sisirain n'ya!!   

    Nagpunta na ako sa kusina para gawaan ng breakfast si Sir Ken na ampalaya, hindi ko na pala kailangan s'yang gawaan ng breakfast Kasi nakaluto na si manang,talagang sakto ang breakfast sa ugali ni Sir Ken.Ampalaya.hahaha

"Ah,manang kuha na 'ko dito ah?". Paalam ko kay manang at isinandok na ng kanin at ampalaya,inlagay ko satray ang mga ito kasama ang juice at tubig,sosyal naka-juice at tubig pa,paalis na sana ako nang pansinin ako ni manang.

"Hindi mo ba lalagyan ng ibang ulam?". Tanong n'ya sa'kin.

"Hindi na ho,bagay naman 'to sa boss natin eh." Sabi ko at bahagya kaming tumawa,"ah,sige po dalhin ko na 'to baka maging dragon na naman 'yun!". Paalam ko naman.

         Umakyat na ako sa hagdan at tinungo ang kwarto ni Sir Ken,pagkabukas ko ng pintuan ay naaabutan ko s'ya sa terrace at nakatingin lang sa malayo.Ibinaba ko ang pagkain sa isang small cabinet na nasa gilid ng kama n'ya tsaka ko s'ya nilapitan.

"Ang ganda ng langit no, Sir?". Pansin ko naman kay Sir Ken at nakatingin rin ak sa langit.

"Tama ka!". Sabi n'ya pero hindi n'ya ako tinatapunan ng tingin.

"Eh...... Sir bakit ho ba ninyo pinagmamasdan 'yung langit? Gusto n'yo na po bang PUMUNTA d'yan?". Biro ko namang tanong sa kan'ya,ngumiti s'ya ng bahagya pero hindi ko na 'to pinansin baka kasi magsungit na naman s'ya.

"Alam mo Rita..........." Sabi n'ya sa'kin,for the second time na binanggit n'ya ang pangalan ko,nakakamangha,binabanggit n'ya naman dati kaso laging ampalaya s'ya pero ngayon medyo may bahagyang ngiti na banggit n'ya.

"Sir?".

"Dati,gusto ko na sana..........nand'yan na lang ako para wala nang sakit at hirap ang nararamdaman ko ngayon 'buti pa nga 'yung mga ibon malaya sila,kahit saan nila gusto pumunta nakakapunta sila samantalang ako nandito sa bahay,pinagmamasdan sila habang masaya silang nakakalayo." Kahit kakaunti ang kuwento ni Sir Ken 'ramdam ko ang hirap na pinagdadaanan n'ya,may soft side din pala s'ya ang akala ko puro ampalaya side lang.

"Eh Sir kayo lang naman ang nagkukulong sa sarili n'yo eh,puwede naman kayong lumabas kayo lang ang ayaw." Sabi ko naman,nawala ang ngiti sa labi n'ya at tiningnan ako ng seryoso.Rita dapat kasi 'di ka na lang nagsalita.

"Yung breakfast ko?!". Tanong n'ya at pinagulong na ang wheelchair n'ya papuntang kama,sumunod naman ako at inilapag sa kama ang tray. "What's this?". Tanong n'ya ng makita ang nasa plato.

"Sir pagkain". Sagot ko.

"Alam ko!hindi 'yan 'yung ibig kong sabihin!". Medyo irita n'yang sinabi sa'kin.

"Alam n'yo sir,maganda sa katawan ang pagkain ng gulay,lalo na kung breakfast pa ito,alam n'yo ba gulay lagi ang agahan ko kaya nga-----" Hindi ko naituloy ang sasabihin n'ya dahil pinutol n'ya ito.

"Kaya ka naging mataba at bouncer!". Seryosong sinabi ni Sir Ken pero alam kong nang-aasar s'ya,buwisit ka talaga pero now titiisin ko kasi good vibes kanina.

"Sir hindi,kaya nga lumaki ako ng-----" Pinutol n'ya ulit sa pangalawang pagkakataon.

"Hindi ka lumaki,lumobo ka lang!". Dagdag pa n'ya,mamaya isasamual ko na sa'yo 'yang pagkain mo eh tapis ipapalaklak ko 'yang tubig at juice sa'yo hanggang sa masuka ka sa sama ng lasa.

"Sir nakakadami ka na ah, Sir ang gusto ko lang naman sabihin kaya masayahin,magiliw at MABAIT ako dahil 'yan sa gulay,Kaya Sir dapat mag-gulay ka na lagi para matanggal naman 'yung pagiging dragon n'yo." Sabi ko sa kan'ya,napakiling naman s'ya nung sinabi kong dragon,totoo naman kasi eh. " Kaya Sir kumain ka ng gulay sa breakfast para maging  masayahin at MABAIT ka!". Dagdag ko pa kaya lalong sumama ang tingin n'ya sa'kin.

"Alam ko 'yan,sinasabi mo bang stupid ako?". Sabi n'ya.

"Sir, hindi ako ang nagsabi n'yan ah,sa bibig n'yo mismo nanggaling 'yan!". Mapang-asar kong sinabi.

"Lumabas kana nga!!". Galit n'yang sinabi sa'kin.

"Sir pero promise me kainin n'yo 'yan para mabawasan 'yang kasungitan n'yo para maging mabait ka na!". Nakangiti kong sinabi sa kan'ya at bigla na lang s'yang sumigaw.

"Out!!!! Alis na!!!". Aigaw ni Sir Ken sa'kin.

"Oo nga po." Lumabas na ako bago pa s'ya mag-alburuto,nang nakalabas ako ay napangiti ako dahil sa pagsang-ayon n'ya sa sinabi ko about sa gulay at breakfast na not knowing na imbento ko lang 'yun.

——————————————————

Ken's Pov

"Out!!! Alis na!!!". Sigaw ko kay Rita para hindi na s'ya mag-explain,hindi ko naman kailangan ng explain n'ya eh.

"Oo nga po Sir!" Sabi n'ya at madaling lumabas ng kwarto ko.

        Akala n'ya ba hindi ko alam na gawa-gawa n'ya lang 'yung tungkol sa gulay at breakfast na 'yun, nakakatawa s'ya,Ewan ko ba kung bakit n'ya ako napangiti kanina nang dahil sa sinabi n'ya sa'kin? Tumingin na lang ako sa gulay at kinain na ito.

Once Cupido Hits Your Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon