Chapter 5

156 6 0
                                    

           Kahit ilang minuto pa lang ang nakakalipas,hindi ko makalimutan ang nangyari sa'min ni Sir Ken kanina,kahit sinungitan n'ya ko hindi ko magawang magalit ng matagal,dala ba 'yun ng charm ng mga mata n'ya?

Ken's Pov

           Naligo na ako pagkatapos ng pangyayaring 'yun,kung hindi lang mukhang bouncer 'yung Rita na 'yun,malamang naitulak ko na s'ya mula sa kama,kaso ako rin kasi ang masasaktan kapag itinulak ko s'ya eh,bukod sa mataba s'ya paniguradong mabigat rin s'ya,mababalian pa ang kamay ko dahil sa kan'ya.Paglaruan ko kaya 'yung babaeng 'yun,tutal naman na hindi pa ako nakakalabas sa CR at 'di pa nakakapagbihis,pakuha ko sa kan'ya kaya 'yung damit ko?

"Rita?!". Tawag ko sa kan'ya,mula sa CR,siguro naman maririnig n'ya 'yun."Rita?! Rita?!". Paulit na tawag ko sa kan'ya,bingi ba s'ya?!

————————————————

Rita's Pov

      Nadidinig ko na naman ang boses ni Sir Ken,ano na naman kayang gusto nito? Pagkatapos n'ya akong pagtripan kanina tapos ngayon tawah tawag s'ya,minabuti kong pumunta sa kwarto n'ya baka kasi mag-alburuto na s'ya kapag hindi ako dumating kaagad.Pagkapasok ko ay wala naman si Sir Ken sa loob,mga damit n'ya lang ang nandoon.

"Sir Ken,nandito na po ako." Tawag ko kay Sir Ken.

"Oh, great,come inside!". Pag-aaya sa'kin ni Sir Ken sa loob ng CR kaya medyo nanlaki ang mata ko.

"Ano ho? Sa loob?". Paglilinaw ko kay Sir Ken.Bakit naman kaya? Baka kung ano ano pa ang ma-sight ng two eyes ko.

"Yes,you heard it right!!". Sagot n'ya.

"Pero Sir." Sabi ko.

"Ano pang ikinape-pero mo,ha?!" Halata sa boses n'ya na naiinis na s'ya.

"Sir kaya n'yo naman pong mag-isa eh!". Pag-angal ko.

"Diba ang trabaho mo alagaan ako,sundin ang inuutos ko?! So ano pang tinatanga-tanga mo d'yan?! Come inside!". Inis n'yang sinabi sa'kin,bakit naman ako kailangan pumasok d'yan Sir Ken,baka may hindi kanais-nais na matunghayan?

"Yes po Sir Ken." Sagot ko at huminga ako ng malalim.

          Nagtungo na ako sa loob ng CR pero nakapikit ako baka kasi may manotice akong iba eh kapag mulat ang mga mata ko.

"Bakit ka nakapikit?!". Seryoso n'yang tanong sa'kin.

"Eh........ Sir Ken baka kasi------". Pinutol ni Sir Ken ang sasabihin ko.

"Hindi ako tanga Rita!!mulat mo na nga 'yung mga mata mo!". Utos n'ya sa'kin.Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko s'yang nakaupo sa isang upuan,at nakatapis ang towel sa bewang n'ya,siguro itong inuupuan n'ya ang ginagamit kapag naliligo s'ya.Wala pala s'yang abs,sayang............... "Ano pang itinatanga-tanga mo d'yan?!" Inis na tanong n'ya.

"Sir?!". Pansin ko dito.

"Bakit hindi mo kaya ako tulungang ilabas dito sa CR nang may silbi ka naman?!". Tanong n'ya,nanghusga na naman s'ya,napaka-judgemental naman nito.

"Ah,sorry po Sir."

"Ano pang hinihintay mo?!" Mamaya talaga ihahambalus ko na 'yung kamao ko dito eh.

         Inalalayan ko si Sir Ken palabas ng CR,ang bango n'ya,siguro nga katatapos n'ya lang maligo,amoy baby s'ya eh,iniupo ko na s'ya sa kama.Paalis na sana ako nang tawagin n'ya ulit ako.

"Saan ka pupunta?!". Tanong n'ya.

"Lalabas na po Sir Ken." Sagot ko. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay. "So ibig sabihin kailangan ko pa kayong-------" Inirapan n'ya lang ako,aba! Ang shufal ng fez,mag papabihis pa. "Ah Sir Ken,ano kasi.........." Tatanggi pa sana ako ng ihagis n'ya sa'kin ang damit n'ya.

"Ano?!". Sabi n'ya. Naptigil naman ako,ano bang plano nito? Pinagtitripan n'ya talaga ako.

————————————————

            Salamat sa diyos at natapos ko na ang trabaho ko sa Sir ampalaya na 'yun,nandito ako ngayon sa bahay namin,nakahilata ngayon ako sa upuang mahaba habang nagce-cellphone,naisipan kong i-search si Sir Ken,Wow!! Daming reactors ah,famous,Bakit ba ako magtataka? Eh ang gwapo gwapo n'ya,Isa pa sa nakaka-attract sa kan'ya at ang assets n'ya ay 'yung mga mata n'ya ilong at ang labi n'ya.

"Marunong naman pala s'yang ngumiti dito pero,Bakit s'ya napaka-ampalaya ngayon? At tsaka last 3 years ago na last update ng social media account n'ya?wala na namang ibang account s'ya eh..........."

            Patuloy lang ako sa pag-scroll ngayon hanggang sa umabot na ako sa isang photo,hindi lang pala isang photo napakadami,may kasama s'yang babae,ang ganda naman n'ya siguro girlfriend 'to ni Sir Ken,may standard pala s'ya babae? Natigil lang pag-iscroll ko ng dumating si Isha at kasama n'ya si xandro.

"Uy beshie,kamusta?". Pangangamusta ni Isha sa'kin.

"Okay lang,oh,xandro anong ginagawa mo dito?". Sagot ko at tanong ko naman kay xandro.

"Ito na nga beshie,si Xandro mag-jajabroad." Sabi naman ni Isha,ha?! ano raw?!

"Ano?!".

"Ah,Rita mag-aabroad na ako eh." Sabi ni Xandro,nam-bilog naman mata ko at napabangon ako.

"Weeeeeee?!" 'Di ko makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga beshie! Bukas na ang alis n'ya eh!". Sabat naman ni Isha.

"Bakit 'di mo man lang sinabi na mag-aabroad ka? Tapos tingnan mo ngayon,bukas na pala ang alis mo!". May halong tampo ang boses ko.

"Masyadong ka kasing busy sa trabaho mo eh!". Sagot naman n'ya.

"Hoy, Xandro baka makalimot ka na,ha? 'yung pang-shopping ko ah?". Biro naman ni Isha kay Xandro.

"Hoy,grabi ka makabilin ah!". Sabi ko naman.

"Change topic tayo,kamusta si Mr.Pogi?". May halong kilig ang pagtatanong ni Isha sa'kin dahil dun ay napatingin sa'kin si Xandro.

"Mr.Pogi?". Takang tanong ni Xandro sa'kin.

"Nako...........wag kang maniwala d'yan kay Isha,mukhang hukluban na 'yung inaalagaan ko,amoy lupa pa nga eh!". Pagbibiro ko sabay kong pinandilatan ng mata si Isha.

"Ah...............Rita, Isha,mauuna na ako kailangan ko pang ihanda ang mga gamit ko para sa flight ko bukas.Sige."  Umalis na si Xandro sa bahay namin nang bigyan ako ng isang pilyang ngiti ni Isha.Ano na naman ba?!

"Ano namang ibig sabihin ng ngiting 'yan?". Tanong ko.

"Matandang hukluban? Amoy lupa? ". Sabi n'ya. "Baka gwapings na binata at amoy baby?........" Sabi n'ya with matching kiliti with me.

"Ano ba?!". Natatawa naman ako. "Gaga ka talaga!".

"Ano nga uling pangalan?.........Ken Samonte? Search ko nga!". Sabi ni Isha at kaagad na hinanap sa internet. "Ito ba 'yung matandang hukluban?.........." Sabi n'ya at kinikilig pa.

"Nako tumigil ka nga Isha............" Sabi ko naman.

"RITKEN" Sabi ni Isha.

"RITKEN? saan 'yun?" Taka mo namang tanong.

"Edi ano pa?................Rita plus Ken is equal to RITKEN!".

"Ewan ko sa'yo........at tsaka 'di kami bagay nun,'yung Ken na 'yun ampalaya,ako naman isang matamis na pagkain kaya kailanman hindi bagay ang mapait at matamis." Sabi ko.

"RITKEN................. RITKEN................ RITKEN......." Sabi ni Isha habang umaakyat sa hagdan.

"Che!!!!!! RITKEN? RITKEN?". Sabi ko at napangiti naman ako.

Once Cupido Hits Your Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon