Rita's Pov.
Panigurado ako na buwisit na buwisit ngayon sa'kin si Sir Ken,takutin ko ba naman ako ang magpapaligo sa kan'ya at ako ang magbibihis! Takot n'ya lang kapag may nakita akong iba hahahaha,'di uubra ang kasungitan mo Sir Ken.Habang natatawa ako tumawag naman sa cellphone ko si Isha.
"Hello beshie?". Sagot ko.
"Kamusta ang work?". Tanong naman n'ya sa'kin mula sa kabilang linya.
"Ayos naman,may ikukuwento ako sa'yo pagkatapos ng trabaho ko,mamaya na lang tayo mag-usap baka hanapin na ako ni baby." Sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. "Simula na ng trabaho ko sa ampalaya na 'yun!".
Nagpunta na ako sa kwarto ni Sir Ken,hahaha,wala s'ya dito,nasaan kaya 'yun? Ano naman kayang laman ng kwarto n'ya,hindi naman ako mangingielam titingnan ko lang naman.
Tingnan mo 'tong taong 'to,marunong naman pala s'yang ngumiti,eh bakit ni hindi n'ya man lang ako bingyan kahit sandali,kahit kapirangot? Nagulat na lang ako ng may nagsalita out of now where.Si Sir Ken pala."Sadya bang pakialamera ka,ha?!". Bitter n'yang sinabi sa'kin,siguro nakakain na naman 'to ng ampalaya.
"Tinitingnan ko lang naman Sir Ken!". Sabi ko sabay ngiti.
"Nextime kapag hindi kita pinapapunta sa kwarto ko wag na wag kang pupunta!". Bilin n'ya.
"Yes Sir!". Sagot ko.
"Malay ko ba na hindi trabaho ang pinunta mo dito!". Nag-iba na ang tono ng pananalita ni Sir Ken.Kahit naiinis ako pinigil ko pa rin 'yung emosyon ko. "Marami na kong nakasalamuha na tao like you,hindi naman trabaho ang pinunta n'yo dito,alahas,pera,mamahaling gamit at kung ano ano pa.Alam mo tawag dun?".
"Ho?".
"Magnanakaw!.............Malay ko bang galing ka sa pamilya ng magnanakaw if 'yun 'yung plano mo? Ngayon pa lang umalis ka na!". Sabi ni Sir Ken at pagbibintang sa'kin.
"Mawalang galang na ho Sir Ken ah! Wala ho kayong karapatan para husgahan ako at ang pamilya ko..........." Ngayon,hindi ko na napigilan ang luhang ko,napaka-harsh n'ya kasing magsalita eh. "Lalong lalo na hindi n'yo kaming kilala kaya wag na wag n'yo ako at pamilya ko subukang husgahan kasi kahit mataas ka sa'kin ibababa kita!!". Sabi ko.
"Tapos ka na ba?! Are you trying to treatend me?!". Bastos n'yang tanong.Wala ba s'yang pakiramdam na nasasaktan rin ako.
"Hindi Sir Ken,sinasabi ko lang na kahit mataas kayo hindi kayo mananatiling nasa taas,excuse me po!". Lumabas na ako ng kwarto n'ya kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Rita's Pov
Umalis ako sa kwarto ni Sir Ken kasi sobra na s'ya sa mga sinasabi n'ya, sobra na akong nasaktan dahil sa pagbibintang n'ya sa'kin at sa pamilya ko.Ngayon lang may bumastos sa'kin at sa pamilya ko ng harap-harapan,buwisit ka Sir Ken napaka-harsh mo sa'kin,ano ba ang kinakain mo,ha?! Ampalya ba?! Ano 'yun? Breakfast? Lunch? at Dinner n'yo ha,kaya ba napakasama ng awra n'yo,sama ko na pati ugali mo?!
——————————————————
Ken's Pov
Kung sa tingin n'yong masama ang ugali ko dahil sa mga sinasabi ko kay Rita,nagkakamali kayo.Sinasabi ko lang ang pakiramdam ko sa babaeng 'yun, nahihirapan na akong magtiwala ngayon,hindi mo kilala kung tunay ba ang nakapaligid sa'yo,minsan kasi 'yung akala natin na kaibigan mo at makakatulong sa'yo para makabangon ka,hindi mo aakalain na sila pa 'yung magtatraydor at magbabaon sa'yo sa kamalian at sa kahihiyan.
————————————————
Hindi ko naalagaan si Sir Ken ngayon kasi nga dahil sa nangyari kanina,nasa labas lang ako ng bahay,nakaupo sa hagdan,nakita ako ni Sir Allan,kararating n'ya lang siguro.Tinabihan n'ya ako sa kinakaupuan ko.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...