Chapter 7

147 6 0
                                    

Ken's Pov

            After kong kainin ang breakfast na dinala ni bouncer sa'kin ay kinuha na ito ni manang,gusto ko sanang bumaba pero wala 'yung driver ko,siguro nasa bahay pa nila, s'ya lang kasi ang umaalalay sa'kin kapag bababa ako,may saklay naman ako kaso baka mahulog lang ako.Nagpunta ako sa terrace ng kuwarto ko,nakita ko si bouncer na nagkakasaw sa swimming pool,nakangiti lang s'ya at may sinasabi,baliw ba s'ya at nagsasalita magsalita? Pero nakakatawa s'yang panoorin,parang wala s'yang problemang kinakaharap sa buhay,siguro ang sarap sarap n'yang maging kaibigan pero kahit gustuhin ko hindi ko magagawa,baka lang kasi mahulog ang loob ko sa kan'ya tulad ng nangyari sa'min ni Allesadra.

————————————————

Rita's Pov

         Nandito ako ngayon sa pool nila Sir Ken at kinakasaw ang tubig nila,mukha namang good mood si Sir Ken kaya iniwan ko na s'ya,nakakaaliw din pala si Sir Ken minsan,may soft side din naman pala s'ya eh,eh bakit hindi n'ya na lang 'yun 'yung ipakita n'ya sa'kin? (Bakit Rita ano na ba ang ipinakita sa'yo si ni Ken,marami ba? Hahaha) bakit kaya s'ya naging masungit? Tiningnan ko ang terrace ng kuwarto ni Sir Ken,nakatingin s'ya sa'kin pero umiiwas s'ya ng tumingin ako.

"Sir ah...........pasikreto pa kayong na-iinlove sa'kin ah!". Natatawang sabi ko sa sarili ko,nakita ko s'yang pumasok na sa loob.

————————————————

         Hay nako.............. Maydadalawang linggo na ako dito sa bahay ni Sir Ken,ang akala ko isang linggo lang,si Sir Allan kasi nagka-emergency daw doon,nahulog sa hagdan,kaya 'ayun na hospital.Sana may magtanong sa'kin kung 'ayos lang ako.Oo si Isha tinatanong ako pero sandali lang naman din.Bakit kamo hindi ako 'ayos? Si Sir Ken kasi inatake na naman ng pagka-ampalaya n'ya,mahigit isang linggo n'ya na ang sinusungitan,lagi akong sinisigawan,inaaway,nilalait,hinuhusgahan at pinapahiya,bugbug na bugbug na ang heart ko dahil sa sakit na pinaparamdam n'ya.Napakamanhid n'ya nakakainis na s'ya.

           Nandito kami sa labas nina Sir Ken at Sir Angello,as usual pinapagalitan na naman ako,para akong isang bugbug na talong sa pinakbet dahil sa mga hurting na sinasabi ni KEN!!!!!!

"Alam mo?! Nagtataka ako kung bakit nandito ka pa?! Diba isang linggo ka lang naman dito?! Nakakahiya ka,isang  linggong kapalpakan ang ginagawa mo sa bahay na 'to tapos hihingi ka pa ng advance na suweldo,ang kapal naman ng mukha mo!! Kung ako lang ang masusunod,matagal na kitang tinanggal sa trabaho!". Galit nagalit na sinabi ni Sir Ken, kailangan ko lang naman ng pera eh.

"Ken,stop it!! Sumusobra ka na!". Pigil ni Sir Angello kay Sir Ken.

"Stop it Angello!!". Sabi ni Sir Ken.

"Sorry po Sir!". Sabi ko habang tumutulo ang luha ko at umalis na ako baka kung ano pang harsh ang sabihin n'ya sa'kin.

————————————————

Ken's Pov

        Hindi ko naman gustong pagbuntunan ng galit si Rita eh,kaso wala na,wala na akong magagawa,nasabi ko na ang lahat.Bakit gano'n nasasaktan ako kapag nasasaktan si Rita? Hindi naman ako nagalit dahil sa gusto n'yang mag-advance ng suweldo eh,nagalit ako kasi.........................................................

            ..... Flashback.....

"Oo na kuya!!". Sagot ko kay kuya habang kausap ko s'ya sa phone.

"Ken,Kung sa inaakala mo hindi ko alam ang ginagawa mo kay Rita nagkakamali ka,respeto mo naman s'ya,just like on how you respect Allesadra before!" Sermon naman ni kuya sa'kin.

"Bakit ba kailangan mo laging idamay si Allesadra dito kuya?! Allesadra is different,walang wala si Rita sa kan'ya and you can't force me to respect Rita,bakit ba napaka-demanding mo pagdating kay Rita,ha?!! You like Rita,no?". Tanong ko sa kan'ya.

"I don't what you are talking about Ken!! All I want is respect Rita like on how you respect me, respect our mom and I want you back Ken,gusto ko ng bumalik ang dating ikaw!!". Sabi naman sa'kin ni kuya,napaluha ako pero hindi ko pinahalata ang umiiyak na ako.

"Are you done?!". Tanong ko.

"Ken please I'm begging you?". Sabi n'ya.

"Ayoko kay Rita!!" Sabi ko.

"But--------". Hindi ko na hinayaang matapos pa ni kuya ang dapat n'yang sabihin sa'kin kasi ibinaba ko  na ang cellphone ko,nag-vibrate ang cellphone ko,pagkabukas ko ay bumungad sa'kin ang picture ni Allesadra with the other guy,lalong nadurog ang puso ko.

"Sir Ken?". Tawag sa'kin ni Rita nang hindi man lang kumakatok sa pintuan.

"Ano ba?!!!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Ay..... high blood agad sir!". Nangingiting sabi ni Rita,tingin n'ya natutuwa ako?!

"Lumabas ka!!". Sabi ko.

"Pero Sir naman eh...."

"Lumabas ka!!!!". Sigaw ko at nagulat s'ya kaya agad s'yang lumabas.

        .....End of flashback.....

"Ken what happened to you?!". Takang tanong sa'kin ni Angello.

"Wala." Simple kong sagot.

"Nothing? You're being not respectful again!! Tapos wala lang? Ano bang nagawa ni Rita sa'yo? Bro,nasaktan mo ang tao,nasaktan mo si Rita tapos hindi ka man lang nagsorry!! Pasalamat ka nga pinagtitiyagaan kani Rita,paano na lang kung wala s'ya? Ano ka ngayon?!". Sermon ni Angello sa'kin,hindi ko naman sinasadya eh.

"I can manage my self without her, without my family and even you!!". Galit kong sinabi kay Angello,hindi ko kayang ibaba ang pride ko sa ngayon.Napangisi naman sa'kin si Angello,alam kong naiinis s'ya at nasasaktan na s'ya.

"Oh really?! Even me!!!!! So.............bahala ka na sa buhay mo!!". Yan na lang ang sinabi n'ya at iniwan na ako ng nag-iisa.

"Angello wait?!!!". Tawag ko pero hindi na s'ya nagpatinag sa'kin at nagpatuloy sa paglalakad at pagkasakay n'ya ay minaneho na n'ya ang kotse n'ya paalis.

————————————————

Rita's Pov

         Tumakbo ako sa tulugan ko at doon ako humagulhol,sobrang sakit lang kasi na napaka-harsh n'ya sa'kin simula pa noong mga nakaraang araw,super harsh n'yang magsalita,super sakit ang mga binibitiwan n'yang salita,kung may liquid lang na asukal pinalaklak ko na sa kan'ya kanina para mabawasan naman ang kagaspangan ng ugali n'ya at kakitidan.

           Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak,nagring ang cellphone ko,si Isha pala ang tumatawag sa'kin.Sinagot ko ito.

"Hello Isha?!". Matamlay kong sagot.

"Oh,bakit gan'yan ang boses mo?". Nag-aalalang tanong n'ya.

"Wala,pagod lang ako!". Sagot ko.

"Pinagalitan ka na naman ba ni Ken,ha?!". Matapang n'yang tanong. "Pupunta ako d'yan,reresbakan kita!!". Dagdag pa n'ya,suwerte ko kasi may gan'yan akong kaibigan.

"Nako hindi mo naman s'ya mapipigilan eh at tsaka 'ayos lang naman ako eh,kaya kong tiisin ang ugali n'ya." Sabi ko habang sumisinghot.

"Kita mo umiiyak ka na,Ah, Rita oo nga pala si Aling Minnie the mouse na love team ni Mikie mouse nagpunta dito at hinahanap ka,sinisingil n'ya 'yung utang ng parents mo noon." Sumbong pa n'ya.

"Oo nga pala,ako bahala dun! Pakisabi kapag pumunta ulit gagawan ko ng paraan!". Bilin ko naman sa kan'ya.

"Paano? Eh 30,000 nga diba 'yun? Saan ka naman kukuha ng ganong kalaking halaga?!". Tanong n'ya.

"Bahala na,basta ako na lang bahala,sige bye!". Sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. ""Ano ba namang mga problema 'to? Bakit ba 'ko pinapahirapan ng ganito? Naging mabuti naman akong tao sa lahat ah,pero bakit? Bakit?" Tanong ko naman at napaiyak na lang ako habang naka-ub-ub sa unan.

Once Cupido Hits Your Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon