RITA'S POV
Ito na ang araw ng pag-alis ko sa pilipinas,nandito parin ako sa bahay,hinihintay namin ni Isha si Xander,si Xander kasi ang jasabay namin sa flight at tsaka magkakasama din kaming tatlo sa isang trabaho abroad,hindi ko alam kung ready na ba akong umalis,ready na ba akong iwan ang lugar na to na kung saan naranasan kong maging masaya? May nagparamdam na espesyal ako? At higit sa lahat nagparamdaman na mahalaga at Mahal n'ya ako?
“Bes,ready ka na ba talagang umalis?”. Nakailang tanong na sa'kin ni Isha ito ah,parang s'ya ang Hindi pa ready'ng umalis ng pilipinas ah.
“Nakailang tanong mo na ba sa'kin yan,ha?”.
“Naninigurado lang naman ako eh,ayoko kasing magsisi ka sa huli at masaktan.......gusto ko lang maging masaya ka,Yun lang!”. Sabi ni Isha,nakakatouch naman si Isha talaga.
“Kahit gusto kong umatras wala na akong magagawa!”.
“So ibig sabihin gusto mong umatras!?”. Takang tanong ni Isha sa'kin.
“Hindi ko alam..........” Sagot ko naman.
“Okay!! Kapag dumating si Ken sa airport,kapag pinigilan ka n'yang umalis,papatawarin mo s'ya,bibigyan mo s'ya ng chance pero kung hindi..........wala na,let go mo na s'ya.” Suggest sa'kin ni Isha.
“Tapos? Kapag pinatawad ko s'ya ibig sabihin Mahal ko pa s'ya?”. Tinanong ko pasa kan'ya eh ako mismo alam ko na ang sagot.
“Oo naman,deal?”. Tanong sa'kin ni Isha.
“Deal! Pero kapag hindi s'ya dumating hinding Hindi ko na madinig mula sa'yo ang pangalang Ken?”.
“Deal,pero kapag dumating s'ya pipiliin mo na ang makakapagpasaya sa'yo!”.
Sasagot sana ako nang dumating si Xander.
“Tara na,naghihintay na ang taxi satin?”. Tawag samin ni Xander.
“Oo na!”. Sagot naman ni Isha. “Tara na bes?”. Yaya sa'kin ni Isha,tumango na lamang ako at sumunod.
KEN'S POV
Nakaupo ako sa gilid ng pool kung saan dito nagsimula ang mala-firstdate namin ni Rita,hanggang alaala na lang ang lahat sa pagitan naming dalawa, ngayon ang alis ni Rita,Ano pa ba ang magagawa ko? Ni hindi nga ako makatakbo ng mabilis para habulin s'ya.
“Bro,magmumokmok ka na lang ba dito,ha?”. Tanong sa'kin ni Angello na kung saan lumitaw.
“Oo hanggang sa makalimutan ko s'ya.” Sagot ko na may kasamang pag-irap sa kan'ya.
“Kung ginawa mo lang yung sinabi kong closure edi sana tahimik na ang kalooban mo,baka nga nabigyan ka pa n'ya ng chance.” Sabi n'ya.
“Kung makakalakad o makaatakbo man ako ngayon baka habulin ko pa s'ya sa airport at pigilan ko s'ya!”. Pagbibiro ko kay Angello,Sana nga kung makakatakbo nga lang ako,hahabulin ko s'ya para pigilan.
“Kung mangyayari ba Yun......pipigilan mo ba s'ya?” Sumakay naman si Angello sa Biro ko.
“Gusto ko na malabong mangyari!!”. Sabi ko.
“Paano kung mangyari nga yun? Paano kung dahil sa aksidenteng nangyari sa'yo past a days,Yun na pala ang sagot para maging normal ang pagsasama n'yo ni Rita?”. Sabi ni Angello.
“So ibig mong sabihin abnormal yung relasyon namin ni Rita?”.
“Hindi naman sa gano'n,ang akin lang Wala nang sagabal,diba? Makakaalis kayo kung saan n'yo man gustuhin!!”.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomansaSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...