RITA'S POV
Umiiyak ngayon sa balikat ni Isha dahil sa nalaman ko tungkol kay Ken,ikinuwento ko kina Xander at Isha ang nangyari at ang katotohanan.
"Rita,tahan na.......nakaraan na yun,kalimutan muna." Sabi sa'kin ni Isha.Umalis ako sa pagkakahiga sa balikat ni Isha.
"Isha paano ko makakalimutan ang mga nalaman ko!? S'ya ang dahilan kung bakit wala an ang mga magulang ko!!". Bunton ko naman Kay Isha ng pagkainis ko. "Wala ka sa posisyon para sabihin kung ano ang dapat kong gawin,palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam ng mawalan ng magulang eh!!".
"Nagsa-suggest lang naman ako eh,siguro naman may dahilan si Ken kung bakit n'ya hindi sinabi sa'yo ang katotohanan,buksan mo naman isip mo!".
"Mas kinakampihan mo pa si Ken kaysa sa'kin, gano'n ba!?".
"Hindi sa gano'n......ang akin lang naman,dapat pinakinggan mo muna 'yung side ni Ken,wala namang masama kung sinubukan mo diba!?". Sabi sa'kin ni Isha,medyo natigilan ako sa sinabi ni Isha,dapat ko nga bang pinakinggan si Ken?
"Isha ano ba!? Ginugulo mo lang ang isipan ni Rita,Tama ang desisyon ni Rita na hindi n'ya pinakinggan si Ken.Alam mo ba kung bakit? Magsisinungaling lang si Ken,kasinungalingan lang ang sasabihin n'ya." Sabat naman ni Xander.
"Xander ano bang nangyayari sa'yo ha!? Parang sinusulsulan mo pa si Rita ng mali ah,magkakaibigan tayo dito.........." Sagot naman ni Isha.
"Yun na nga Isha eh,magkakaibigan tayo pero hindi si Rita ang kinakampihan mo,mas kinakampihan mo yung tarandatong Ken na 'yun!!".
"Wala akong kinakampihan sa dalawa,parehas silang may mali,naging mali si Rita kasi sinusulsulan mo ng maling aksyon!!".
"Tama na yan,pati tayo nag-aaway away eh!". Saway ko sa dalawa kong kaibigan.
"Bakit ko naman susulsulan si Rita ng mali kung alam kong makakabuti sa kan'ya?".
"Bakit mo nga ba gagawin yun?.................Isa lang naman ang dahilan eh at alam mo yun!!". Sabi no Isha at nagmadaling umalis sa loob ng bahay at iniwan kaming dalawa sa loob.
"Isha!? Isha!? Sandali.............." Pagtawag ko kay Isha.
"Rita wag na!!". Pagpigil naman sa'kin ni Xander, tiningnan ko na lang s'ya.
KEN'S POV
Nakaupo lang ako ngayon sa sofa habang nanonood ng TV pero wala naman sa TV ang atensiyon ko,lumilipad ang isipan ko ngayon,hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko ngayon.....................Nag-ring ang phone ko, tumatawag si Allesandra,Hindi ko ito sinagot at hinayaan ko na lang kusang tumigil s'ya,wala akong panahon sa kan'ya,Isa s'ya sa mga dahilan kung bakit masama ang loob sa'kin ni Rita.Tumigil na s'ya pag-ring ang phone ko tsaka ko naman tinawagan si Rita. Nakailang tawag ako at sa wakas sinagot n'ya ito.
"Rita mag-usap naman tayo...........magpapaliwanag ako." Sabi ko kay Rita pero hindi pala si Rita iyon.
"Wala ka nang dapat ipaliwanag pa Ken,tigilan muna si Rita!!" . Sagot nang nasa kabilang linya, kahit hindi s'ya nagpakilala ay kilala ko ang boses n'ya.Si Xander.
"Bakit na sa'yo ang phone ni Rita?". Hindi na ako sinagot ni Xander at agarang ibinaba ang cellphone. "Xander!?.......Xander!?.........." Sa sobrang inis ko ay inihagis ko ang cellphone ko na sabay namang pumasok si Angello.
"Talagang nasisiraan ka na ng bait no!? Asta cellphone pinagdidiskitahan mo,ha!! Gano'n ka na ba talaga kahina!?". Pambungad sa kan'ya ni Angello.
"Nangingialam si Xander sa amin ni Rita eh,Paano ako hindi magagalit!?".
"Alam mo bro sa tingin ko talaga may gusto yang Xander na yan kay Rita....."
"Ano pa nga ba!?".
RITA'S POV
Hinahanap ko ngayon si Isha,napagbuntunan ko rin naman s'ya ng galit kanina eh,sigurado akong nasaktan ko din s'ya.Nakita ko na si Isha nandoon s'ya sa tindahang tinatambayan naming dalawa madalas nung hindi pa dumadating si Ken sa buhay ko.Naupo ako sa tabi n'ya.
"Anong ginagawa mo dito?". Tanong ko sa kan'ya.
"Wala,ikaw?". Pagbalik n'ya naman ng tanong sa'kin.
"Hinahanap ka,sorry na Isha...........Alam ko namang wala kang kinakampihan sa pagitan naming dalawa ni Ken kaya lang hindi mo ako mapipilit na gawin ang gusto mo.Masakit parin sa'kin yung mga nalaman ko............." Sabi ko naman kay Isha.
"Alam ko.Sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko eh pero yang Xander na yan,Ewan ko ba kung kaibigan pa ba natin yun..............hindi na s'ya yung Xander na kilala ko."
"Hayaan mo na s'ya...........mag-ayos na kayong dalawa para sa'kin kayo na lang ang pamilya ko eh,Kayo na nga lang dalawa eh tapos magkakasira pa kayo? ..................please?". Paki-usap ko kay Isha.Tumango na lang si Isha.Nginitian ko s'ya at niyakap ko.
Umuwi na kami ni Isha sa bahay,nandoon pa rin si Xander,nagtitinginan pa ang dalawa pero pagkatapos ng tinginan na yun ay naunang bumuka ang bibig ni Xander.
"Isha sorry na?".
"Ikaw naman kasi eh........."
"Anong ako!? Ikaw kasi!!".
"Ako!?........akala ko ba nagsosorry ka,pero bakit parang sinisisi mo pa ako,ha!?".
"Nagsorry ako,pero ikaw nagsimula!".
"hepppppppppppppl......magpapatawaran ba kayo o Hindi?". Pagsingit ko sa dalawa.
"Oo na kasalanan ko na.Sorry na Isha................" Sabi ni Xander.
"Magkaayos na kayong dalawa ngayon pa na.............sama sama tayong aalis ng bansa......." Nakangiti kong banggit kina Xander at Isha.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?". Takang tanong ni Isha.
"Gusto ko nang kalimutan ang mga nangyari dito na hindi maganda..........gusto ko nang mag-move on for good at tsaka..........Malay n'yo Doon ko mameet yung tamang lalaki para sa'kin....."
"Oo Doon mo talaga mamemeet yun Rita,Kasi ako Yun!" Sabat ni Xander sa'kin.
"Nanguna na naman ang kahanginan ng isang d'yan.......oo na Xander umasa ka na lang." Sabi ni Isha.
"Wag na kayong magtalong dalawa,Wala pa sa isipan ko yan,siguro kapag ready na ako..........,"
"Kapag ready ka na ba,pwedeng ako na lang?". Tanong ni Xander.
"Kung ready na ako,bakit ba hindi?". Sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon kay Xander,siguro nga so Xander ang para sa'kin pero,hindi pa ako handang magmahal eh.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...